01

166 8 3
                                    

"MAG-IINGAT KA DIYAN, anak ha. Ngayon ka lang napalayo sa amin ng tatay mo kaya mami-miss ka rin namin. Lalo kapag nasa Japan ka na." Maluha-luhang sabi ni nanay habang nag-uusap kami sa video call. Kaninang umaga lang nang lumuwas ako papunta dito sa Maynila para nga mag-aral ng Japanese Language. Gusto kong makapag-Japan since palagi nilang sinasabing isa ito sa mga bansang malaki kung magpasahod dahil oras daw ang binabayaran. At isa sa mga requirements ang pag-aaral ng Japanese Language bago makapag-trabaho doon.

Ngumiti ako pero hindi na 'yon umabot pa sa mga mata ko. "Ano ka ba, nay! Kung matutuloy man ako, three years lang naman ang itatagal ko doon, tapos uuwi rin ako. Matagal kung iniisip niyo pero mabilis lang 'yon. Tsaka ginagawa ko naman 'to para sa inyo ni tatay."

"Sabi ko naman kasi sa'yo---"

"Nay..." Putol ko sa sasabihin niya. "Di ba po nag-usap na tayo noon tungkol dito. Magja-Japan ako, at final na 'yon."

Ngumiti siya nang pilit. "Basta mag-iingat ka diyan, Maggie, ha. 'Yong mga bilin ko sa'yo, alagaan mo rin 'yang sarili mo. Mami-miss ka namin, anak."

"Opo, nay. Maraming salamat po. Mami-miss ko rin kayo ni tatay. Mag-iingat din kayo, ha?"

Nagkaroon pa kami ng kaunting pag-uusap bago siya tuluyang magpaalam. Pinatay ko ang data ng cellphone ko at inilapag ito sa maliit na dining table ng apartment na inuupahan ng pinsan kong si Charee. Sales lady siya sa isang mall, at nakiusap akong dito na makikitira sa apartment niya at hati na lang kami sa bayad. Walking distance lang kasi ang Japanese Language School at apartment niya kaya good catch. Mabuti na lang at close kami kaya agad siyang pumayag.

"Si Tita Daisy?" Tanong ng boses mula sa 'king likuran. Si Charee nga.

Tumango ako bilang tugon.

Naupo siya sa kabisera at nangalumbaba. "Ewan ko ba kasi sa'yo, Maggie! Ang dami-dami-daming pwedeng mapapasukan sa probinsiya, sa Japan mo pa talaga gustong magtrabaho."

"Para mas malaki ang sahod. Isa pa gusto ko rin namang makapag-Japan dahil isa ang bansang 'yon sa mga nasa bucket list ko. Gusto kong makakita ng cherry blossoms in real life."

Tumaas ang isang kilay niya. "Weh? Cherry blossoms ba talaga?"

Kinunutan ko siya ng noo at hinayaang magtanong ang mga mata ko.

Umikot ang eyeballs niya. "Sus! Ang sabihin mo Magnolia, hindi cherry blossoms ang gusto mong makita do'n kundi 'yong ex mong hapon!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko si Haru, ang ex ko, mula nang plinano ko ang pag-aabroad. Kung hindi binanggit ni Charee ang pangalan niya ay hindi ko pa siya maaalala. "H-hindi. Wala na siya sa isip ko. Kung hindi mo nga siya binanggit, hindi ko na siya maaalala eh."

"Di ba si ano 'yon. Si... Ano na nga ulit pangalan no'n?"

"Haru. Haruki Matsumoto."

"Oh, akala ko ba hindi mo na naaalala?" Nag-smirk siya kasabay ng muling pagtaas ng kanyang kilay.

"Naaalala pa rin, pero hindi na gaya ng dati kaya wala nang epekto sa akin 'yon. Naka-move on na ako sa kanya, Charee, matagal na!" Seryosong tugon ko.

Kumibit-balikat siya. "Sabagay, ikaw nga pala 'tong hindi tumupad sa pangako niyo, kaya expected na nakalimutan mo nga siya,di ba?"

Tiningnan ko siya nang mataman. Hindi naman siya mukhang sarkastiko sa pagkakasabi no'n. Prangka lang kasi siya at minsan hindi siya aware na nakakasakit din ang mga sinasabi niya.

Nakakasakit?

Ah, nakakasakit kasi guilty ka.

Ipinilig ko agad ang aking ulo. Bumuntong-hininga ako pagkatapos. Mabuti na lang at tumayo ulit si Charee para tingnan ang kanyang niluluto kaya hindi niya narinig ang pagbuga ko ng hangin. Unexpected kasi na mababanggit niya si Haru.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon