V. Say, "Hi!"

310 15 14
                                    

 Ika-27 ng Enero, 2015 //  9:19 ng umaga

“DARATING PA BA 'YANG BOYFRIEND MO?”

 Sinulyapan ni Laurie ang orasan sa dingding nang Conti's. Dalawang oras na sila ng kaibigan sa Conti's sa eksklusibong bahagi ng Bonifacio High Streets sa Makati.

 Napansin niyang saglit na dumilim ang mukha ng kaibigan pero agad din itong ngumiti.

 “Doesn't matter. Sanay na akong hindi natutuloy ang mga lakad namin. Maybe, he's just busy. And he isn't just my boyfriend. Alex is my fiance.” confident na hinagod ni Mariella ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa kanyang mukha.

Tinitigan ni Laurie ang kaibigan and she didn't miss feeling a bit insecure. Minsan napapaisip siya kung paano ang pakiramdam ng maging isang Mariella Sobersonte.

 Napakaperpekto nito. Makinis at maputi ang balat, pantay ang mapuputing ngipin, natural na sopistikada, matalino at napakahumble. Ngayon naman, understanding girlfriend ang drama nito. She was once featured as one of the most endearing Filipina. Idagdag pang naging modelo ito ng isang sikat na brassiere collection sa Paris sa loob ng dalawang taon. Ilang buwan pa lang ito nakakabalik sa bansa at nahirapan silang humanap ng oras para magkita. May mga commercial din kasi itong pinirmahan nang makabalik na ng Pinas.

“Ano bang trabaho ng Alex na yan?”

 “He's a police inspector.”

Umarko ang kilay ni Laurie.

 “Nah. Sa prisinto.”

 “Pulis ang boy—fiance mo?”

 “Yup! How ironic, right?” tumawa ito. Ang ganda-ganda talaga ng kaibigan niya. Lalo itong nagiging diyosa kapag nakangiti o tumatawa. Alam niyang ganun din ang tingin ng lahat dito. Kanina pa nga pasulyap-sulyap ang mga tao sa paligid nila.

 “Naku! Magready ka na. Kung hindi sa maaga niyang pagkamatay, malamang sa kahihiyan. Hindi na maganda ang reputasyon ng mga pulis ngayon.”

 “Hoy! Ang nega mo. He's a good cop. No! He's the best Philippines can ever have. I think you 've heard about Sherlock Holmes of Makati. Siya yun.” Animated ang mukha nito habang kino-compliment ang kasintahan. Napahinga nalang ng malalim si Laurie.

 At least alam niyang in love ang kaibigan niya.

 “Magaling ngang pulis, nineneglect ka naman. And, no! Hindi ako updated sa kahit na anu mang bansag sa Alex mo. Wala akong interes sa kahit na anong may kinalaman sa pulis o pulitiko o--”

 “He's here!” Natigilan si Laurie sa paglilitanya. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ni Mariella. Tumayo agad ang kaibigan at halos patakbong sumalubong sa kasintahan nito.

 She rolled her eyes when she saw them kiss. Sa mga pagkakataong ganito siya nako-confuse kung bakit siya naging romance novelist.

 She took the spoon and scoop a bite-size from the Mango Chiffon Cake they ordered earlier. Halos siya lang naman umuubos. Palibhasa modelo ang kasalo niya. Though, sadyang matakaw talaga siya sa matatamis.

 “Meet one of my closest friend, honey. Her name's Laurie.”

 “Hi!”

 Nag-angat ng mukha si Laurie, with mouth that's half-full. Nararamdaman niya ang ilang icing na nanlalagkit sa gilid ng mga labi niya. And worse, naalala niya biglang wala siyang make-up at kamay lang ang pinanhagod niya sa buhok.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon