19

23 3 0
                                    


SA AMUSEMENT PARK ako dinala ni Haru. Parang mga batang naglaro kami sa iba't-ibang claw machines doon kahit pa madalas siyang talo at hindi makakuha ng stuffed toys. Hindi rin namin pinalampas ang pagsakay sa Ferris wheel na sobrang na-enjoy ko since first time ko ang pagsakay roon.

Nga lamang ay mas maraming oras na kumakain ako dahil ako naman 'tong madalas na nagugutom sa aming dalawa. Mabuti't hindi naman siya nagrereklamo at mukhang natutuwa pa ngang binibilhan ako ng mga pagkain.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya nang nasa baywalk na kami at kagagaling lang sa nasabing pasyalan.

"Oo. Sobra nga e. Thank you, Haru," tugon ko habang kumakain ng tempura na sinadya kong itabi kanina habang nasa restaurant kami. Nakalagay ito sa paper bento box kasama ng sour cream sauce na trip ko lang ding gawing sawsawan dito.

Ngumiti siya na mas nakapagpa-gwapo sa kanya. "Congratulations ulit, Maggie."

"Salamat." Akmang isusubo ko na naman sana ang hipon nang bigla niyang hinawakan ang aking bisig para pigilan ako sa pagsubo at ang kanyang mga labi ang ipinamalit doon. Maikli lang ang halik na 'yon ngunit marubdob. Saka niya pinagdikit ang aming mga noo at doon pinagmasdan ang aking mukha.

Iyon nga lang ay naputol ang nasabing 'moment' namin nang biglang tumunog ang cellphone sa loob ng dala kong bag. Bahagya niyang inilayo ang mukha at ngumiti na lang. Magkahalong ngiti at ngiwi naman ang itinugon ko at humingi ng pasensiya rito.

Pangalan ni Charee ang rumehistro sa screen nang tingnan ko 'yon. Maalalang nakailang missed calls na rin siya kagabi, pati na sina Kara at Desiree, pero hinayaan ko na lang din.

"Hello, Charee," panimula ko sa nasa kabilang linya. Nagkatinginan kami ni Haru pagkatapos, pero wala naman siyang naging reaksyon dito.

"Hello, Maggie? May balak ka pa bang umuwi?" sarkastikong tanong niya.

"Pasensiya na, hindi ako nakapag-paalam sa'yo kagabi na nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko." Narinig kong napabuntong-hininga si Haru kaya hindi ko na siya sinulyapan pa dahil na rin sa guilt na aking naramdaman.

"O siya! Wala na akong pakialam kung saang kama ka man natulog kagabi. Pero kailangan mo nang umuwi ngayon din. May mahalaga akong sasabihin sa'yo." Iyon lang at pinutol na niya ang linya.

Lumabi ako nang hindi na siya sumagot nang muli ko siyang tinawagan kaya wala akong nagawa kundi ibalik na lang ang cellphone sa loob ng bag ko. Ako naman ang bumuntong-hininga saka nagpatuloy sa pagkain.

"What did she say? Pinapauwi ka na ba?" tanong niya kapagkuwan.

Tumango ako. "Sorry, ha. Pero may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin, e."

"Sige. Ihahatid na kita kung gayon."

"H-hindi ka galit?" Napa-angat ako ng tingin sa kanya at mukha ngang hindi naman. Wala rin iyon sa tono ng kanyang pananalita kanina.

Bahagyang nangunot ang kanyang noo ngunit agad din naman iyong napawi. "Hindi. Magkikita pa naman tayo sa language center bukas, di ba? Isa pa, pwede naman natin 'tong ulitin kung sakali mang nami-miss mo."

Alam kong pinamulaan ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Isang pruweba ay napangisi siya nang mangyari 'yon at pinisil ang tungki ng aking ilong na parang isang button.

"Sa sasakyan mo na ubusin 'yan. Halika na," aniya saka naunang tumayo.

Nang sumunod ako'y mabilis niyang hinapit ang aking baywang at hawak niya 'yon habang naglalakad kami patungo sa kanyang kotse. Hindi kasi niya mahawakan ang kamay ko dahil hawak ko ang bento at tempura, at hindi ko rin inasahang gagawan pa rin niya ng paraang mahawakan ako habang naglalakad kami.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon