III. De Nierro Murder Case

477 15 13
                                    

 Ika-20 ng Enero, 2015 //  8:22 ng umaga

"Sherlock Holmes of Makati, what can you say?" nanunuyang puna ni Police Chief Inspector Artemio Ricarte.

Magkakasunod na lumingon sa gawi ni Alex ang pitong miyembro ng Special Operations Division na naroon. Nagtatanong ang mga mata. Half-anticipating na may masasabi siyang importante tungkol sa iniimbestigahan nilang krimen.

"What?" halos paangil na balik niya.Nagbaba ng tingin ang ilan sa mga naroon ang iba nama'y napailing na lang.

"Don't give me that shit Captain Gonzalez! Start keeping your ass in-tack. Ano bang problema?"

Napaupo ng maayos si Alex. Ano nga bang problema?

Ongoing ang imbestigasyon sa lalaking pinutulan ng ari, sinakal at pinatay. He worked hard to find a lead. He and his team worked their assess off to the extent na pati fifth anniversary nila ng fiance niya ay hindi niya naalala. Kung kailan gahibla nalang at mahuhuli na ang pumatay saka siya pinull-out sa kaso at tinambakan ng bago.

Now this moron is urging him to keep his ass in tack? Did he even stop? Napakaimposible lang na sa loob ng isang linggo ay mahuli agad ang pumatay kay De Nierro. Walang nakuhanan ang CCTV kundi ang isang lalaki (and they're not even sure) na nakasuot ng itim at hooded na gown. Kung si kamatayan man iyon, wala siyang pakialam. Walang nakitang mukha. Walang fingerprints. Walang suspect o kahit anong lead. Walang similarity ang istilo ng mamamatay sa dating mga paraan ng pagpatay na nasa pending case list ng pulisya sa buong Pilipinas. 

He suddenly realized, ni hindi siya nagkapanahon para magsorry kay Mariella. 
And there is that fear. He loves his work but he loves her more than anything. Baka pati relasyon niya sa nobya macompromise nanaman dahil sa serbisyo niya sa bansang Pilipinas. He doesn't need another girlfriend marrying his bestfriend or one of his buddies while he's so engrossed in a homicide case. Which already happened twice. 

"Solve this case as soon as possible. That's an order, Alex!" Napikon na marahil sa kanya si Ricarte kaya't nagkusa na itong tumayo habang masama pa rin ang tingin sa kanya. Tumayo na rin siya't mga sarhento niya. Taas noong sumaludo siya habang iniisip kung gaano kalakas ang pwersa ng pulitika sa bansa. 

Isang oras matapos ang pagkakaere ng De Nierro Murder Case sa telebisyon, lumabas ang balitang kaibigang matalik ng asawa ng Pangulo ng bansa si Allison De Nierro kaya't pinamamadali ang imbestigasyon. Ganun naman palagi. Kapag malaking tao ang napatay o nakapatay-- big deal. Kapag simpleng mamamayan, pwedeng manghuli nalang ng kung sino para madiin matapos lang ang kaso o mas kadalasang nangyayari ang tumagal ng tumagal hanggang sa makalimutan nalang na may buhay na nawala.

Nasa ganoong ayos pa rin siya nang mapuna ang mga kasama niya. Nakatayo pa rin ang mga 'yon at nangakatingin sa kanya.


"Have a seat, sergeants." Malumanay na sabi niya.
Alam niyang nababasa siya ng mga ito. Wala naman silang ginawang dapat niyang ikagalit kaya walang dahilan para sila ang pagbuntunan niya ng init ng ulo.

"Flores, nasaan si Agent Hagos?" tukoy niya sa dating mayhawak ng kaso bago ipasa sa kanila.

"Paparating na raw, Alex."

Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. "Sunduin mo na."
Nagtawanan ang mga kasama niya.

"Parang bata. Susunduin?" Kumalma na ang iba. Wala rin naman kasing mangyayari kung tatakutin niya ang mga ito.

Bumukas ang pinto. Pumasok ang unipormadong si Agent Hagos. Agad itong sumaludo sa kanya.  Pasimple namang napapangiti ang iba. Payat na payat kasi si Agent Hagos, maluwang ang uniporme, malaki at makapal ang salamin sa mata  at nakaayos ang buhok na tulad kay Jose Rizal. Kung itsura ang pagbabatayan, papasa itong may sakit na tb o di kaya ay nag-aadict.

Sampung minuto itong nagpaliwanang ng mga importanteng konsepto tungkol sa kaso. Sa bandang huli halos walang natuklasan tungkol sa posibleng dahilan ng pagpatay sa biktima. Lalong wala silang alam tungkol sa killer maliban sa naka-itim itong laboratory gown at mukhang mamahalin ang sneakers na suot nito. Only God knows kung ilang asul na sneakers ang mayroon sa buong Pilipinas. 

Napahilamos sa mukha si Alex. Nag-iisip kung pa'no sila magsisimula sa wala... at kung kailan matutuloy ang pagpopropose niya kay Mariella.

 

*MAIKSI LANG :) medyo puyat pa hehe

Keep reading po... thank you sa mga nagbasa na

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon