XXIV. The Black Van

197 7 2
                                        

~>~>~>Ika-24 ng Marso, 2015 // 7:37 ng gabi

"Haha! Kawawang Hagos!" Si Abra. Napapailing habang pinapanood sa cellphone ang kumalat na video ng eksena sa prisinto.

"Ayun oh! Ayun! Sinapak pa ulit." Natatawa si Trillanes. "Sana binugbog niya hanggang mangitim. Mayabang yang si Hagos."

"Siguraduhin niyong buburahin niyo yan agad. Pwedeng matanggal sa serbisyo si Alex dahil diyan." Si Billaron. Dahil nasa gilid ng sasakyan si Abra na may hawak ng cellphone at katabi na nito si Trillanes na napakalapad ng katawan, nahihirapan siyang sumiksik at manood din. Kung bakit nasa likod sila ng police car pwede namang lumabas. Hindi niya talaga makita ng maayos kaya lumipat na siya sa harap.

"I-replay mo. Bilis! Ulitin mo yung pagkakasuntok kay Hagos. Yan! Yan! Yan! Tignan mo! Ha! Nanlaki mga mata niya. Binabae talaga yan."

"Ang ingay mo Trillanes! Akin na nga yan." Dumukwang si Billaron para agawin ang cellphone pero mabilis na inilabas ni Abra sa bintana ng kotse ang kamay niya para hindi maabot.

"Akin na yan."

"Buburahin na. 'To talagang si tanda."

"Ako na gagawa." Nakaipit na ang katawan ni Billaron sa pagitan ng dalawang upuan sa harap. Inaabot pa rin niya ang cellphone kay Abra. Tinatabig lang naman ng huli ang kamay niya samantalang si Trillanes, lumabas ng sasakyan at hinablot ang cellphone sa nakalabas na kamay ni Abra.

"O, ano na? Ang gulo niyong dalawa. Hala?!"

"Bakit?!" Sabay na tanong ng dalawang pulis sa loob ng sasakyan. Parehong nakasilip ang dalawa mula sa bintana.

"Upload complete!" Ipinakita ni Trillanes ang notification sa cellphone. Nagkatinginan ang dalawa. Dahan-dahang bumalik si Billaron sa harap ng sasakyan at mahigpit na hinawakan ang manibela.

Pagpasok ni Trillanes, abot tenga ang pagkakangiti ng loko. "Kaninong facebook account itong napag-upload-an?"

"Kaninong cellphone ba yan?" Si Abra.

"Sayo nga pala. Pano ba yan? Mukhang may bagong makukuhanan ng video sa prisinto."

"Kung paabutin pa siya dun ni Alex. Sa laki ng pinagdadaanan nung tao---" umiling-iling si Billaron. Nakangisi rin.

"Sama-sama tayo dito, akala niyo. Nakinood kayo pareho."

"Ku! Tumigil ka. Ikaw lang nag-upload niyan. Ikaw may hawak ng cellphone mo."

"Hindi rin kayo gaanong takot kay Alex." Si Trillanes. Di pa rin mawala ang ngiti niya.

"Respeto lang. Hindi takot. Halos anak ko na 'yun."

"Nagsalita si Manong Billaron. Hindi takot ha. Bakit pinagpapawisan na kayong dalawa diyan?"

Hinampas ni Abra si Trillanes. "Ang yabang mo!" Tumawa lang ng tumawa ang huli.

Tinatakot lang naman niya ang dalawa. "Tama na! Biro lang yun. Picture niyo yung na-upload."

"Linawin mo!" Nakibatok na rin pati si Billaron. Baka pagtulungan pa siya kaya hindi na pumalag si Trillanes.

"Tanda, tingin mo yung Puting anino din talaga pumatay kay Mariella? Lahat naman ng sadyang pinatay, babae. Isa pa, katawan lang din ni Mariella ang pinagsasaksak. Yung mukha, iniwang maayos. Anong sabi nung mga nakaassign sa pagbabantay sa wattpad account ni Luis, may bago ba sa kwento?"

Puting AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon