XIII. You're Next

290 14 5
                                    

<3 Para po ulit sa pinakamasipag kong reader na laging nagkocomment. Crystal_Clear_Water thank you! Mystery/thriller din po genre ng mga sinusulat niya :)

=============================================================

Nililinaw ng pulisya, hindi suspects ang lima. Minalas lang kumbaga. Ang meron lang sila, consequential na ebidensiya. Tindi diba?! Aba, kung ikaw man Francisco ang last name, papayag ka ba?

 Ang kaso ba natutulog nah? Mabuti sana kung may superhero gaya ni Kristala. Ahay, luma. Sige sigaw tayo mga kababayan... DARNA!

 Itong mga nangyayari'y seryosong usapan. Basta Pinas naman, pagdating sa masamang balita... nangunguna yan. Smile lang kaibigan! Kaya natin yan.

 Abangan muli at patuloy na sumubaybay. Sa mga bagong kaganapan, krimen man o kalokohan, sa inyo'y ipapaalam. Ito nga pala si Marc Logan... nagpapaalam at nagsasabing... Itulog mo na yan!”

Ilang minuto matapos kuhanan ng pahayag ang tatlo sa limang suspek ay sa-isa nang nagsialisan ang mga reporter at usyusero sa harap ng prisinto. Alam nilang walang bagong maibabalita hanggat hindi pumapatay uli si Puting Anino o di-kaya ay may matagpuang matinding ebidensiya na magtuturo sa kanya.

 “Start acting appropriately!” pabulyaw na sabi ni Director General Kevin Lander sa kausap sa telepono. Nasa Police Regional Office Cordillera siya para sa oath-taking ng mga Non-Uniformed Personnel (NUP).

“Kung kailangang paluin yang mga tauhan mo, gawin mo! They are laughing at our backs!This would be the most-noted crime scenario sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi pwedeng maisulat sa mga libro at mabasa ng mga apo natin na sa pagkakataong ganito, walang ginagawa ang PNP. That's... that's... Oh, I'm counting on you.”

 “They're laughing at your faces, believe me.”

 Napalingon si Director Lander sa gawi ng pinto. Nakangisi habang nakabulsa magkabilaan ang dalawang kamay ni Agent Hagos.

 “Anong ginagawa mo dito?”

 Sumaludo muna si Hagos bago nagsimulang maglakad palapit sa mesa ni Director Lander.

 “Start talking. Hindi mo ako dadayuhin dito all the way from Manila kung wala kang pakay.”

 Tumawa lang si Hagos. “Kumusta ka na, Ninong?”

 Naiiling na tumawa rin si Director Lander. “Hindi ka na bata. Hindi ka pupunta rito para humingi ng pamasko.” tumayo ito at nilakad ang pagitan nila. Sumandal ito sa harap ng mesang iniwan nito at saka nagsindi ng sigarilyo. Black bat cigerette.

 Ilang piso ang naiaambag ni Lander sa tax palang ng sigarilyong hinihithit nito ngayon? Not that it matters.

 “I want the whole SWAT at my back.”

 Sa unang pagkakataon, the General saw a man in him. Bumuga ito ng usok.

 Naging matalik na kaibigan niya ang ama nito na napatay kasama ng ilan pang pulis at mga journalist sa Maguindanao massacre. Bata pa ito nang una niyang makita. Payat, mukhang mahina, matatakutin at madalas palpak mag-isip. Ngayon niya nakikitang anak nga ito ng kaibigan niya.

“Anong kalolokohan 'to? If you need the authorities at your back, collaborate with Ricarte's men.”

 “Ninong, tinanggal ako sa imbestigasyon pagkatapos patutulungin mo ako sa kanila?”

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon