IV. Agent Hagos

322 17 13
                                        

 Ika-20 ng Enero, 2015 //  9:02 ng gabi

Humampas sa mesa ang piraso ng mga papel, sumabog sa ere at nagkahiwa-hiwalay.

Sunod na bumasag sa katahimikan ng sala ang buntong-hiningang binitiwan ni Duan o mas kilala bilang Agent Hagos.

 Agent Hagos.

Ilang taon ba niyang pinagpaguran ang reputasyon niya bilang magaling na private detective? At ngayon ay basta-basta lang binalewala dahil sa isang psychotic na nakaisip pumatay sa kakaibang paraan. Aaminin niyang nahihirapan siya sa kaso pero hindi niya matanggap na matapos lang ang isang linggo ay tatanggalin siya at ipapasa iyon sa iba. Nakakasakit ng ego.

 Naalala niya ang pangungutya sa kanya ng mga pulis sa prisinto. Ni hindi itinago ng iba ang pagtawa. Ang nakakainis sa lahat, umaakto ang Kapitan ng mga ugok na 'yon na parang napakawalang kwenta ng mga sinabi niya.

Hindi. Hindi isang Alex Gonzalez ang magpapatiklop sa kanya. Hindi rin siya kailangang iassign ng PNP para maisagawa ang pag-iimbestiga sa De Nierro murder case. He has his own resources.

Tumayo siya't tinungo ang ref sa kusina na kanugnog ng sala. Kumuha siya ng tatlong beer at malamig na pizza. Pagbalik sa sala, tinutukan niya ang laman ng mga balita sa telebisyon. Paulit-ulit lang na parang sirang plaka ang mga reporter. Ibinabalik-balik ang kuha ng humiwalay na katawan ni De Nierro. Ang nakakainit ng ulo ay ang mga walang kwentang opinyon ng mga artista at kung sinu-sinong mga pulitiko tungkol sa nangyari.

  

Nangunguna ngayon ang anggulong may karelasyong iba si De Nierro kaya siya ipinapatay ng asawa. May iba namang nangahas na nagsabing naging biktima lamang siya ng problemang pulitikal ng Pangulo dahil nga kaibigan niya ang first lady. Marami daw nalalaman si De Nierro sa mga ilegal na operasyon ng Pangulo at ng mga miyembro ng legislative branch ng bansa kaya siya kinailangang idispatsa.

Mga haka-haka. Mga hulang para kay Duan ay napakawalang kwenta.

Napaismid siya nang paglipat niya ng channel ay ine-ere naman ang kuha sa lalaking nakaitim. Sa video, buhat nito ang katawan ni De Nierro na nakabalot sa tela.

... hanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang kapulisan kung buhay pa ba o wala ng hininga si De Nierro nang talian siya ng killer sa parking lot...”

  Biglang nanlaki ang mga mata ni Duan. Nabitin ang sana ay paghigop niya ng beer. Tama ba ang nakikita niya sa video? Bakit parang pumasok na iyon dati sa isip niya? Nagpatuloy ang video kaya't nawalan siya ng panahon para kumpirmahin ang naisip.

   Inilapag niya ang beer sa mesa at nagmamadaling hinalungkat ang nagkalat na papel sa sahig. May hinahanap siyang kuha sa crime scene. Nasaan na iyon? Nasaan na? Hindi siya pwedeng magkamali.

  

Nanginginig na iniangat niya ang isang piraso ng papel. Snapshot iyon mula sa kuha ng CCTV. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, para iyong sasabog. Saglit pa niyang pinakatitigan ang kuha at sunod na umahon ang ngiti sa kanyang mga labi.

He owns the case, after all.

Hi! Good morning!  paGood vibes lang :)

Mas maiksi pa ito sa Chapter IV pero sana ma-thrill pa rin kayo. 

Hahabaan ko yung susunod. PROMISE!

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon