30

23 3 0
                                    


NAGISING AKO kinabukasan dahil sa tunog ng alarm clock. Pupungas-pungas ako nang patayin iyon at hila ang sariling bumangon. Pero hindi rin naman ako kaagad tumayo, sa halip ay naupo ako sa kama at sumandal sa pader habang yakap-yakap si Tokage Lizard stuffed toy.

Haru left us yesterday; ako at ang anak niya. At sobra akong nahabag sa kalagayan ng batang nasa sinapupunan ko nang mga oras na 'yon. He ignored the fetus inside my womb and chose others instead. Kung kailan noon ko na lang ulit siya nakita...

Noon ko na lang din namalayan ang mga luhang unti-unti na palang dumadaloy mula sa aking mga mata. Iniiwasan na ba ako ni Haru? Bakit napapadalas na yata ang absence niya sa Language Center?

And about the phone call that interrupts us yesterday, it was Satsuki's. It's an emergency call that should be understand, I know. Pero iba ang sakit na idinudulot no'n sa akin. Parang may kung anong matulis na bagay na tumutusok sa'king puso. Mahalaga nga siguro si Satsuki sa kanya, like what the latter told me.

Ano ba sila? May dapat ba akong pagselosan sa kanila? O may karapatan ba akong magselos sa kanila?

"Maggie?" boses ni Charee na nakapag-untag sa akin. Agad kong pinahid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung umabot ito sa kanyang paningin.

"Tanghali na, tumayo ka na kaya riyan. Sa banyo ka na mag-tanggal ng muta." Naglakad siya patungo sa harap ng aparador at tiningnan ang repleksyon sa salamin doon habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Mabuti na lang at iba ang hinuha niya sa ginawa ko.

Muli niya akong nilingon nang mapansing hindi pa rin ako natitinag. Isa ito sa hirap ng pagiging buntis, tinatamad kang magkikikilos umaga pa lang. Blame the hormones, 'ika nga!

"Papasok ka ba? Don't tell me, tinatamad ka na naman? Baka nakalimutan mong isang absent mo pa, dropped out ka na nang tuluyan sa school niyo," aniya.

"Papasok ako, syempre," maikli kong sagot.

Papasok ako just to see Haru and tell him that he impregnated me. 'Yon na lang ang purpose, dahil wala nang pag-asang makalipad pa ako patungong Japan gayong may isa nang musmos sa aking sinapupunan, which is the most prohibited in all agencies.

Hinimas ko ang ilong ng stuffed toy na hawak ko habang malungkot itong tinititigan. Basorexia attacks me again, pero wala akong ibang magawa kundi tiisin ang paglilihi kong ito.

How I wish Haru's here, beside me. I miss him.

"Miss mo na 'no?" tuya ni Charee na lumapit at naupo sa gilid ng kama habang naglalagay ng liquid foundation sa mukha.

Sinimangutan ko siya bago hinawi ang kumot na tumatakip sa kalahati ng aking katawan at tuluyan nang tumayo. Tinungo ko ang banyo nang hindi siya pinansin man lang. Umabot pa sa aking pandinig ang pagrereklamo niya ukol sa pagsusungit ko bago ko isara ang pintuan ng banyo.

Inayos ko muna ang aking sarili bago muling lumabas para mag-almusal.

HINDI NA AKO nagtaka nang iling na naman ang isagot sa akin ng mga sensei sa loob ng office nila nang tanungin ko ang mga ito kung pumsok ba si Haru ngayon. May ilang kumibit-balikat pero nauwi rin sa pag-iling.

"Gomen nasai. Haru-sensei ni shirimasen ne," sagot ni Utada-sensei, na siyang kilala ko lang roon. Hindi raw nito alam kung saan naroroon si Haru.

"Daijubo desu yo. Jyaa, doumo arigatō gozaimasu ne.(It's okay. Well, thank you so much.)" Nag-bow pa ako pagkatapos no'n bago nagpaalam.

Pababa na ako sa hagdan nang makasalubong ko si Akiyo na paakyat naman. Natigilan ito nang makita ako pero wala akong mabasang kahit anong reaksyon sa mukha niya.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon