07

41 4 4
                                    


HABOL-HABOL ko pa rin ang aking paghinga dahil sa pagtibok ng puso ko bunga ng matinding gulat at takot kanina. Hinarap ako ni Haru at nakita ako sa gano'ng ayos.

"Hey," natatawang bulalas niya. "Okay ka lang?" Hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos ang aking palad. "Palm sweating, again. Kinakabahan ka 'no?"

Binawi ko sa kanya ang kamay ko. Nagsalubong ang aking mga kilay at inirapan siya. "Sino naman ang  hindi kakabahan kung gano'n ang mangyayari sa'yo?"

Tinawanan niya ako ng pagak. "Naintindihan mo ba 'yong sinabi niya?"

Umiling ako bilang tugon.

"Oh, 'yon naman pala," aniya saka ngumiti ng tipid habang nakatingin sa 'kin.

That smile!

"A-ano ba kasi 'yong sinabi niya?" Tanong ko rito.

Humalukipkip siya at sumandal sa pader. "Sinabi lang naman niya na bawal ang ma-late dito sa school. Isa kasi 'yon sa mga rules na dapat sundin: ang bawal ma-late at dapat laging nasa oras. Ayaw na ayaw ng mga Hapon --namin-- ang Filipino Time, kasi first of all, hindi naman kami Pilipino."

"Tama pala si Xavier, bawal na bawal nga ang ma-late dito," mahinang komento ko.

"Xavier wa dare?" Kunot-noong tanong niya. (Who's Xavier?)

Umiling agad ako upang mailihis ang tanong niyang 'yon. "Eh pa'no na 'yan? Hindi na ba ako papapasukin doon?"

"Bakit naman hindi? Strikto lang 'yon pero maiwawaglit din no'n 'yong inis niya sa'yo," aniya. "Isa pa, wini-welcome lang niya kayong mga new students dito. Kumbaga sa programs ay nag-o-opening remarks lang siya."

Kahit nilulubag niya ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigil ang pagkaba ko mula pa kanina at tila libo-libong daga na yata ang nagsisitakbuhan sa aking dibdib.

Wala sa sariling nakagat ko ang dulo ng aking hintuturo habang iniisip kung ano ang hakbang na gagawin ko pagbalik sa room. Grabeng hiya ang naidulot nito sa 'kin. Kung totoo lang na lumalamon ang lupa ay kanina pa talaga ako nagpalamon para lang maglaho sa lugar at eksenang 'yon. Ang awkward. Nakakahiya sa mga kaklase ko, kay Avie-sensei, lalong-lalo na kay Haru, kahit pa sabihing siya ang tumulong sa akin.

Nahinto ako sa pag-iisip nang maagaw ng aking atensyon ang pag-galaw ni Haru. Nakita kong tumindig siya nang maayos mula sa pagkakasandal niya sa pader. Mas nilapitan niya pa ako at walang pasabing inalis ang kamay ko mula sa 'king bibig.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod pang nangyari. Bigla na lamang niya akong siniil ng isang banayad na halik.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Gustuhin ko man siyang itulak ngunit nag-mistula namang wala akong lakas sa mga oras na 'yon. Nanatiling nakadatay na lamang sa kanyang matikas na dibdib ang aking mga palad na ipantutulak ko sana sa kanya. Hindi naglipat-sandali ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon na rin pala sa halik niyang 'yon.

Pakiramdam ko ay mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Daan-daang djembe na yata ang sabay-sabay na hinahampas sa dibdib ko. Nararamdaman kaya niya ito sa bahagyang pagkakadikit ng aming mga katawan?

Parehong habol ang mga hininga nang matapos ang halik na 'yon. Agad akong umatras at inayos ang aking sarili. Mas naging awkward na yata ang sitwasyon namin ngayon.

"Okay ka na? Wag ka nang kabahan, ha?" Malumanay na sambit niya. Gamit ang kanyang dalawang hinlalaki ay hinimas niya ang aking noo at tila minasahe ito. "Huwag ka nang mangunot-noo, tatanda ka niyan, sige ka."

Tumango na lang ako at ngumiti nang bahagya. Kung alam lang sana niyang mas dumoble pa ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang paghalik.

Hinawakan muna niya ako sa magkabilang balikat, sunod ay sa 'king baba saka bahagya itong itaas at napatingala ako sa kanyang gwapong mukha. Ano 'to, hahalikan na naman ba niya ako?

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon