Ika-25 ng Marso, 2015 // 1:40 ng hapon
"Maupo ka."
Nagulat si Luis nang makitang si Arriane ang nagpatawag sa kanya sa interrogation room. Lalo siyang nagulat nang tanggalin ang posas sa kamay niya at iwan sila ng gwardiyang nagdala sa kanya. Masyado naman atang kumpiyansa itong babaeng 'to.
"Hindi ka ba natatakot na baka sugurin kita at gamiting pain
para makalabas dito?" Naguguluhang tanong niya. Ngumisi lang si Arriane. Hinugot nito ang baril para ipakita sa kanya saka maayos na ibinalik uli sa holster."Gusto mo ba ng kape o energy drink?" Tanong ng babaeng pulis.
"Hindi. Bakit mo ako pinatawag dito?"
Dahan-dahang sumandal sa upuan si Arriane. "Kumusta na yang mga pasa mo?"
Wala sa sariling nasapo ni Luis ang gilid ng kanyang bibig. Nangingitim pa rin iyon. Hindi iyon ang pinakamalaking pinsala sa kanya dahil kung tutuusin buong katawan niya ang nananakit. Ipinatingin naman siya sa doktor kagabi pero humupa na ang pampamanhid na gamot.
"Ako na ang humihingi ng pasensiya para kay Alex. Hindi niya gawain ang..." bumuntong-hininga si Arriane.
"Alam ko." Napanood niya sa balita at nakaringgan niya sa prisinto ang pagkamatay ng girlfriend ni Alex. Si Mariella. Nanlambot ang ekspresyon niya nang may ala-alang sumagi sa isip. Naiintindihan niya kung anong nararamdaman ni Alex kaya hinayaan niyang bugbugin siya nito.
"Handa ka na bang magsabi ng totoo?"
Napaangat ng tingin si Luis. "Anong ibig mong sabihin?"
"Tatlong buwan na mula ng mamatay si De Nierro. May mga sumunod na rin. Kailangan mahinto na tong kalokohang 'to...”
“Kilala mo ang totoong Puting anino." Diretso ang tinging ipinupukol ni Arriane kay Luis.
Napangisi lang ang lalake. "Ako ang puting anino. Kung may sira-ulo mang gumaya sa akin para patayin ang Mariella na 'yon, wala akong pakialam." Mahinahong sagot niya.“Hindi kaya pinatay siya dahil sayo?”
Halatang natigilan si Luis. Namutla pero piniling hindi magsalita. Sa isip niya, mabilis na nagreplay ang isang eksena. Eksenang dalawang taon na niyang pinanghahawakan.
May 5, 2013// 7:45 ng gabi. Bago mangyari ang aksidenteng ikinamatay ng kanyang kambal. Dala niya ang bagong-bago niyang sasakyan. Itim na Subaru. Regalo iyon ng mga magulang nila sa kanilang magkapatid. Ipinasundo sa kanya ng kakambal ang kasintahan nito... si Laurie. Nauna na ito sa bar na pagdadausan ng kaarawan ng isa sa mga barkada nila.
Pagparada niya, agad na nakita niya ang dalagang naghihintay sa harap ng boarding house nito. Gaya ng lagi-laging nangyayari, bigla nanamang lumakas ang tahip ng dibdib niya. Minsan nga parang masakit na.
Lumabas siya at mabilis na pinagbuksan ito ng pinto saka siya bumalik sa harap ng manibela. Nag-isip siya ng mapag-uusapan pero sa pang-ilang pagkakataon, na blangko nanaman siya. Ramdam na ramdam din niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
Nagulat na lang siya ng unang magsalita ang katabi.
“K-kumusta kayo ni Mariella?”
BINABASA MO ANG
Puting Anino
Mystery / ThrillerKill... Write... Send Sino si Puting Anino? [First Alex Gonzalez novel]