XXX. End of Feb (Love Dust)

388 9 1
                                        

~~~Good morning! Start na tayo ng countdown para sa ending :) Again, thank you po sa pagbabasa! 

 Ika-28 ng Pebrero, 2015// 2:55 ng umaga

Inilang-lagok ni Alex ang laman ng hawak niyang bote ng beer. Ni hindi niya napansin ang paglandas ng likido sa kanyang lalamunan.

Kasalukuyan siyang naka-upo sa sementadong barandilya ng terasa. Madaling-araw na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tahimik siyang uminom.

Hindi maiaalis na sumaglit sa isip niya ang mga bagay na may kaugnayan sa kanila ni Mariella. Pakiramdam nga niya para na siyang sirang plaka. May ilang bagay kasi na pilit niyang iniintindi pero hindi nagagawang halukayin ng isip niya. Kung ang ibang tao hindi mapagtiwala sa kutob, naiba si Alex. Mula kaninang magsimula niyang pag-isipan ang lahat, bumalot sa kanya ang pakiramdam na iyon. Alam niyang may kulang. May hindi lang siya maidugtong sa mga piraso sa isip niya.

Naalala niyang damputin uli ang cellphone sa harap niya na hindi inilalapag ang bote ng beer.

Napapikit siya matapos pasadahan ang e-mail ni Arriane. Hindi na niya di-nownload ang attachment dahil nagawa na niya iyon kanina. Nabasa na niyang lahat at hindi niya alam kung bakit hindi niya ikinagulat ang nalaman.

Sa e-mail, malinaw na binanggit ng namayapang Doc Fuentes ang pangalan ng kaibigan niya. Si Marco. Nakalagay din naman sa iniwang mensahe ng doktor na maaaring hindi lamang nag-ingat si Marco sa pagsisiyasat sa mga bangkay kaya may mga naiwan itong prints sa katawan ng mga biktima.

Sa lahat ng pagkakataong may pinaslang si Puting Anino, naroon din naman si Marco para tumulong sa mga miyembro ng forensic. Hindi nakapagtataka kung may maiwan itong bakas.

Natigil si Alex sa pag-iisip nang marinig ang dagundong mula itaas. Napatingala siya. Gumuhit ang kislap na gawa ng natural na elektrisidad sa langit. Makakapal din ang mga ulap pero mukhang hindi pa naman iyon magbabagsak ng ulan.

Tumayo na si Alex. Pumasok siya ng kabahayan at tinungo ang kusina. Kukuha siya ng isa pang bote ng beer. 

Bago makarating ng kusina, kinailangan niyang bumaba ng hagdan at madaraanan niya ang sala. Hindi niya pinagkaabalahang buksan ang ilaw. Sanhi marahil ng ilaw mula sa labas, kuminang ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Wala sa sariling nilapitan niya iyon.

Picture frame. Nakatitig siya ngayon sa larawan nila ni Ella. Masaya silang tignan sa larawan na iyon. Nakaakbay siya sa babae at nakadikit ang mukha niya sa buhok nito habang nakausli ang mga labi niya sa punong- tenga ng kasintahan. Para siyang may ibinubulong habang inaamoy-amoy ang buhok nito.

Sa isang banda, ngiting-ngiti naman si Ella. Nakausli ang katawan nito na tila pinipilit lumayo dahil nakikiliti sa ginagawa niya. May hawak itong balloon sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay nakahawak sa pendant ng suot nitong kwintas. Pareho silang naka-T-shirt ng asul na may tatak ng paborito nilang basketball team.

Napapangiting inilapag niya uli sa mesa ang picture frame.

Nasa bukana na siya ng kusina nang may maalala.

February 14, 2014// 8:03 ng gabi

Nagsusuot si Alex ng seatbelt nang ipatong ni Mariella ang kamay nito sa kaliwang hita niya. Napalingon siya sa nobya. Gaya ng dati, napakaganda nito kahit sa simpleng asul na t-shirt na suot nito ngayon. Kagagaling nila ng Araneta Coliseum para manood ng PBA.

Umakyat ang mga kamay ni Mariella habang titig na titig sa kanya. Mapanukso ang pagkakangiti nito. Sinalubong niya ang mga labi nito nang dumukwang ito at inilapit ang mukha sa kanya. Malambing. Marahan pero may diin. Nararamdaman ni Alex ang bumabaong daliri ni Mariella sa kanyang leeg.

Puting AninoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon