XXVII. Unleash 2

189 12 5
                                    

 Ika-25 ng Marso, 2015 // 1:40 ng hapon

Tumayo si Arriane. Tumingala. Mula sa kinauupuan ni Luis, nakita niyang napangiti ang babae. Naiinis siya sa gan’un. May alam ito pero bakit hindi pa siya diretsahin? 
Napalingon si Luis ng may pumasok na pulis. Nakilala niyang si Robles iyon dahil isa ito sa mga umawat kay Alex. Ngumiti ito bago umalis. 

"Ano 'to?" 

Inginuso ni Arriane ang laptop na iniwan ni Robles.  "Wattpad.com"

Nanatiling nakatingin si Luis. Hindi niya maintindihan  ang sinasabi ng kausap. 

"Mag-log in ka sa account ni Jfrancisco at buksan mo ang kwento ni Puting anino."

Saglit na natigilan si Luis sa narinig pero natawa rin siya ng magsink-in ang gusto nitong ipagawa.  "Nagawa ko na to. Naglog-in na ako sa account na to. Napatunayan kong ako ang gumagawa ng kwento."

Lumapit si Arriane. Seryoso ang mukha. "Mag-log-in ka." Mahinang utos niya.
Saglit na nkipagtitigan si Luis. Makaraan ay sinimulan niyang gawin ang iniuutos nito. 
Invalid username/password.

Tahimik na napamura si Luis. Inulit niya.  Sa pagkakataong iyon, nakapag-log-in siya ng maayos. Wala sa loob na binuksan nga niya ang kwento ni Puting anino. Agad na lumabas ang pahina na pinakahuling binasa niya. Iyong may detalye ng pagkamatay ni Chrystal. Kontentong humarap siya   kay Arriane.  Hinawakan naman ng babae ang mouse ng laptop. Sa search field, iti-nype nito ang Puting Anino. 

"No, don't!"

Nanlaki ang mga mata ni Luis nang makita ang resulta. Dalawang libro na pareho ang pamagat. Parehong-pareho ang cover. Inaasahan na niya iyon. Pero paano nila nalaman? 

"Wala kang password niya kaya gumawa ka ng panibagong account at kinopya nalang lahat."


Wala siyang nakuhang komento. "Plagiarism. Hindi para sumikat dahil halos wala namang nagbabasa sa kwentong ‘yan noong hindi pa nagsisimulang mabalita na may kinalaman ‘yan sa mga pagpatay. Gusto mo lang talaga siyang protektahan."

"Huwag niyo siyang idadamay dito!"

"Sino? Sinong hindi dapat madamay, Luis?"

Naghintay si Arriane ng sagot pero hindi na ulit ito nagsalita.
Sumenyas siya sa harap ng CCTV cam. Naintindihan naman ng mga nasa labas ang gusto niyang mangyari.

 Ipinasok nina Trillanes ang dalawang lalaking nahuli nila. Nakaitim pa rin silang pareho at halatang sa loob na ng prisinto nagpalipas ng maraming oras. Napadiretso ng upo si Don Luis pagkakita sa dalawa.

 "Boss, pasensiya na. Ito kasing ugok na 'to nagpahalata." Si Lance. Sinubukan pa nitong ipambatok kay Genoi ang nakaposas na kamay. Nakailag naman ang huli.

"Upo kayo." Inginuso ni Arriane ang mga upuan sa tabi ni Luis. Sumunod naman ang dalawa.

"Anong ipinapagawa sa inyo ni Luis?" 

Tinitigan ni Luis si Genoi. Alam niyang ito ang mas malambot sa dalawa. Napansin nito ang pagbabanta niya pero alam din niyang sa kalagayan nilang tatlo, kakanta at kakanta ito.

“Kailangan ko bang ipadala dito ang video ng mga ikinumpisal niyo kagabi?”

Naunawaan agad nina Genoi at lance ang pagbabanta sa boses ni Arriane. Nagkatinginan sila habang pasimpleng napapamura si Luis. Maliban sa totoong katauhan niya, pamemeke niya sa wattpad account para mapagtibay na siya nga ang Puting anino, alam na rin ng babaeng pulis na ito ang tungkol sa ipinagawa niyang pagbabantay sa kilos ni Laurie. Ano pang pwedeng nahalukay ng mga pulis?

Pina… pinapabantayan niya si Laurie Asuncion.”

“Inaalam lang naman namin kung anong mga lakad ni Ms. Asuncion para kung sakaling may mangyaring masama, matulungan namin agad. Bawal ba ‘yun?” si Genoi. Ni hindi na ito sumusulyap kay Luis.

“Iyon lang ba?” Naupo si Arriane sa tapat ng tatlo.

Nagkatinginan ulit ang dalawa. Tahimik na nagtalo kung sinong sasagot.  Si Genoi uli ang nagsalita.

“Minsan may hinahanap din kami sa l-loob ng bahay ni Ms. Asuncion.”

“Gaya ng ano?”

Sa pagkakataong ito sumabat si Luis. “Yung kopya ng e-mail na inuwi ni Laurie nung unang beses siyang makatanggap.”

“Yun lang?” nakataas na ang kilay ni Arriane.

Walang sumagot sa tatlo.

“Sinasayang niyo ba oras ko?!”

“Look! What do you want—“

“I want you to stop making a nut out of your self. Tell me. Yung mga ebidensiya na nadatnan ng mga pulis, yung laman ng kahon na ginamit para makulong ka, yung libro na may pirma ni Lfrancisco sa likod at may mukha at bulaklak na pabalat... where'd you get those?” gusto ng manggigil ni Arriane. nangunguna sa pagkaipokrito itong lalaking kaharap niya ngayon. 

“Ipinakuha  niya sa amin lahat ‘yon para maitago.” Sa unang pagkakataon sinalubong ni Genoi ang tingin ni Luis. “Hindi naman namin alam na magpapakulong siya. Ang totoo naawa kami sa’yo, boss. Alam naming mahal mo siya pero sobra-sobra na ‘to. Wala ka naman talagang ginagawang masama. ”

Sa wakas nakapag-isip-isip din si Lance. Nagsalita na rin ito. “Halos dalawang taon na naming binabantayan si Ms. Asuncion. Binigyan kami ni Luis ng magagamit na van at budget para sa mga gamit namin habang nagmamatyag. Naglagay kami ng  nano cam sa loob ng kwarto at buong bahay ni Laurie. Pero minsan, pinapasok din namin ng personal. Nung pinahahanap niya yung libro na may pirma,  noon namin nakita yung mga ginamit sa pagpatay sa mga unang biktima.”

“Nung araw na mamatay si Mariella, bigla niya kaming tinawagan para dalhin ang mga iyon sa bahay niya.” Dugtong ni Genoi.

Habang nagsasalita ang dalawa, nakatingin lang si Arriane kay Luis o Don Luis. Inoobserbahan niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito. Naroong parang naiinis ito sa kadaldalan ng dalawa, napapailing, blangko… pero sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Laurie, bumabalong ang lungkot sa mukha ng preso. Ganito ba kalaki ang epekto ng pagmamahal nito sa babae? Kalokohan.

Huminga muna si Arriane at tinantiya kung tama bang bigkasin niya ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan niya ng sagot. Ng kompirmasyon para matapos na lahat ng ‘to.

“Si Laurie ang totoong Puting Anino.”

 

*to be continued…

 #tama po kau ng basa #hindi pa po tapos #may sunod pa #actually medyo mahaba pa

 <3        <3        :) 

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon