"Ready?"
Nabulabog ang kapayapaan ng hapon pagkatigil ng silverish-gray Jeep sa harapan ko. She has her window down, sporting her signature grin.
"Anong ginagawa mo rito, Storm? Saka ready saan? Wala naman tayong usapan," nagtataka kong tugon. Parang wala lang sa kaniyang mag-park dito mismo sa labasan ng campus. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang hindi bumababa.
"Well, I know you've been bothered these days. I'm already starving to death myself, so I thought you could join me at one of my favorite resto. Let's take a breather from everything."
"Kakaiba ka ring mag-aya ng date, 'no? Wala nang tanong-tanong, yes na agad." Sumampa ako sa loob at baka maghilahan pa kami rito. Bawal pa namang pumarada sa tapat ng main gate.
"Just craving for peace of mind, hun. You're lucky I chose you."
Napa-make face ako sa sinabi niya. "Wow, ah! Thank you for choosing me as your partner, madam. Baka gusto mong ako na rin 'yung mag-drive?"
Natawa siya at agad na umiling. "I still love my life and live it to the fullest. Sit back and relax, hmm?"
"Sa pagkakatanda ko, bawal kang kumain sa labas. Anong nangyari sa bet niyo ni Forest, aber?"
Parang bata siyang bumungisngis at sinuntok pa ako sa braso. "Guess what? My witch of a sister just gave me a break. Did you do something to her? Pleasured or some—"
"Halay mo, Bagyo. Wala naman akong ginawa!" Pinamulahan ako kahit wala naman talagang nangyari.
Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Gubat magmula ng ma-ospital si kuya. Puro over-the-phone lang ang update namin sa isa't isa dahil sobrang busy niya. Nakakatampo na nga't excited pa man din akong pumasok kasi Monday na't nasa iisang building lang kami ngunit wala. Wala kaming face-to-face interaction, badtrip!
"Then it's a damn miracle for me. Kakain talaga ako nang marami, walang makakapigil." She stepped on the gas pedal heading to who knows where.
She and her love for food. Kung hindi siguro magkaka-girlfriend 'tong si Storm, sa pagkain na lang siya ikakasal.
"Saan ba tayo pupunta? Baka dalhin mo na naman ako sa kakaibang lugar," nahihiwagaan kong wika. First time niyang gawin ito, ang mag-ayang kumain sa labas nang kaming dalawa lang.
"I'm too hungry to travel far, hun," she muttered, lowering the radio volume. "How's your brother's condition? It's been days already, I hope he's recovering well."
Napahigit ako ng hininga at kinapa ang tiyang kumakalam. "Mino-monitor pa rin... Sa totoo lang, wala akong makikitang pagbabago sa kaniya hangga't hindi siya nagigising."
Hindi ko na mabilang kung ilang araw na kaming puyat sa ospital. Wala talagang improvement o balitang magigising na si kuya. Wala akong maintindihan sa tuwing dumadalaw si Dra. Medina at may ipinapaliwanag kila mama. Ang nais ko lang ay makita siyang nakamulat na.
BINABASA MO ANG
Chasing Forest [EDITING]
RomansaThey said there will always be a reason you meet people. Either you need to change your life, or you're the one that will change theirs. Kaya naman nang matagpuan ni Pipay ang isang babaeng halos ipagkanulo na ang sarili kay kamatayan, hindi siya na...
![Chasing Forest [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/229708460-64-k401832.jpg)