I. You Got Mail

642 21 12
                                    

Ika-12 ng Enero, 2015 // 10:37 ng umaga

“MGA DALAWANG ORAS NANG PATAY TO.” Komento ni Dr. Marco Villarde matapos sipatin ang panga ng lalaking nakahandusay sa sahig. Nasa Market Market Mall siya nang makatanggap ng tawag mula sa kaibigang pulis. May gurong nilooban at pinatay sa Kalayaan Avenue. Labag man sa loob, iniwan niya ang asawang buntis sa NorthPark- isang Chinese restaurant.

 Napakurap si Alex. Bumuntong hininga.

“Tititig ka lang ba riyan?” naiiritang tanong ni Marco sa kaibigan. Tinanggal niya ang gwantes at saka nagsindi ng sigarilyo. “Baka mauna kang magkarigor mortis kesa rito sa pinatay.”

Napangisi si Alex sa narinig. “Panay ka talaga kalokohan.” Ibinalik niya ang tingin sa biktima at muling napangiwi. Lamog ang buong katawan nito. May mga gasgas ito sa leeg, palatandaang sinakal hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga. Wasak din ang bungo nito sa likod at halos maihiwalay magkabilang tenga. Ang nakakapanginig ng laman, tinapyas ang ari nito at isinubo sa mismong bibig. Maaaring pambababae ang isa sa anggulong titignan nila. Ilan kasi sa mga kapitbahay nito ang nakapagbulong na may dinadala itong babae roon lalo pa't call center agent ang asawa nito at karaniwan ay wala sa gabi.

 Sa panahon ngayon, hindi nakapagtatakang pati babae makagawa ng ganitong krimen. Ang tanging nagpapagulo sa anggulong iyon ay ang mga bagay na nawala—alahas, pera at isang antigong figurine sa sala ng bahay. Kung magnanakaw man ang kumuha ng mga iyon bakit kinailangan nilang paglaruan ang katawan ng biktima?

 “Nasaan pala si Angel?” naalala niyang kumustahin ang asawa nito. Himalang hindi ito nagpumilit sumama.

“Iniwan ko sa NorthPark. Baka mapaanak iyon ng wala sa oras kapag nakita yan.” Nangingiti si Marco.

 Pumasok sa kwarto ang tatlong kabataang volunteer. Tapos na ang pagsusuri sa katawan at sa paligid ng krimen kaya't dadalhin na nila sa morgue ang bangkay.

 “Malakas ang sikmura ng asawa mo, baka akala mo. Mabuti naring wala siya. Baka tamaan nanaman ako sa panghihila sayo rito.”

Tuluyang natawa si Marco. “Are ya bitter, buddy?” Kahit kailan naman hindi nakapag-usap ng maayos ang asawa niya't etong si Alex.

Dating kasintahan ni Alex si Angel. Nakipagkalas siya rito nang makilala niya si Mariella. Nang lumaon, saka niya nalamang may pagtingin pala si Marcos kay Angel. Nagkamabutihan naman ang dalawa hanggang sa nagpasya ngang magpakasal.

 “Suit yourself.” Magkaagapay na naglakad sila palabas ng condo ng biktima. Naiwan ang ibang officers para ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa lugar.

 ~>~>~> Ika-12 ng Enero, 2015 // 10:46 ng umaga

“Ipapublish na next month ang ikatlong novel ko!”

 Napalunok si Laurie sa narinig. Hindi niya kailangang magtaas ng tingin para malaman kung sinong balahura ang nagpaparinig sa di-kalayuan. Si Maxine na iyon. Pinigilan niya ang pagngingitngit ng kalooban. Itinuloy niya ang pagtipa sa keyboard.

“Take note: ikatlo na ito! Hindi gaya ng ibang pagkadami-dami nang sinulat wala namang pumasa ni isa.”

Mariing pinindot ni Laurie ang backspace sa keyboard. Naburang lahat ng nasa screen ng laptop niya. Kagat-labing tumayo siya't taas-noong nilampasan ang grupo ng mga balahurang magagaling namang manunulat pero kung gaanong ikinapangit ng pagmumukha ay mas pangit pa ang mga ugali.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon