XXIII. Ruined

250 9 7
                                    

 Ika-24 ng Marso, 2015 // 3:00 ng hapon

Napakabagal ng sumunod na dalawang oras para kay Alex. Tahimik lang siya, mukhang kalmado, ni hindi kumikilos sa loob ng eroplano pabalik ng Maynila. Pati siya gustong magtaka. Gusto niyang umiyak. Sumigaw. Pero wala. Pakiramdam niya pinaparusahan siya mismo ng katawan niya. Parang hindi pwedeng bawasan ang bigat at sakit na dinadala niya ngayon. Hindi pwede dahil nararapat lang yon sa walang kwentang kagaya niya.

He clenched his fist. White knuckles resulted from the intense act. He wants to burrow his fist in his chest. Wants to rip-off his heart until it ends its scornful beating... until it aches no more.

Naghiwalay na sila ni Santos nang malaman niya ang balita. Ito ulit ang nagdrive ng kotse pabalik ng Maynila. Tumawag din sila sa headquarters at para ipaalam kay Arriane na kailangang madetain ni Laurie Asuncion. Masyado pang maaga para gumawa ng konklusyon pero naniniwala siyang malaki ang kinalaman ng babae sa mga nangyayaring pagpatay.

Lalong tumigas ang anyo ni Alex ng maalala ang balitang pinatay din si Mariella.

"Hindi ka makakatakas sa'kin. Sisiguruhin kong magbabayad ka!" nagngingitngit siya. At para itago ang halo-halong galit, sakit at awa sa sarili, inihilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha.

~>~>~>Ika-24 ng Marso, 2015 // 5:52 ng hapon

Sa Taguig, isang police car ang tumigil sa tapat ng bahay ni Laurie. Galing na sila sa publishing house na pinapasukan ng babae pero hindi pa raw siya nagagawi doon. Isa pa, book signing ng mga writers nang araw na iyon sa MOA. Nang iradyo nila iyon sa prisinto, sinabihan silang maghinay-hinay lang dahil wala silang search warrant, lalo na ang warrant of arrest. Maisasama nila si Laurie, kung makikisama ito. Hindi nila pwedeng pilitin dahil may karapatan pa rin itong tumanggi.

Pinaalalahanan ni SPO2 Billaron ang sarili na hindi nila pwedeng pasukin ng basta-basta ang bahay. Kanina pa siya kumakatok pero walang sumasagot. Nginisian siya ng dalawang kasamahan nang malingunan niya ang mga ito. Nakasandal sa kotse ang dalawang damuho at mukhang mga walang balak tulungan siya.

"Hoy! Tumigil nga kayo sa kakangisi niyo."

"Mukha naman kasing walang tao."

"Ikaw ang bumalik na ditto, tanda! Magpahinga muna tayo. Antayin natin. Masyado ka lang excited palibhasa sabi mo maganda yang si Asuncion."

"Kung anu-anong sinasabi mo. Baka mamaya naririnig tayo." Nilingon niya ang saradong pinto. Kasama siya ni Arriane nang interviewhin nila si Asuncion tungkol sa mga natatanggap niyang emails. Nagandahan naman talaga siya pero iba na ang usapan ngayon.

"Tingin niyo 'bat pinapahanap yan?" Inginuso ni SPO1 Trillanes ang direksiyon ng bahay.

"Tinatanong pa ba yan? Si Alex na ang nagpapahanap. Kung hindi niya babae yan, malamang yan ang totoong killer."

Binato ni SPO1 Trillanes ng sumbrero ang batam -batang kasama, si SPO1 Abra. Nasa harap ito ng manibela. Pinakabago kaya nauutusan pa. "Huwag kang nagbibiro ng ganyan. Baka lalong manlambot 'tong si tanda." Tinignan lang siya ng masama ni Billaron.

"Sumakay na nga kayo. Kumain muna tayo. Wala pa namang tao. Isa pa gumagabi na, kakapatay lang niya kay Mariella kaninang umaga. Baka nagcecelebrate--" hindi naituloy ni Abra ang sinasabi dahil napansin niyang sumama ang tingin sa kanya ng dalawang kasama. "Oh, bakit?"

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon