16

37 2 7
                                    


HINDI KO napigilang mapangiti nang makita ang paghikab ni Haru habang ginagawa ang mga paperworks sa kanyang personal desk. Alas diyes na ng gabi at siya na lang din mag-isa ang nasa office nilang iyon.

Kahit hindi sabihin ay alam kong hindi pa siya umuuwi. Nakagawian na kasi niyang mag-text sa'kin kapag nakakarating na siya sa unit niya, bagay na hindi pa niya nagawa ngayon. At nakumpirma ko ngang nandito pa siya ngayong nakikita ko na siya mismo, on flesh.

Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair at ipinikit ang mga mata habang hinihilot ang pagitan ng mga ito. Kaya hindi niya nakita ang pagpasok ko at napapitlag nang bigla akong magsalita.

"Tired?"

Idinilat niya ang lumamlam na niyang mga mata at malawak ang ngiting gumuhit sa kanyang labi. Humangos siya agad papalapit sa akin na parang isang batang naulila sa magulang saka niyakap ako nang mahigpit.

"Absolutely, Maggie-chan! Mabuti na lang dumating ka," he uttered in his tired husky voice. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking leeg nang isubsob niya ang mukha roon.

"Ano namang naitulong ng pagdating ko?" I caress his back covered with his sensei's uniform.

"Ikaw ang aking kapahingahan," maikling tugon niya pero nagdulot iyon ng malaking epekto sa akin na halos ikapula ng aking magkabilang pisngi. I swear, kinilig ako.

Pina-arko ko agad ang aking labi nang tumingin siya sa akin para itago ang nangingiti kong labi. Pero huli na dahil nahagip na ito ng kanyang tingin. Hindi na rin naman nakaligtas sa paningin niya ang pamumula ng aking magkabilang pisngi.

"A-ano pa ba kasing ginagawa mo rito? Gabi na, ah," tanong kong hindi makatingin nang diretso sa kanya dahil para akong nahi-hipnotismo sa kanyang malagkit na pagkakatitig. Idagdag pang may kung anong emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko naman mawari.

"Various paperworks. Marami kasing employee si Director na pansamantalang umuwi ng Japan for some urgent reasons. Nagkataon naman na ang kompanyang nagbukas ng massive hiring ay tumatanggap ng mga workers na kahit N3 lang ang natapos. Maraming qualified, kaya marami pang i-interview-hing aspiring OFW's sa mga susunod na araw. At isa ako sa mga substitute interviewer na itinalaga ni Director Hinata." He yawned afterwards.

Tumango ako pero lihim na napabuntong-hininga sa sinabi niya. Mukhang marami pa siyang gagawin kaya ramdam kong mauudlot ang pag-aanyaya kong dinner sana sa kanya. Kanina kasing nag-hinuha na akong hindi pa siya nakakauwi ay mabilis na'kong nagluto ng hapunan at naisipang siya naman ang ipagluluto ko, bilang pambawi na rin sa madalas na pagsasalo niya sa araw-araw na lunch naming dalawa.

"Have you eaten?" He asked out of the blue. Napapakurap ang halatang pagod na niyang mga mata.

"'Yon nga sana ang isa pang dahilan ng pagpunta ko rito. Nagluto kasi ako ng hapunan para sa 'tin. Pero kung may kailangan ka pang tapusin--"

"Okay! Ikimashou!(Let's go!)" Kumalas siya ng yakap at agad na dinampot ang kanyang cellphone sa mesa saka hawak ang kamay kong nagpatiuna siya sa paglabas.

"T-teka, sandali Haru!" ani kong nagpalingon sa kanya. "Di ba busy ka pa?"

"Yes, but... you are more important than those papers. Besides I'm not that oblige to do it. Ihampas ko pa 'yan sa mukha ni Akiyo, e!" He wried. "So c'mon, Maggie-chan. I'm starving."

I look at him directly in the eyes. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo pero hindi naman siya mukhang gutom. Kahit nga ang kapaguran sa kanyang mga mata ay wala na rin.

Sumunod na lang ako nang muli niya akong hilain palabas. Bago kami lumabas ng campus na lulan ng kanyang kotse ay nagpaalam muna siya sa mga security guards at ibinilin ang kanilang office. Nakakatawa lang dahil wala pang limang segundong nakasakay kami roon ay narating na namin ang apartment.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon