XII. Detainee

259 14 5
                                    

 Humahangos si Laurie. Mabibigat ang hugot niya ng hininga. Gaya ng dati, maputla ang kanyang mukha sa kawalan ng make-up pero higit sa lahat ay dahil sa tensiyong nararamdaman niya.

 Pabalyang itinulak niya ang pinto ng kanilang opisina. Hawak niya sa kaliwang kamay ang librong may initials na Lfrancisco sa back cover.

 Halos sabay-sabay na lumingon ang mga kasamahan niya.

 Saglit na katahimikan. Maya-maya ay may sumigaw.

“Surprise!”

“Laurie, congrats!” Nakabawi na sa pagkabigla ang mga kasamahan niya. Sumulpot sa kung saan ang Editor-In-Chief nila na si Mrs. Amores. Matandang dalaga ito na kung gaano kataba ang katawan ay lalo pang mataba ang utak.

 Isa-isang lumapit at humalik sa pisngi niya ang mga kasamahan. Ang ilan naman ay kinamayan siya. Litong napangiti rin siya sa inaakto ng mga ito.

“Ano ka ba? Hindi mo pa ba alam?” si Nikki. Hindi nito binitiwan ang braso niya. Sa tabi nito ay maluwang na nakangiti ang associate editor nila. May hawak itong cake at may sinding kandila.

 “B-birthday ko ba?” pinaalala niya sa sarili kung anong buwan at araw na ba.

 “Baliw! Hindi 'yon.”

 Binuklat ni Mrs. Amores ang isang folder sa harap niya. Pinasadahan niya iyon. Pamilyar na pamilyar siya sa nakita. Graphical presentation ng sales ng mga libro nila. Halos magtatatalon siya sa tuwa ng makita sa top three highest sales ang librong sinulat niya.

“Congrats! Congratulations, Laurie!!!”

 Nagsigawan uli ang mga kasamahan niya. Malakas na palakpakan.

 “Salamat...”

 “Oh, blow the candle. Bilis!”

Masayang hinipan naman niya ang may sinding kandila. Matapos iyon ay nagkayayaang kumain ang grupo. Tuluyang nawala sa isip niya ang tungkol kay Lfrancisco.

Kinagabihan, sa araw ding 'yon... Sa prisinto...

Antonio Francisco; M

52 taong gulang, may asawa't anak

 construction worker

Lee Ison Francisco; M

 30 taong gulang, single

 Call Center Agent

Marti Francisco; F

 28 taong gulang, may anak

Nurse

Nikko Luis Francisco; M

29 taong gulang, single

Graphic Artist

  

Deanna Francisco; F

 47 taong gulang, may asawa't anak

 Freelance Writer

 Pinasadahan ulit ni SPO1 Dante Sanchez ang mga ginawang report tungkol sa alibi ng limang suspek. Kung tutuusin hindi pa naman sila opisyal na mga suspek. Mababaw na dahilan na nagkataong Fransisco ang mga apelyido nila.

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon