38

38 3 0
                                    


I LOVE you, Haru!

Napaiyak na naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Maalang ilang beses ko na ring sinasabi 'yan sa kanya noon, pero panay yakap at halik lamang ang kanyang tinutugon. Hindi ko inaasahang sasabihin na niya 'to ngayon sa akin. Ang saya sa pakiramdam na marinig muli iyon sa kanya, pagkatapos ng limang taon.

Naglakad siya papunta sa aking harapan at pinahid ang aking mga luha. "I never loved Satsuki, or any woman whom I flirted with. Sinubukan ko namang ibaling sa kanila 'yong pagtingin ko, pero isang tao lang talaga yata 'yong kaya kong mahalin. Or I should say, I never unloved her." Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Ngayong bumalik na siya, hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba. So I cleared everything between me with Sat, to fix us. And when I was about to visit you at your apartment, sabi ni Charee, umuwi ka na raw ng probinsya. Iniwan mo na naman ako, Maggie."

He touched my cheek. "But I will still chase you. And I am here again, Maggie, because I love you." Tumalungko siya at inilapat ang tenga sa mismong tiyan ko. "Baby... I'm sorry for hurting your mom's feeling. Hindi na 'yon mauulit, because I promise that I'll be the best father of yours," bahagya niya akong tiningala, "and husband to your mom. Aalagaan ko kayong dalawa."

He planted a tiny kiss on my tummy. Naiyak ako lalo. I can see him as a good father someday para sa magiging anak namin.

Tumayo siya at ginagap ang aking mga kamay. He also planted a kiss there. Kung hindi pa siya suminghot ay hindi ko pa malalamang umiiyak din pala siya. Pero mabilis niyang tinuyo ang mga luha na tila ayaw ipakita sa akin.

"Anong iniiyak-iyak mo riyan, Matsumoto?" mataray na tanong ko.

Ngumiti siya. "Masaya lang akong maging ama ng anak natin." Pinagdikit niya ang aming mga noo. "I know I did hurt you a lot, koibito. But my biggest mistake there was when I didn't labelled our relationship. Kasi nakatatak ako sa iba, na dapat ay para sa'yo. Alam ko, mahirap patawarin ang ginawa kong kasalanan, but I'm willing to do everything. Handa akong ligawan ka araw-araw, kahit pa mag-asawa na tayo."

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. May dinukot siyang maliit na crystal-like box at lumuhod mismo sa harapan ko. Nagmistulang faucet na naman ang mga mata ko sa pag-iyak.

"I'll give you what I thought you deserve." He opened the box. "Maggie-chan, kekkonshite kuremasen ka?(Will you marry me, Maggie?)"

Halos hindi ko na siya maaninag sa sobrang labo ng mga mata ko dahil sa walang sawang pag-iyak. Pero tumango pa rin ako. "Hai, anato wo kekkonshite, Haru-kun.(Yes, I will marry you, Haru.)"

Isinuot niya sa akin ang singsing. Kuminang ang dyamante sa gitna nito nang maitapat sa araw. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you, Maggie," anas niya sa tenga ko.

Gumanti ako ng yakap. Gusto kong kurutin at sampalin ang sarili ko para alamin kung nananaginip ba ako o hindi. Naririnig ko siya nang malinaw, pero parang ayaw kong maniwala. Para akong natutulog sa ulap at nananaginip nang ganito kagandang scenario.

"Ba't walang sagot?" tanong niya saka tumingin sa akin. Nakalabi siya at mukhang nagtatampo. "Hindi mo na ba ako mahal?"

Tinawanan ko ang sinabi niya. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang sinasabihan mo na ako ng ganyan ngayon. Iniisip ko tuloy na panaginip lang lahat 'to. Tapos nag-propose ka pa sa'kin." Muli kong sinulyapan ang singsing sa daliri ko.

Ikinulong niya ang aking mukha sa kanyang mga palad at ginawaran ako nang maiksi ngunit marubdob na halik. "Naniniwala ka na?" Muli niya akong hinalikan. "I love you."

Napangiti ako nang biglang may tagpong bumalik sa aking ala-ala. "Ayoko ng English. Gusto kong sabihin mo 'yon gaya ng una mong pagsabi sa akin noong nanliligaw ka pa lang."

Kumunot-noo siya at napailing. "You mean, the Tagalog one of old school Haru?"

"Oo."

Nahihiwagaang tumingin muna siya sa akin nang ilang segundo bago pumayag. "Okay, kung 'yan ang way mo ng paglilihi, pagbibigyan kita." Tumikhim siya. "Maggie-chan, m-mahar ki-ta... D-did I make it right?"

Natuwa ako sa ginawa niya. It was like throwing back myself to the old Haru-kun. Iyong minahal ko limang taon na ang nakalipas. Dejavu. Because I'm loving him again, like the way I did before. Sabi nga, love is lovelier, the second time around. At hindi ako tututol diyan.

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. "I love you too, Haru-kun!"

Ramdam ko ang paghalik niya sa aking bumbunan at pagyakap niya sa akin nang mas mahigpit. Tila takot na mawala akong muli.

"Kaya lang may problema, Haru."

Hinuli niya ang aking paningin. "What is it?"

"Hindi ko pa nasasabi kina mama ang tungkol sa bata. Natatakot kasi ako na baka magalit sila. Lalo na pag nalaman nilang iyon talaga ang dahilan kaya ako nag-drop out sa center."

Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla sa aking buhok na tumatabing sa mukha ko. "You don't have to worry about it anymore, Maggie. Nandito ako, ako ang haharap sa kanila. Come what may, I'm not going to neglect you. Kasama mo 'ko." He kissed me in my forehead.

Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at muling umiyak. Tears of joy, kasi nandito na sa wakas ang lalaking pakakaramdaman ko ng security at peace, kasama ng matinding love. Pinaghiwalay kami nang matagal, pero muling pinagtagpo. At para sa akin, iyon talaga ang true love.

Dikit na dikit ang aming katawan sa isa't-isa kaya naman hindi maiwasang makaramdam ako ng kung anong matigas na bagay na bumundol sa aking puson. Napailing ako nang palihim.

"Haru..." pananaway ko.

"Hmm?" He sounds innocent.

"Nakaisang anak ka na. Magtigil ka riyan!"

Segundo muna bago siya natawa sa sinabi ko. "Pwede pa 'yan, koibito. Marami naman akong napapanood na---"

"Haru!" Tiningala ko siya at pinaningkitan ng mga mata.

Naughty!

He grins and giggle at the same time. Saka niya ako niyakap nang mas mahigpit, like there was no tomorrow between us.


Chapter 38 ends here. Thank you for your undying love!

Haru-kun and Maggie-chan are now signing-off...

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon