29

24 2 0
                                    

"YOU WILL DESERVE THE PAIN BECAUSE OF FLIRTING WHAT IS MINE."

Mga salitang muling bumalik sa aking balintataw kahit pa nangyari na ito dalawang araw na ang nakalipas. Maging ang mariing pagkakasambit ni Satsuki sensei sa mga salitang ito ay nagiging paulit-ulit din.

Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa araw na 'yon --mula sa evaluation hanggang sa naging tagpo sa pagitan namin ng huli. Pero pakiramdam ko naman ay kusang ibinabalik ito ng aking isipan. Hindi ko kasi maintindihan ang mga nangyayari. Ayaw kong manibugho dahil sa ideyang may namamagitan sa kanila ni Haru. Gusto kong wag maging gano'n ang mindset ko. Ayokong maging negatibo. Kaso gano'n at gano'n na lamang ang paulit-ulit na dinidikta ng aking isipan.

Anong meron? Ano ang ayaw ipabatid sa akin ni Satsuki? At ano ang gagawin niyang magpapakita ng totoong estado niya sa buhay ni Haru?

Sinubukan kong komprontahin si Haru tungkol dito, pero nunca akong kinausap ng huli, maging sa chat man o sa personal. Ilang beses ko siyang t-in-ext at tinawagan, pero palaging patay ang cellphone niya. Maging chats ko ay hindi rin niya binubuksan. Naka-ilang balik na ako sa office nila, pero ang palaging sagot na natatanggap ko ay iling o kibit-balikat.

Iniiwasan ba niya ako? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? O baka naman may tinatago siya sa akin?

"... because of flirting what is mine!"

Hindi kaya may namamagitan nga sa kanila ni Haru?

"Maggie? Maggie? Maggie!"

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara na ipinanghahalo ko sa hot chocolate dahil sa gulat matapos marinig ang pagtawag ni Charee sa malakas na boses.

"B-bakit?" maang na tanong ko.

"Anong bakit? Hindi mo ba napapansin 'yang ginagawa mo? 'Yang hot chocolate drinks mo, malamig na. Tapos 'yang marshmallows na nilagay mo, malamang lusaw na. Kanina ka pa halo nang halo, hindi mo naman iniinom," sermon niya. "Okay ka lang ba? Lutang na lutang ka, girl!"

Walang pakundangan kong ininom ang chocolate drinks na hawak ko. Tama siya, malamig na nga halos ito at hindi na nakakapaso ang init. Maging ang marshmallows na nasa ibabaw nito ay wala na rin.

Tumango ako. "O-oo. Ayos lang ako. Nagme-memorize lang ng kotoga(words)," pagsisinungaling ko.

Mataman niya akong tiningnan na parang inaaral ang inaasta ko. I remained poker face. Patay-malisya sa lungkot at problema.

"May problema ba kayo ni Haru?" kapagkuwa'y tanong niya.

"S-si Haru? W-wala. Okay lang kami," pagsisunungaling ko ulit. "Bakit mo pala natanong?"

"Hindi na kasi siya dumadalaw dito lately gaya ng dati," tugon niya bago sumimsim na kape.

"B-busy lang siguro siya. Last week kasi dumating ang mga ibang board members sa language center. Isa pa, kasama siya ng ilang handler sa pagsasaayos ng papers ng mga qualified na applicants," tugon ko.

Again and again, I lied. Dahil wala na akong alam sa current situation niya ngayon. We never talked anymore since the last time we ate together in Tokyo Kitchen. Nakakainis pero nakaka-miss. Pero mas nakakainis pa rin.

"Gano'n ba? E paano 'yong usapan niyong sasamahan ka niyang magpa-check up? Bukas na 'yon 'di ba?"

"Oo nga pala." Umarko ang aking bibig. "Ako na lang mag-isa ang pupunta bukas para magpa-check up."

"Hindi mo man lang ba siya sasabihan?"

Hindi ako umimik. Nang tingnan ko siya'y abala lang siyang kumakain at mukhang wala na lang sa kanya ang pagtatanong niyang 'yon. Hindi na rin kasi siya muling nagtanong nang hindi ako sumagot.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon