25

22 2 0
                                    


"HARU..." Lumabi ako sabay sa pagpatong ng pisngi sa shoulder blade niya. Sobrang nagi-guilty ako sa nangyari kaninang hindi pagkain sa pinagpaguran niyang lutuing ulam. Gustuhin ko man kasi'y ayaw namang makisama ng aking pang-amoy at sikmura.

Lumingon siya at agad na lumamlam ang mga mata saka ako inakbayan. "Still guilty for what happened?"

Tumango ako na agad niyang tinawanan nang pagak.

"I've told you, it's okay. Hindi naman kita masisisi kung hindi umaayon sa mood taste mo ngayon ang Sinigang."

Umayos ako ng upo para matingnan siya nang maayos. "Pero niluto mo pa rin 'yon, e. Nag-effort ka ro'n, tapos hindi ko man lang nakain."

He smiled at tinuwid ang pagkakakunot ng aking noo gamit ang kanyang dalawang hinlalaki. "I will cook for you again next time. O kahit araw-araw pa nga, gagawin ko kung gusto mo. So you don't have to worry and be guilty about it. It's okay, Maggie," malambing na anas niya.

"Hindi ka galit?" paninigurado ko.

"Nah," mabilis na tugon niya na sinabayan ng maiksing iling.

"Promise?" Bahagyang itinaas ko pa ang isang kamay na nakaunat ang palad.

Ginaya naman niya ang gesture ko. "Promise."

And that hand of him went to my chin to lift it up a bit. He moved closer towards me and was about to kiss me when suddenly the door opened widely. Iniluwa niyon si Charee na kagagaling lang sa trabaho.

"Good evening, people--- oops! Sorry!"

Nginitian siya ni Haru saka tinutup ang sarili nitong bibig. Ako naman ay matalim siyang tiningnan. Nag-peace sign siya habang nakangiwi.

"No, it's okay!" Si Haru agad. "Nag-uusap lang din naman talaga kami." Ramdam ko ang kamay niyang umakbay sa akin.

"B-babawi na lang ako. Sagot ko na ang ulam natin ngayon, tutal payday naman namin kanina." Inilapag niya ang ilang dala sa lamesa sa sala. "Sige, alis na ako, ha. Be right back!"

Hindi na niya kami hinintay na tumugon. Mabilis siyang tumalilis palabas na tila napapaso sa apartment. Hanggang sa kami na lang ulit ni Haru ang naiwan sa loob.

Tumayo siya at tinungo ang nakabukas na sliding window. Sinilip niya mula roon ang pinsan ko. Sumunod naman ako pero tumayo lamang sa kanyang likuran.

"Wala na ba siya?" tanong ko.

Pumihit siya paharap at sumandal sa bintana saka ibinulsa ang dalawang kamay. "What makes you think na siya ang dinudungaw ko?"

"B-baka naninigurado kang wala na siya," wika ko sabay kibit-balikat.

"That might be the one. But the real thing is, I found it the perfect place to do this." He kissed me surprisingly. His hands were still both inside his pockets, and mine was on my chest. And the kiss went deeper but remained passionate as it is.

"Kanina pa tayo nandito, ba't ngayon mo lang 'to ginawa?" seryosong tanong ko nang magkahiwalay na ang aming mga labi.

Napa-facepalm siya. "Here we go, again." He removed his hands and look directly at me. "Ilang beses mo na 'kong sinusungitan ngayong araw na 'to. Tapos maya-maya, manglalambing ka ulit."

Tinulisan ko siya ng nguso saka iniwasan ng tingin. Totoo naman 'yong sinabi niya. Basta may oras lang na nakakairita siya, minsan naman hindi na. Hindi ko alam pero minsan kaya siya nakakairita kasi ang gwapo niya.

Sumulyap siya sa labas bintana bago nagsalita. "Nandiyan na siya." Muli siyang sumandal sa paladpad nito at humalukipkip.

Hindi nga naglipat-sandali ay nariyan na si Charee at nagdadadaldal ulit.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon