Ika-12 ng Enero, 2015 // 9:42 ng umaga
Kailangang masundan ang kwento...
Luminga-linga ang Puting anino. Hindi pwedeng may dumagdag na tauhan nang hindi niya nalalaman. Masisira ang konseptong binuo niya. Nang matiyak na walang ibang pares ng mata sa paligid, muli niyang pinasan sa balikat ang katawang nakabalot sa puting kumot at saka tinungo ang asul na kotse at doon iyon isiniksik. Sa sumunod na tatlumpong minuto ay tanging panali, hagdan at ang tahimik na katawan ang nakasama ng puting anino sa parking lot ng Pentagon Building sa Ortigas.
Ika-12 ng Enero, 2015 // 4:16 ng hapon
“B-bakit ako?!” napayakap si Laurie sa sarili. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi agad nakasagot si Luis. Pinasadahan niyang muli ang papel mula sa kaibigan.
To: laurieXC@yahoo.com
From: Putinganino1@ymail.com
CC: Allison De Nierro
“Luis!”
“Baka pinagtitripan ka lang. Some kind of prank.”
“S-si Maxine?” Naihilamos niya ang kamay sa mukha. “Why do they have to--”
Nagtaas ng dalawang kamay si Luis. “Hindi ko sinabing si Maxine. Pwedeng wrong send lang to.”
Pinanlakhan niya ito ng mata. “Pwede ring hindi.”
“Come on, don't stress yourself. Itapon nalang natin to. Idelete mo yung email para hindi mo na ulit mabasa. Or...”
“Or what?”
“Well... I must admit, magandang konsepto ito. Pwede mong---” Sadyang binitin ng kaibigan ang sinasabi pero alam na ni Laurie kung anong ibig nitong sabihin.
“This is insane. No! This is madness.”
Lumapit ang kaibigan. “It may sound ridiculous but this is a fresh idea.”
“Fresh idea? Do know how ridiculous--” Hinablot niya ang papel mula rito. “Nabasa mo ba kung anong laman ng email na to?” Natigilan siya sa ginawa. “I-im sorry.” Unconciously, kinagat niya ang gilid ng hintuturo at nakapameywang na tinungo ang pinto palabas ng conference room.
Naiwang nakatitig si Luis sa pintong nilabasan ng kaibigan. Hindi siya makapagdesisyon kung susundan o hahayaan na muna niya ang kaibigan.
Tahimik na sumandal siya katabing mesa. Hindi pa siya nagtatagal sa ganoong posisyon nang muling bumukas ang pinto at iluwa noon si Laurie. Para itong tinakasan ng dugo sa mukha at konti nalang ay mapapasigaw na. Anong nangyari?
Dinaluhan niya ang kaibigan. “Why?” Bumuka ng bahagya ang bibig nito pero walang boses na lumabas. Nalilitong inalalayan niya ito para makaupo. “Sabi ko naman huwag mo ng intindihin yang email na yan. ”
“Y-yung balita. Y-yung...” halos humihikbi na ito. “P-patay... May patay...”
Isa. Dalawa. Tatlong segundo bago nakuha ni Luis ang sinasabi ni Laurie. Agad na binuksan niya ang plasma TV sa kanang bahagi ng conference room.
BINABASA MO ANG
Puting Anino
Mystery / ThrillerKill... Write... Send Sino si Puting Anino? [First Alex Gonzalez novel]