12

22 3 0
                                    


ITINAPAT KO sa direksyon niya ang hawak kong suklay na para bang isang punyal. "Sige, subukan mong lumapit. S-sisigaw ako," pagbabanta ko.

"I guess it would be more interesting." He chuckled. "'Tsaka ayaw mo ba no'n? At least kung maghihinala man sila, may katotohanan na."

Dumoble pa ang kaba ko nang makitang lumamlam na ang kanyang mga mata at sumeryoso ang mukha niya. Umasta pa siyang kumambyo. Ramdam ko namang pinamumulaan na ako ng mukha. Umatras ako pero isang amplifier ang bumalakid sa akin kaya wala rin akong ibang mapuntahan.

"I-isa! Haru! Isa!"

Hindi pa rin siya humihinto kaya, "d-dalawa!" dagdag ko.

Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Napapikit ako nang mariin nang makitang inilalapit na niya ang mukha sa direksyon ko.

Nagsisisigaw na ako sa isip at humihingi ng saklolo sa kung sinumang taong pumasok sa isipan ko. Natigil lang ito nang narinig ko siyang pumalatak ng tawa. Nagmulat ako ng mga mata, kasabay ng pagmulat sa katotohanang pina-prank na naman pala niya ako.

"I love it when you blushed like a tomato, Maggie," natatawa pa ring komento niya.

Umismid ako at inirapan siya. Aalis na sana ako nang bigla naman akong harangin ng mga bisig niya.

"Bitiwan mo nga 'ko," angal ko at nagpumiglas.

"Hey! Sorry na, nagbibiro lang naman ako," nakalabing turan niya pero halatang natatawa pa rin.

"Nagbibiro? Nagbibiro mo mukha mo!" singhal ko sa kanya.

Pero sa halip na matauhan ay lalo lang siyang natawa. Sinuntok-suntok ko ang kanyang malapad at matigas na dibdib bilang ganti at pampawi na rin sa pagkapahiyang naramdaman ko.

Mukhang hindi naman siya nasaktan, sa halip ay hinuli pa niya ang dalawang kamay ko at hinawakan nang mahigpit sa bisig upang pigilang masuntok ko siya uli. Ang labi ko naman ang sunod hinuli niya at marubdob akong hinalikan.

Dinala niya ang mga kamay ko sa kanyang leeg at kusa itong pumulupot roon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking bewang saka ito hinapit papalapit sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay unti-unting bumabaw ang paghalik niya hanggang sa tuluyan nang paghiwalayin ang aming mga labi. Nahagip ko pa ng tingin ang pagngiti niya bago ako yakapin nang mahigpit. Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya at napapikit kasabay ng pagdinig sa tibok ng kanyang pusong mistulang musika sa aking tenga. Ngunit kaagad ding nagmulat nang maalalang dapat na nga pala akong umalis na office nila para pumasok sa klase.

Kumalas ako at tiningala siya ng tingin. Sumalubong sa akin ang namumungay niyang mga mata. Balak pa atang matulog sa bumbunan ko.

"K-kailangan ko nang pumasok."

Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako nang makitang nabahiran ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Kaagad din kasi 'yong nawala at naging blanko na lamang. Pero isang buntong-hininga ang pinakawalan niya pagkatapos.

"Okay. Ingat ka, ha." Dinampian niya ako ng halik sa labi.

Bago ako lumabas ng office ay muli ko siyang sinulyapan. Tinanguan niya ako at nginitian habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Tuluyan ko nang isinara ang pinto.

Hindi pa rin maalis ang nakapaskil na ngiti sa'king mga labi habang naglalakad kaya hindi ko na napansin ang taong nakasalubong ko at nabundol na ang kanyang malapad na katawan. Buti na lang at nakabalanse agad ako kaya hindi ako nabuwal sa sahig.

Matangkad ito kaya kailangang medyo tingalain para makita ang mukha niya. Batid kong magkasing-taas lang sila ni Haru, porsela rin ang kulay ng balat, at parehong walang eyelids ang mga mata. Kaya nakasisiguro akong isa rin siyang Hapon.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon