XVII. Seized

250 11 2
                                    


"...And I just can't pull my self away under her spell I can't break. I just can't stop and i just can't bring myself no way. But I don't want to escape. I just can't stop..." (Ne Yo)

 Luis changed the radio frequency of his car stereo. Pumalit sa boses ni Ne Yo ang boses ng di-kilalang reporter sa radyo.

 "...pinaghahanap ng pulisya ang may-ari ng itim na Subaru na naireport nina Chrystal Davila sa prisinto ng Mandaluyong kaninang umaga... Ayon sa isang intelligence report, nakasagutan umano ni Chrystal ang driver nito at maaaring nagalit sa ginawang panununtok ng salamin ng kotse at paninigaw ng batang reporter. Inaalam pa kung gaya sa mga naunang insidente ay sangkot ang bida ng isang nobela sa wattpad na walang iba kundi ang Puting anino..."

 Napapangiti si Luis. Hindi na talaga natapos ang kaso. At kahit kailan hindi nakapagbalita ng tama ang mga reporter.

 Hindi naman niya sila masisisi kung wala silang alam sa mga totoong nangyari.

 Ibinalik niya ulit sa paboritong fm station. Kasalukuyang pinatutugtog ang nauusong kanta ni Ed Sheeran.

"...When your legs don’t work like they used to before. And I can’t sweep you off of your feet, Will your mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheeks?"

 Malapit na siya sa bahay niya sa Taguig nang maalala niyang tawagan si Laurie. Out of coverage area. Sa ikatlong pagkakataon pa lamang nagring ang cellphone ni Laurie.

 [hello? san ka ba nagpunta? hindi ka pumasok kanina]

 Napangiti si Luis. "Akala ko nasa probinsiya ang mommy ko. Bakit parang nandito na." Sinundan niya iyon ng tawa.

 [Ikaw talaga... pumasok ka na bukas ha?]

 "Namimiss mo na ba ako sa lagay na yan?" Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Luis. Ganito naman palagi ang epekto ni Laurie sa kanya.

How she love this woman. Once, it took a great length that it almost consumed him.

 [Hay, ewan ko sayo. Basta pumasok ka. May itatanong ako.]

 Natahimik si Luis. He wondered, naalala na kaya niya?

 "Ano--" naputol na ang linya. Sinubukan niyang kontakin uli si Laurie pero out of coverage nanaman ang cellphone nito. Ibinaling na lang niya ang atensiyon sa pagmamaneho.

 Fourty-two minutes after six nang pumarada si Luis sa garahe ng bahay niya. Madilim ang buong bahay. Hindi niya pinagkaabalahang i-on ang ilaw. Sa apat na taon ba namang pamamalagi niya roon ay kabisado na niya ang bawat sulok niyon.

 Nakita agad niya ang hinahanap. Malaking kahon iyon. Halatang kakalagay pa lamang doon. Walang hirap niya iyong binuksan at saka inisa-isang tignan ang laman. Kompleto.

 Itatapon nalang niya sa Guada para walang ebidensiya. May makapansin man tiyak na mababanlawan ng tubig sa ilog ang ano mang bakas ng dugo.

 Tinignan niya ang orasan sa bisig, maaga pa. Binuhat na muna niya ang kahon at saka lumabas. Pagkabukas ng pinto, pasimpleng pinag-aralan muna niya ang paligid. Wala namang kahit na anong palatandaan na may nagmamatyag sa kanya. Nilapitan niya ang itim na sasakyan sa garahe. Binuksan niya pinto sa likod at maingat na inilapag ang karton. Napapitlag siya nang marinig ang biglang pagtahol ng aso sa kapitbahay. Pagbaba niya sa sasakyan ay nahuli pa ng sulok ng kanyang mga mata ang aninong lumampas sa poste ng meralco. O pwede rin namang namalikmata lang siya. Inilock niya ang pinto ng kotse at saka muling pumasok ng bahay.

Gaya kanina, hindi niya binuksan ang ilaw sa sala. Tumuloy siya sa kusina at kumuha ng ilang beer-in-can sa ref. Hindi pa niya napapangalahati ang iniinom nang marinig ang papalakas na ingay ng mga police car. Sa tantiya niya ay paparating ang mga iyon. Sunod ang mga yabag sa paligid ng bahay niya. Lahat din ata ng mga aso ng kapit-bahay nabulabog kaya't nagsitahulan. Naging mas mabilis pa ang mga pangyayari. Dumukwang siya sa sahig ng marinig ang mga putok ng baril. Ingay na gawa ng mga nabasag na salamin, sinipang pinto at boses ng kung sino na nagsasabing huwag siyang lumaban. Hindi na rin niya nagawang tumayo mula sa sahig ng kusina. Dalawang lalaking armado ang pumasok sa pinto at itinutok ang baril sa kanya.

 "Dapa! Dapa!" Nalilito si Luis sa nangyayari. Nagtaas siya ng mga kamay. Sunod-sunod na pumasok ang iba pang mga pulis. Napangiwi siya ng tadyakan siya sa likod. Pinipilit niyang iangat ang mukha pero wala siyang makilala dahil sa kapal ng mga protector sa katawan at sa ulo ng mga lalaki. Tanging ang mga letrang S.W.A.T. sa likod ng mga lalaki ang nagpapahiwatig na pulis ang mga ito at hindi rebelde. May kanya-kanyang instructions ang mga ito. Hindi niya alam kung alin ang unang iintindihin.

 "... have the right.... silent... acquire justice... prosecution... law" Binabasahan siya ng karapatan niya ayon sa batas pero hindi na rin niya maintindihan. May nagbukas ng ilaw. Ang gulo-gulo ng paligid. Hindi na rin niya makilala ang sariling kusina dahil sadyang nagkalat ang mga basag na gamit. Nagpatangay na lang siya nang saklitin siya sa braso na nagawa na rin pala nilang iposas kaya't nananakit ang braso niya sa ginagawang paghila at minsan ay pagtutulak sa kanya.

 Sa labas ay nagkakagulo ang mga reporter. Sunod-sunod ang flash ng camera. Umaatungal pa rin ang mga aso pero nilunod ng ingay ng mga usyuserong kapitbahay. Sunod na namalayan ni Luis ang pagpasok sa kanya sa kotse.

 Tatlong police cars sa unahan at limang police cars sa likod ng kotseng pinagsakyan kay Luis. Sa mata ng mga taong nakasaksi ng parada, isang katakot-takot na mamamatay-tao ang nahuli ng mga pulis kaya't ganoon katindi ang seguridad.

 Sa harap ng bahay ni Luis, naroon at taas-noong nagbibigay ng komento si Director General Kevin Lander. Nakaakbay ito kay Agent Hagos na halatang natutuwa rin sa mga papuri at pagkamangha sa ginawa niyang paglutas sa kaso. Dumating ang Director tatlong minuto bago ipasok sa sasakyan ang itinuturing na pinakamapanganib na killer sa bansa. Ang totoo, naghintay siya isang kanto mula roon. Nang matapos ang putukan ay saka nagsimulang minaniobra ng pulis-driver niya ang sasakyan. Nakarating sila sa oras para ipakita sa lahat na suportado niya ang ginawang mabilisang aksiyon ni Hagos sa kaso ng mga pagpatay na isang buwan na ring nakabinbin sa kamay ng mga pulis ng Makati.

 #Sorry Luis :(

#It has to be you

Umft pede na ba? How do you find this chapter?

<3        <3        :)

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon