VIII. The Reader 2

265 15 7
                                    

 Ika-2 ng Pebrero, 2015 //  11:25 ng umaga

“Marco? K-kuya Marco?”

Nag-aalalang mukha ni Dr. Marco Villarde ang nabungaran ni Chrystal nang sa wakas ay tumigil siya sa pagpupumiglas.  Kapatid niya ito sa ama.

“Oo. Ako to. Ano bang nangyayari sayo?” pinisil-pisil nito ang palad niya. Noon niya narealize na ang malamig na bagay na dumapo sa leeg niya kanina ay ang wedding ring nito.

“P-pasensiya na kuya.” Namumutla pa rin siya. Nakita niya si Steve, ang cameraman niya sa likod ni Marco. Nakakunot-noo rin ito. Pinilit ngumiti ni Chrystal para hindi na ito gaanong mag-alala.

“Kumain na ba kayo? Tara, starbucks muna tayo. Libre ko.”  

“Tala, anong nakita mo sa loob? Bakit bigla kang nagtatakbo?” si Steve. Tala ang nickname niya rito.

Nagprisinta si Marco na mag-order para sa kanila kaya’t naiwan silang dalawa sa mesa.  “Kaya mo pa bang gawan ng report to? Ok lang sakin kung—“

“Ano ka ba. Ayos lang ako.  Maganda nga yung nakita ko mismo yung itsura ng crime scene. It gave me the right feeling.”

“Baliw ka talaga. Tignan mo nga iyang sarili mo ngayon. Mukha ka kayang ginahasa.”

“Hayaan mo na. Magreretouch ako mamaya. Ang importante may malaking pasabog tayong ibabalita mamaya.”

“Alin? Pinagpiyestahan na ng mga reporter iyong pagpatay kay Bernadette Quizon. Nangunguna na nga ngayon iyong news team nina Carla.” Kaklase nila sa Mass Com class ang tinutukoy nito.  Iba’t-ibang istasyon kasi ang pinag-assign-nan sa kanila.

“Akin nga yang phone mo. Bilis!”

“May phone ka naman—“

“Akin na bilis! Gusto mong magnumber one ang news team natin diba?”

“Oo pero anong kinalaman ng phone ko sa—“

Si Chrystal na mismo ang tumayo at dumampot sa phone nito sa mesa.

“Hoy!”

“Anong nangyayari?” si Marco.  Inilapag nito sa harap nila ang cookies  at shakes na inorder nito para sa kanila.

“Itong kapatid niyo Dok. Manghihiram lang ng cellphone kung anu-ano pa ang ginagawang dahilan.”

Napangiti si Marco. May pagkamakulit din talaga itong half sister niya.  “Kumain na nga kayo. Chrystal tama na muna ‘yan.”

“Saglit.” Nauna nang kumain ang dalawa. Hindi pa rin kasi maawat si Chrystal at sa nakita niya kanina sa loob ay talagang hindi niya mapipilit ang sariling kumain ng kahit ano.

“Ano palang ginagawa niyo rito?”

“OJT. Unang assignment namin ‘to Dok. Kapag maganda ang  kuha ipapalabas mamayang gabi sa PVP news. “

“Kuya Marco na lang.  Kaibigan ka naman ni Chrystal. Kanina mo pa ako tinatawag na Dok eh. Mukhang wala na sa sarili itong reporter mo pa’no ba yan?”

“Sa susunod nalang siguro.”

“Hindi pwede.” Si Chrystal. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa. “May concept na sa utak ko. Baka mawala.”

Napapailing na tumingin si Marco kay Steve. “Pagbigyan. Pero mag-ayos ka muna. Nasa paligid lang si Alex. Di ba crush mo ‘yon? Baka makita kang ganyan. Lalong hindi ‘yon magkagusto sayo.”

“Kuya naman.” Lumabi si Chrystal. Kaya mahal na mahal niya itong kuya niya. Sinasakyan nito ang mga kabaliwan niya. Kilalang-kilala rin siya nito kahit hindi sila madalas magsama. Alam nitong kapag sinabi niyang kaya niya---kaya talaga niya.

“O siya.” Nilingon nito ang orasan sa bisig. “Hindi naman ako obligadong tapusin ang  pag-inspect sa crime scene. Maraming dumating na taga-forensic. Manonood na muna ako sa shooting niyo.”

Ten minutes lang ang itinagal ng shooting. Natural kay Chrystal ang maayos na organisasyon ng mga ideya. Magaling siya para sa baguhang reporter. Umulit man siya ng dalawang beses, bumilib pa rin sina  Marco at Steve sa kanya.

“Ok ba kuya?” maluwang ang ngiti ni Chrystal. Sa wakas may maipapasa sila. Parang kanina lang ay hindi maipinta ang mukha niya. Mabuti na lang at madali siyang makamove-on.

“Ikaw na ang next kay Jessica Soho.” Tukoy nito sa paborito niyang reporter. Bigla itong natahimik at tila nag-isip. Ilang beses bumuka ang bibig nito pero hindi naman dinugtungan ang sinabi.

“May problema ba kuya?”

Tumingin ito ng diretso sa kanya at kay Steve na hawak-hawak ang tape ng report nila.

“Sumama kayo sa akin sa prisinto.”

 

  ***

“When did you start reading this?” si Alex.  Seryosong pinaglipat-lipat niya ang tingin kina Chrystal at Steve.

“Two weeks ago.”

Tumango-tango si Alex.      Binalikan niya ang kwento sa cellphone na hawak niya. Unang-unang mapapansin ang mukha ni kamatayan na cover ng kwento. Magsisimula iyon sa simpleng paglalarawan ng mga mangyayari. Sa sumunod na pahina ay ang mensahe ng writer sa mga magbabasa. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang initials sa dulo ng mensahe.

Lfrancisco

“Araw-araw nag-a-update ‘yung writer.” Si Chrystal uli.

“Kailan naipost iyong bahagi nang pagpatay kay Ms. Quizon?” si Marco naman ang nagtanong.

“Kaninang umaga lang.”

“Are you sure?” Tuloy-tuloy na pinindot ni Alex ang NEXT para mapuntahan ang ikawalong chapter.

“Nag-online ako kagabi ng mga alas-nuwebe dahil may sinusulat din akong romance novel. Wala pa noong update yang kwento. Kaninang umaga lang ng alas-siyete ako ulit nagcheck. Meron na.”

“Pwede pa rin ba naming isubmit yung report?” sa unang pagkakataon mula kanina ay nagsalita si Steve. Natakot marahil ito nang alukin sila ni Marco sa prisinto. Hindi naman iyon natuloy. Tinawagan lang nito si Alex at ito na ang pumunta sa kanila.

Nilingon ni Alex si Marco. Kapatid nito ang sangkot. May basehan din naman ang magiging laman ng balita kaya’t hindi masamang ipalabas pa rin iyon.

Kinagabihan ay ipinalabas nga ang report nila sa PVP News. Headline iyon. Agad na nakilala ang pangalan ni Chrystal Davila dahil sa balitang inilabas niya sa publiko. Bukod doon, binaha ang readers ng kwentong may pabalat na mukha ni kamatayan.

   

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon