XXI. Before the Love Letter

230 13 2
                                    

Labindalawang oras ang haba ng naging biyahe nina Alex papuntang Cagayan Valley. Dalawang beses silang nagsalitan sa pagmamaneho ni Santos. Madaling araw na nang makarating sila sa sentro ng probinsiyang iyon.  Ibang teritoryo iyon kaya't para sa ikabubuti nila, inuna muna nilang puntahan ang prisinto. Kung suswertehin, baka may makalap pa silang record ng pulisya tungkol kay Francisco.


"Ano bang maitutulong namin?" Tanong ng hepe matapos nilang makaupo ng maayos sa harap ng mesa nito.


"May nilalakad kaming kaso, hepe." Nagkatinginan sila ni Santos.

"Siguro nababalitaan niyo naman yung mga pagpatay sa Maynila."


"Aba'y oo. Hindi ba't nahuli na ang pumatay?"
Nagtatakang tanong ng hepe.


"May mga gusto lang kaming malaman. Lalo na kay Francisco." 


Sa pagkakataong ito hindi agad umimik ang hepe. Parang may tinitimbang ito sa isip. 

"May problema ho ba?"


"Wa-wala naman. Huwag niyo sanang masamain pero nagulat talaga ako nang mabalitaan ko ang tungkol diyan kay Luis."
Nagkatinginan lang ulit sina Alex at Santos. 


Binuksan ng hepe ang drawer at may inilabas na brown envelope. Iniabot nito iyon kay Alex. 


"Alam kong meron at merong pupunta para mag-imbestiga rito kaya ipinahanda ko yang mga yan." 


Pinasadahan ni Alex ang laman ng brown envelope. 


"Walang masamang record yang si Luis. Ang totoo lagi yang dinadala ng tatay niya dito nung buhay pa. Akala nga namin magpupulis yan."


Hindi kumibo si Alex. 


"Aksidente ba ito?" Si Santos ang nagtanong. Hawak nito ang bahagi ng newspaper mula sa brown envelope. Iyon din ang tinitignan ni Alex. Headline iyon ng provincial newspaper. May larawan ni Luis na buhat ang isang babae. Duguan iyon at sa pagkakalaylay ng kamay ay halatang walang malay. Nakaharap din sa camera ang mukha ng babae na halos matakpan na ng dugo. Maraming tao sa paligid. Para ngang kalsada iyong kinatatayuan nila. Di kalayuan sa kanila ay mga rescue members na nagsasakay ng isa pang lalaki. Duguan din kulang nalang ay buhatin din. 


"Anong nangyari dito?"  Sa wakas ay nagtanong si Alex. Hindi naman nag atubiling sumagot ang hepe.

"Tama. Aksidente nga iyan. Sakay silang tatlo ng kotse; yung magkapatid na Francisco at yung girlfriend ni Luis."


Sinong girlfriend ni Luis? Si De Nierro ba o si Quizon? Ayon sa research ng team, parehong laking Maynila ang dalawang babae.

 "Kawawa yang magkapatid lalo yang si Luis. Naku! Parang punong nilagasan ng dahon." Lungkot na lungkot ang mukha ng hepe. 


"Bakit? Ano hong nangyari?"


"Aba'sa parehong gabi na yan namatay ang kapatid at nanay niya. Hindi narin nagpapapasok ang ama niyan mula noon. Sayang! Baka siya ang napromote sa pagkahepe at hindi ako kung sakali."


"Yung girlfriend ho, kumusta?" 


"Abay gumaling naman. Tatlong buwan naospital yun."


"San ho naospital?" Si Alex. Sunod na pupuntahan nila ang hospital. Kung namalagi doon ng ganun katagal isa man kina De Nierro at Quizon, tiyak na matagal ding nagpabalik-balik doon si Luis.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon