06

40 4 2
                                    


"WHATEVER HAPPENS, promise me that you'll keep holdin' on. Wait for me, koibito. I'll be back. I love you."

Isang linggo na ang lumipas mula nang makaalis ng Pilipinas si Haru, pero tila umaalingawngaw pa rin sa aking pandinig ang kanyang mga huling salitang sinabi. Ilang araw din akong umiyak sa pangungulila nang husto sa kanya, na bagama't nakakausap ko pa rin naman siya through video calls, pero hindi pa rin sapat iyon. Maging siya ay gano'n din ang nararamdaman.

Gabi-gabi kung mag-usap kami sa chats o tawag man. Hindi naman nagkaka-problema sa oras dahil mas nauuna lang pala ng isang oras ang bansang Hapon kaysa sa Pilipinas. Wala akong hindi ina-update sa kanya. Lahat ay ipinapa-alam ko at ipinagpa-paalam ko, at gano'n din siya sa akin.

Gano'n ang naging ganap sa amin sa loob ng dalawang linggo, ngunit lahat ng ito ay bigla na lamang nagbago sa pangatlong linggo na niya sa Japan.

Madalas na siyang hindi nakakapag-log in sa kanyang social media accounts. Kung logged in man, halos tipid lamang na salita ang kanyang inire-reply sa akin. Madalang na rin ang aming pag-uusap sa video calls at minsan pa nga'y hindi na ito nagtatagal ng kahit sampung minuto lang. Dahil mag-iisang linggong nasa gano'ng kalagayan na ang aming relasyon ay minabuti kong komprontahin na siya, pero wala daw akong dapat na ipag-alala tungkol dito. Ayos lang daw ang lahat sa kanya, sa amin, at wala daw dapat akong alalahanin.

Sunod na kinausap ko si Nanay Lucia sa pamamagitan ng video call sa Facebook Messenger.

"Bakit? Ano bang sinabi sa'yo ni Haru?" Naaalala kong tanong niya sa akin habang nagtutupi ng damit sa hinuha ko ay kwarto niya.

Umiling lang ako at iniiwas ng tingin ang noo'y namumugto kong mga mata.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa. "Alam kong medyo lumalabo na ang relasyon niyo. Kahit hindi niyo sabihin ay iyon ang nakikita ko base sa kinikilos niyong dalawa."

Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. "P-paano niyo po nasabi?"

She took a deep breath, and stare me with a long face. I can see pity in her eyes. "Narinig ko ang usapan nila ng daddy niya no'ng isang linggo, 'nak. Ito na mismo ang nagpasyang hindi na babalik si Haru diyan sa Pilipinas. Siya na raw kasi ang mamamahala sa business nila kaya dito na siya magpapatuloy sa pag-aaral. Pero alam kong ginagawan na ni Haru 'yan ng paraan para makabalik ulit diyan at magkita kayo," mahabang litanya niya at pilit na pinasigla ang boses sa huling sanaysay na sinabi.

Pero kahit gano'n ang ginawa niya ay hindi pa rin nalubag ang aking kalooban. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong humihikbing muli kahit pa halos katatapos ko lang umiyak.

"Maggie..." Anas niya at nahihimigan sa tono ng kanyang boses ang magkahalong lungkot at awa. "Kilala ko si Haru. Alam kong abala na 'yon sa pagkukumbinsi sa otousan (father) niya na magbagong-isip. Huwag mong isipin na wala ng pag-asa, anak. Meron 'yan. Babalik siya, hintayin mo lang at magtiwala ka."

Tumango ako at pinakibot ang aking bibig at labi. "Opo, 'nay. Salamat po," tugon kong halos labas na lamang iyon sa ilong.

Natapos ang aming pag-uusap. Nang gabing iyon din ay hinintay ko si Haru na mag-chat sa akin, pero nabigo lang ako. Nabibilang na lamang sa daliri ang pag-uusap naming dalawa sa loob ng isang linggo.

HINAYAAN KONG lumipas ang mga araw na nasa gano'n kaming sitwasyon ni Haru. Hindi ko na rin mabilang ang mga gabing iniyakan ko siya nang husto dahil sa mga nangyayari.

Kapag nagkakausap kami ay palagi niyang sinasabi na huwag daw akong sumuko. Magiging maayos din daw ang lahat, pagdating ng tamang panahon. Pero alam kong nabubuo na lamang ang mga salitang 'yon sa loob ng chatbox sa messenger. Mga titik na pinagsama sa loob ng speech baloon, pero wala na ang tunay na kahulugan nito.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon