34

18 2 0
                                    


"HARU-SAMA!" Akiyo's voice broke the silence. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang kanyang pagpasok. "What brought you here?"

"Liquor," tipid na sagot ko saka siya iniwasan ng tingin.

Naglakad siya papunta sa gawing kanan ko at sumandal sa pader nang patagilid habang nakahalukipkip. Nakaguhit sa mga labi niya ang ngising sa demonyo mo lang makikita.

"Mukhang problemado ang sensei na pinakatatakutan sa buong Language center, ah? Nawala na ba ang bagsik mo?" He chuckled. "Di mo naman sinabi na babae lang pala ang makakapagpahina sa'yo, kemono!(beast)"

Nagtagis ang aking mga bagang pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Naghahalo na ang sama ng loob at espiritu ng alak sa aking katawan. Anumang oras ay pwede ko siyang puruhan ng isang suntok na sa tinatawag niyang halimaw lamang niya matitikman. 

Napahawak siya sa kanyang baba na kuno ay nag-iisip. "Sinasaktan ka ng taong ayaw mong masaktan?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Ironic, isn't it?!"

Muli akong nagsalin ng alak sa kupita at mabilis na nilagok iyon nang hindi siya pinapansin.

"Sayang naman 'yong mga taong nilayuan mo para lang sa taong mas kusang lumayo sa'yo," dagdag pa niya. "Love isn't romantic Haru-kun," umiling siya,  "it's ironic!"

Tumiim-bagang ako. "You don't know what you are talking about, Akiyo," mariin pero kalmado kong tugon. "Ako ang unang nakasakit sa kanya kaya niya 'yon nagawa sa 'kin."

"See? Iniwan ka na't lahat, pinagtatanggol mo pa rin siya. You are already a martyr. " Tumawa siya nang pagak.

"Shut the fuck up, Akiyo! I told you, you don't know what you are talking about." Naikuyom ko ang aking kamao sa ibabaw ng mesa.

Tinawanan lang niya ako. "I can't believe that was you. Hindi ganyan 'yong Haru na nakakasalamuha ko araw-araw. You don't love, right?"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Mabilis akong tumayo at hinagip siya sa kwelyo ng suot niyang polo shirt. "I said shut up!"

Nagulat siya nang bahagya pero agad ring pinatigas ang ekspresyon. "Good thing you're guilty enough, Haru! Pinapa-alam ko lang naman sa'yo ang totoo e. Mabuti naman pala at alam mong ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya umalis si Magnolia-san."

Inalis niya ang kamay ko sa kanyang kwelyo at naglakad papunta sa kanyang sariling table. "Alam kong ang balitang nakarating sa'yo ay na-expel siya dahil sa pagkakaroon ng tatlong AWOL." Umagaw sa aking atensyon ang inilapag niyang folder sa ibabaw ng mini bar. "This is Avie-sensei's latest record. Take a look."

Tila robot na sumunod ang aking katawan. Kinuha ko ito at binuklat. Listahan ito ng klaseng hawak ni Avie-sensei, ang trainer nina Maggie. Una kong hinanap ang pangalan niya, may marka roon na kulay pula na nakasulat ay "dropped-out."

"See?" untag sa akin ni Akiyo. "Dropped-out!"

Dropped-out ang inilalagay sa record ng isang trainee kapag kusa itong umalis sa klase nang may paalam. Expelled naman kapag umabot na ito sa limitations of AWOL.

He tapped me on my shoulder, with a sarcastic smile. "Iniwan ka."

Pagkatapos no'n ay umalis na siya sa aking harapan. Narinig ko pa ang mga yabag niyang lumabas, hanggang sa tuluyan nang namayani ang katahimikan sa buong paligid.

Parang nanghina pa ako nang husto dahil do'n. Wala sa sarili kong napaupo ako sa metal stool at isinubsob ang mukha sa aking mga palad. Tumaas ang pagkakahawak ko ro'n hanggang buhok at napasabunot ako sa aking sarili. I saw Maggie's image in my thoughts. Her smiling face that turns to crying because of the pain she gained from me. It was all my fault! My stupid mistakes!

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon