VII. The Reader

261 16 17
                                    

 Ika-2 ng Pebrero, 2015 //  11:01 ng umaga

“Chrystal Davila, PVP News.” Taas-noong itinaas ni Chrystal ang I.D. sa tapat ng mukha ng isa sa mga officer na umaawat sa mga taong gustong lumampas sa police tape. 
Inabot naman ng oficer ang I.D. niya. 

“Mass Com. On job training? Bawal ang bata dito.” ngumisi pa ang damuho. 

“Hindi ako bata!” Nagtangka siyang lampasan ito pero agad na iniharang nito ang katawan. Sinenyasan niya ang kasamang may dala ng camera. Nakisama naman ito. Nang balingan ito ng officer ay saka siya mabilis na lumusot sa tape at diretsong pinasok ang CR na nagsisilbing crime scene. Nakasalubong niya ang ilang volunteers na buhat ang isang bangkay. Nakatakip ang putting tela sa katawan pero tumagos ang dugo sa bandang gitna niyon. May mga taga forensic din sa buong lugar. 

Agad na nagreklamo ang kanyang sikmura nang makita ang nagkalat na dugo sa sahig at dingding. Habang takip ng isang kamay ang mga bibig, lakas loob na pinasok niya ang ikatlong cubicle. Dire-diretso ang mga paa. Bago pa man niya iyon marating alam na niya kung ano ang makikita. 

Tuluyang bumigay ang kanyang sikmura nang makita ang katawan ng babae. Tinakbo niya ang kabilang bowl at duon nagsuka. Habang pinupunasan ang bibig kusang umikot sa isip niya ang laman ng kwentong binasa niya kaninang umaga.

“...makikita kang nakaupo sa bowl... bukas ang dibdib at naliligo sa sariling dugo pero mananatili kang maganda sa paningin nila. Maghahanap sila pero hindi na matatagpuan ang puso sa dibdib mo... pumipintig pa iyon, mainit habang nagbubuga ng dugo nang mapunta sa mga palad ko...”

Bumaba ang tingin ni Chrystal sa bowl.

Hindi kaya...

Nagmamadali siyang lumabas. Tila kumapit ang lansa ng dugo sa katawan niya. Naamoy niya iyon hanggang sa labas. Nalalasahan din niya ang maasim na likidong galing sa kanyang sikmura. 

Sinalubong ulit siya ng officer na pumigil sa kanya kanina. Pinagsasabihan siya nito pero dire-diretso na siyang lumusot palabas sa tape, nakipagsiksikan sa mga nakikiusyoso. Hindi siya tumigil. Bahagyang umiikot ang paningin niya. Oh, God! Natututop niya ang dibdib. 

Namalayan na lamang niya ang sariling tumigil. Nasa harap siya ng Camera Haus. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. Pagod na pagod siya. Nangangatog ang mga tuhod. Nasa ganoon siyang ayos nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Napadiretso siya ng tayo. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Parang larawang muling pumasok sa isip niya ang hitsura ng babaeng pinatay. Nanigas ang leeg niya habang nangangatog ang mga tuhod niya. May papalapit sa kanya. 

Siya ba ang isusunod? Alam ba ng killer na may alam siya?

Naramdaman niya ang mabigat na kamay na humila sa braso niya. Nagsisisigaw siya. 
No! 

Hindi pa siya pwedeng mamatay.

Hindi! 
Itinodo niya ang pagpupumiglas pero napakalakas nito. Hinapit siya nito sa beywang at inilapit ng husto. Hindi siya makahinga sa higpit ng pagkakahapit sa kanya. Naramdaman niya ang malamig na bagay na dumapo sa leeg niya. Balisong?

“Sshhh... Ako to. Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Kakampi mo ako.”

hehe effective ata pagbabasa ko nang Detective Conan kahapon :)

Kinakabahan ako habang nagtatype.

Support nan po... If you find it interesting don't forget to VOTE, COMMENT and FAN :)

THANKS!

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon