28

21 1 3
                                    


MISTULA AKONG napako sa kinauupuan matapos marinig ang pangalan ng evaluator. Mas dumoble ang pagtibok ng puso ko kaysa sa karaniwan. Nagsimula na namang mamawis ang aking mga palad.

"The board members are coming. If I were not mistaken, they're on their plane as of the moment." I remembered Akiyo's statement to Haru when I last saw him. "Including Satsuki."

Naalala ko, Satsuki was the one who changed Haru's mood in just a blink. Who really is she to him?

"Rei!" sigaw ni Gil bilang hudyat para sa aming pagsigaw. "Sensei! Ohayou gozaimasu!(Good morning, teachers)" sabay-sabay naming bati.

Si Avie-sensei na ang nagpaupo sa amin. Agad kong pinunasan ng panyo ang namamawis kong mga kamay. Bakit naman kasi ako kinakabahan nang ganito? Dahil ba sa mai-evaluate na kami?

Hindi pa nag-iinit ang aking puwet sa pagkakaupo nang ituro ako bigla nitong si Satsuki-sensei. Halos nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

"Anata! Tatte kudasai(You! Please stand up)!" she commanded with authority.

Tumalima ako. Ramdam ko ang panunuyo ng aking mga bibig. Kung wala siguro akong ipinahid ba lipbalm ay siguradong namumuti na ito dahil sa kabang aking nararamdaman.

"Mou kekkonshite imasu ka?(Are you already married?)"

"I-iie, sensei. Watashi wa dokushin desu.(No, sensei. I'm single.)" maagap kong tugon. Lihim akong napakunot-noo. Bakit parang may ibang nilalaman ang mga salitang binibigkas niya? O napa-paranoid lang ba ako?

"Hontou?(Really)" I wonder why sarcasm is in her voice's tune. "Jya, nansai desu ka?(Well, how old are you?)"

"W-watashi wa nijyuuni-sai desu, sensei.(I am twenty-two years old, teacher.)"

Tinaasan niya ako ng kilay pero agad din niya itong binaba na parang ayaw ipakita sa mga iba pang trainees na gano'n ang naging reaksyon niya. Pumihit na lamang siya at humarap sa pisara.

Naglibot ang aking tingin sa mga taong nasa paligid ko. Magkahati ang tuon ng kanilang atensyon. Ang iba ay kay sensei at ang iba ay sa akin, at ito ay may kasamang pag-aalinlangan at awa. Naramdaman ko pa ang pagpisil ni Desiree sa kamay ko bilang pagpapakita ng suporta.

"Magnolia-san..." she uttered, still facing the board. "Ima nanji desuka?"

Napalunok ako. Kung mayro'n mang pinaka-iiwasang tanong ang mga trainees, 'yon ay ang tungkol sa pagtukoy ng oras. Ito kasi ang pinaka-komplikado dahil bawat minuto ay may iba't-ibang termino sa salitang hapon. At hindi ito nakukuha sa minsanang memorization lang.

Tumingala ako sa orasan. Muling napalunok nang hindi na yata mabilang. Kapag ba hindi ko masagot nang tama ang tanong niyang ito ay bagsak na ako sa unang evaluation pa lang?

"I-ima...(As of the moment) hachi-ji...(eighth [of clock] )" I bit my lower lip. How can I not stutter in this kind of situation? Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya ang 'eight forty-eight o'clock'.

"You've reached this part of studying and had passed the proficiency test, but still don't even know how to tell time?" Her upper lip raised to show me some disgust.

Napayuko ako. Pilit kong kinakagat ang pang-ibabang bibig ko para pigilan ang napipintong pag-iyak. Nararamdaman ko ang simpatya ng mga nasa paligid ko, particularly kina Kara at Desiree. Hanggang sa muli na naman siyang nagsalita.

"O baka naman kasi sipsip ka sa isang sensei kaya nakakapasa ka pa rin kahit di ka nag-aaral. Well, I'm not pertaining to Haruki-sensei, but I guess--"

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon