XXII. Ella's Dawn

233 11 8
                                    

Ika-24 ng Marso, 2015 // 5:42 AM

Maagang nag-ayos si Mariella dahil susunduin pa niya si Laurie. Sa itsura ng kaibigan nang nagdaang araw, alam niyang kailangan siya nito. Ipinacancel muna niya ang photo shoot niya nang araw na iyon. Sasama siya sa book signing sa MOA para palaging may makakausap si Laurie.

They've been friends since high school kaya ganun nalang ang care niya para dito. Laurie might not remember that but it's fine.

 
Umikot uli siya sa harap ng salamin. She's beyond beautiful. They say she's a goddess. Napahagikhik siya sa ginawang pamumuri sa sarili. Nang makontento ay dinampot niya ang kanyang clutch bag mula sa mesa at saka lumabas. 

Nasa kotse na siya nang maalalang may libro pa ang bestfriend niya na hindi napapapirmahan. Dadaanan muna niya iyon sa opisina. Anyway, malapit naman ang building nila sa bahay ni Laurie at maaga pa. 

Pinasadahan niya ang orasan sa bisig.

5:42 AM


Ni hindi pa sumisikat ang araw.

 Pagdating sa harap ng fashion house sinalubong agad siya ng dalawang gwardiya. Magiliw ang mga ito sa kanya dahil hindi naman siya gaya ng ibang modelo o impleyado na mataas umasta.

"Miss Ella, ako na hong magpapark nitong kotse niyo." Nakangiti ang gwardiya. 


"Naku hindi na ho. May kukunin lang ako sa taas. Bababa rin ho ako agad. Pakibantayan na lang ho itong kotse baka masalisihan tayo."

“Areglado. Babantayan ko ho ito."

Nag-iwan lang uli ng ngiti si Mariella bago pumasok sa building. Tuloy-tuloy siya sa elevator. Masyado pang maaga. Ni walang katao-tao. 

Ikatlong palapag siya bumaba. Nasa harap na siya ng pinto ng sariling opisina nang maalala niyang pumunta muna ng CR. Mga limang minuto siya roon. 

Pabalik na siya ng opisina nang parang may marinig na kaluskos. Binagalan niya ang paglalakad. Naririnig pa rin niya ang tunog ng heels niya pero may iba pang kaluskos. Papalakas. Papalapit. Nasapo niya ang dibdib.

"S-sino yan?" Walang sumagot. Tumigil na talaga siya sa paglalakad. Naririnig pa rin niya ang papalakas na kaluskos.

 "S-ino sabi yan?" May panginginig na sa boses niya. Wala pa ring sumagot.

Bigla, may bulto ng lalaking lumabas mula sa CR ng mga lalaki. 

Argggh!


Napatili siya ng ubod ng lakas.

"Ma'am Ella!" Nanlalaki ang mga matang tinignan ulit ni Mariella ang nagsalita. 
Janitor. Isang janitor ang nasa pinto ng CR. 

"Kuya naman. Nanggugulat ka." Sapo pa rin niya ang dibdib. Ang lakas pa rin ng kabog niyon.

"Pasensiya na po."

"Okay lang. S-sige. Maglinis ka na ulit." 

Hinintay niyang pumasok uli ng CR ang janitor. Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad. Nang sa wakas ay narating niya ang pinto ng sariling opisina, kinapa niya ang susi sa kanyang bulsa. Napamaang siya nang wala iyon doon. Nag-isip siya. Sa CR, tama! Iningatan pala niya mahulog kaya ipinatong niya sa lababo sa harap ng salamin. 
Bigla siyang may narinig na kalansing ng susi sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang lumingon.

Sasalubungin sana niya ang nakatayong bisita niya nang mapansin niya ang balisong sa kaliwang kamay nito. Binalak niyang sumigaw pero hindi na siya nagkaroon ng panahon. Tinakpan ang kanyang bibig. Naramdaman nalang niya ang mainit na likidong umaagos mula sa kanyang dibdib pababa ng kanyang puson. 

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon