XVI. The Reader 4 (aftermath)

248 12 6
                                    

Dumating ang SOCO mga bandang alas kwatro y medya ng hapon. Isang kapitbahay na manghihiram sana ng pang tuition ng anak ang nakatagpo sa duguang matanda sa kusina ng bahay. Nagsisisigaw ito at nakaalarma sa iba. Hindi na natukoy kung sino ang nakaalalang tumawag sa pulisya.

"H-hindi ko naman talaga alam. Pagdating ko... Pagdating ko..." Humagulhol na ang ale. Edad kwarenta. Kanina pa ito umaatungal habang nagpapainterview sa mga reporter ng ibat-ibang istasyon mapatelebisyon man o radyo. Sa loob-loob ay iniisip ang malaking utang kay Chrystal na hindi na niya kailangang bayaran.

Natagpuan ng mga pulis ang katawan ni Chrystal makaraang siyasatin ang bahay. Ang buong akala ng mga nakatagpo ng bangkay ay tanging ang matandang tagapag-alaga lang ang naroon. Hindi pala.

"Bago sila natagpuan, may napansin ba kayong kakaiba?" tanong ng reporter.

Saglit na nag- isip ang babae. Maya-maya ay parang nahintakutan ang hitsura nito.

"B-bago ako makapasok sa gate p-parang may tao pang kumikilos s-sa loob ng bahay."

"Sinasabi niyo ho bang hindi agad umalis ang killer?"

"P-parang ganun nga." Kanya-kanyang reaksiyon ang mga ibang kapitbahay sa likod ng babae. Naroong may mga kinilabutan at iniisip kung anong klase ng tao ang may kayang pumatay at saka mananatili sa crime scene na parang walang patay sa paligid. Ang ilan nama'y napaismid at iniisip ang pagiging tsismosa at galing sa paggawa ng kwento ng babae. May mga naniwala rin naman at gusto pang marinig ang ibang sasabihin niya.

" Bago ho ba nangyari itong pagkamatay nga nina Chrystal at ng yaya niya ay may nabalitaan o napapansin kayong nakaaway o nakasamaang-loob niya?" patuloy sa pag-ungkat ng detalye ang mga reporter.

"Mababait naman hong lahat dito. At isa pa mabait na bata yang si Chrystal..." yumugyog uli ang balikat nito. "Mahal namin yang b-batang yan"

"Aist, tigilan mo nga kami!"

"Ou nga! Kundi pa namin alam. Baka nga ikaw ang nagpapatay sa kanila para hindi ka na magbayad ng utang." Naintriga ang ibang mga reporter. Nilapitan nila ang ibang mga kapitbahay ng namatay. Maya-maya pa nagkaroon ng malapalengkeng eksena sa tapat ng bahay nina Chrystal. Naging alerto naman ang mga reporter sa pagkuha sa ano mang anggulong maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng pinakabatang respetadong mamamahayag sa bansa.

Samantala, sa loob ay makikita ang nakapanlulumong kalagayan ng katawan ni Chrystal. Lumulutang iyon sa bathtub nang datnan ng SOCO. Humalo ang dugo sa tubig. Puno ng laslas ang mukha nito. Natapyas ang tungki ng ilong ng dalaga. Manipis na balat na lang ang tanging nagdurugtong niyon sa mukha niya. Malinis ang mga hiwa. Halatang hindi man lang nagmadali ang gumawa ng krimen. May mga palatandaang hinila lamang ang bangkay papunta sa banyo. May mga bakas ng dugo mula sala na nagmantsa sa sahig. Iyon din ang sinundan ng mga pulis kanina kaya nila natagpuan ang bangkay.

"Chrystal!" napapailing na usal ni Marco. Pinipilit niyang lunukin ang bara sa lalamunan. Namumula ang gilid ng kanyang mga mata. "Kasalanan ko 'to pare. Dapat hindi ko siya sinama sa imbestigasyon." Panay ang iling ni Marco. Sa loob-loob ay kinakastigo niya ang sarili. "Ang gago ko. Napakawalang kwenta kong kapatid." Nanatiling tahimik si Alex. Alam niyang una sa lahat, kailangang ilabas ng kaibigan ang sama ng loob nito.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon