22

27 2 0
                                    


"HARU..." anas ko nang maghiwalay ang aming mga labi. Nananatili pa rin kami sa gano'ng posisyon. "Baka makita nila tayo."

Kumunot-noo siya pero tumaas din ang kilay pagkatapos. "Normally, dahil may mata naman sina tita."

Umikot ang eyeballs ko dahil sa pamimilosopo niya. "Mayuyupi 'tong kotse mo."

Kumibit-balikat siya. "Ayos lang, may dent remover naman ako diyan sa compartment."

"Maalikabok pala 'tong kotse mo---"

"Hindi a! Nagpa-carwash ako diyan sa kanto niyo bago pumunta rito," tugon niya na mukhang totoo naman dahil makintab at hindi halatang galing sa mahabang byahe ang sasakyan niya.

Napapikit ako nang mariin. "Haru naman e."

Ngumisi siya na nauwi sa isang hagikhik. "I'm just fulfilling your basorexia. Masama ba 'yon?"

Basorexia? Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong uri ng emotion na kung saan ang isang nilalang ay nagki-crave sa halik, particularly sa taong nakakahalikan niya. Kaya pinaningkitan ko kaagad siya ng mga mata.

"Ang kapal ng mukha mo, a! Hindi ako nagki-crave sa halik mo, ano?!" Saka siya pairap na iniwasan ng tingin.

"Okay, then," tugon niya na may nakakalokong ngiti. "Pero hahalikan pa rin kita dahil na-miss kita."

Dinampian niya ako ng halik sa labi saka nakipag-nose-to-nose sa akin. Muli na naman sanang magtatagpo ang aming mga labi kung hindi lang pinutol ito ng isang pagtikhim. Pareho kaming napabalikwas sa pagbangon.

"M-ma!" Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi.

"Tita..." Nag-bow nang bahagya si Haru kay mama.

"Nagluto kasi ako ng ginataang bilo-bilo. Naalala ko 'yon 'yong isa sa mga nagustugan ni Ruki noon kaya naisipan kong lutuin. Baka lumamig na, halika na kayo. Mag-merienda muna tayo," ani mama na nakangiti. Isang makahulugang ngiti.

"Talaga po, tita? Sige po, sunod kami agad!" masiglang bati ni Haru sa kanya.

Mas nauna na ngang pumasok si mama sa loob ng bahay. Naiwan uli kami ni Haru sa garahe.

"Sabi sa'yo," nakalabing saad ko sa kanya saka humalukipkip, "nakita tayo."

He chuckled. "Pero hindi tayo pinagalitan."

Inismiran ko siya, "halika na nga. Bago pa kung anong isipin nila kung ba't tayo natagalan," saka nagpatiuna sa pagpasok.

"Oh, Maggie!" kantiyaw niya bago sumunod.

"DITO KA BA magpapalipas ng gabi, hijo?" tanong ni mama kanina kay Haru nang magsimula nang dumilim ang paligid. Kasalukuyan kaming nasa kusina noon at tinutulungan siyang magluto ng hapunan.

Ngumiti siya saka pinaglipat ang tingin sa aming dalawa. "Kung ayos lang po sa inyo, para makapaghanda na rin si Maggie bago kami aalis bukas."

Natigilan ako mula sa paghihiwa ng gulay para sa lulutuing nilaga. Sinulyapan ako ni mama nang makahulugan. Nang hindi ako umimik ay siya na ang nagtanong kay Haru.

"S-saan kayo pupunta ni Maggie?"

Kumunot ang noo ni Haru bagama't nakangiti pa rin. "Babalik na po kami sa Language Center, tita, right Maggie?"

Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko siyang nilingon ako at naghihintay ng pagsang-ayon. Pero hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatungo. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang lahat.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon