XXXIII. Fast Beat

322 9 5
                                    

  Ika-28 ng Pebrero, 2015 // 5:30 ng hapon

 Nang masiguradong mahimbing na ang tulog ni Laurie, ginamit ni Alex ang telepono ng hospital para macontact ang ilan pang kapulisan sa headquarters sa Makati. Hinanap niya agad si Sanchez. Maaasahan kasi ito sa pagkalap ng impormasyon. Hindi nagpalit minuto at nakausap niya si Sanchez.

 “Nandiyan pa ba ‘yung team na naka-assign sa Wattpad account ni Jfrancisco?”

 [Ou, nandito pa sila. Bakit?]

 “Alamin mo kung may iba pang kwento sa account na ‘yan maliban sa Putting Anino o kung may iba pang sinulat na kwento si Laurie—“

 [Alex, writer siya. Marami siyang sinulat.]

 “Mga dalawang taon na—teka! Yung librong may Jfrancisco! ‘Yung ebidensiya na ginamit kay Luis, nasaan?”

 [Alin? Yung may pabalat na naagnas na mukha na may kagat na rose o… basta may bulaklak! Bakit? Anong gagawin ko dun?]

 “Tinapos ‘yun ni Laurie pagkatapos ng aksidente. Nung nawalan na siya ng ala-ala. Basahin mo ng maayos.”

 [Ha?! Magbabasa ako ng romansa? Alex, baka naman—]

“That’s an order!”

 [S-sige na nga.]

 Ika-1 ng Marso, 2015 // 10:13 ng gabi

 Hinihintay ni Alex ang resulta ng mga ipinakiusap niya kina Trillanes at Billaron. Nasa kwarto naman siya ngayon ni Hagos at nakikinig sa kwento nito.

 “Iniwan mo siya sa crime scene diba? Pwes, pwede nating tanungin yung mga taga-forensic. Sigurado akong umalis din siya pagkaalis mo. May sa-demonyo ‘ata yang si Marco. Hindi ako nagkakamali. Siya talaga yung pumasok para atakehin ako.”

 Napahugot ng hininga si Alex bago nagsalita. “Kinumpirma na ng mga taga-forensic na umalis nga siya agad pero may dahilan siya. Sumakit ang tiyan ni Angel kaya napabyahe siya ng wala sa oras pabalik ng Makati. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka niya gustong patayin?”

 “Hindi ako. Ikaw. Ikaw ang talagang gusto niyang patayin.” Nangunot lalo ang noo ni Alex. Hindi siya nagtanong pero nanatili siyang nakatayo sa paanan ng hospital bed.

 “Alex!” sabay na lumingon sina Alex at Marco. Si Billaron ang papasok sa pinto.

 “Anong nangyari sayo?” gulat na tanong ni Alex.

 “Tama yung hinala mo. Si Marco yung nagpapanggap na doctor. Binantayan ko gaya ng sabi mo… langya! Nahuli kong nagtatanggal ng rubber mask. Parang sinasadya pa ngang ipakita sa’kin eh. Sinundan ko kaso biglang nawala.”

 Bahagyang napaisip si Alex. Sinasadyang magpahuli ni Puting Anino? Nasa ganoon siyang ayos nang marinig nilang tatlo ang malakas na sigaw.

 “Si Laurie?” agad na tumakbo si Alex palabas ng kwarto. Kasunod niya si Billaron. Hindi pa man nakakarating sa mismong kwarto ni laurie, nakita na nilang bukas ang pinto dahil sa ilaw na kumalat sa hallway mula roon.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon