36

26 3 0
                                    


MAGGIE CANLAS'S
Point of view

MABILIS kong isinuot ang maluwag kong damit nang marinig ang pagpihit ng seradura sa pintuan ng aking kwarto. Ang mabilis na tibok ng puso ko ay agad na napalitan ng ginhawa nang malamang hindi pala si mama ang pumasok, kundi si Lorren, ang pinsan ko.

Tumaas ang kilay niya nang makita ako. "Ayos ka lang?"

"Akala ko kasi---"

"Akala mo si Tita Mildred, 'no?" pagpapatuloy niya. Tiningnan ang kabuuan ko. "Kaya ba ang bilis mong mag-change outfit diyan?"

Kung may iba mang nakakaalam sa totoong kundisyon ko, siya 'yon. Hindi ko sinabi, kusa niyang nalaman nang makita akong nagbibihis at napansin ang kakaibang pag-umbok ng aking tiyan. Apat na buwan na kasi ito at kahit hindi pa gano'ng kalakihan ay mapapansing may kakatwa na itong hubog, lalo na sa mga katulad niyang may alam tungkol sa pregnancy since graduated naman siya sa kursong midwifery.

Ayaw kong aminin no'ng una dahil natatakot ako na baka iparating niya ito kay mama. Alam kong magagalit ang huli dahil una, hindi natuloy ang pagpunta ko ng Japan na siya sanang inaasahan nila sa akin. Pangawala, wala si Haru na susuporta sa amin ng bata. Dahil sa halip na ginhawa, ay panibagong problema na naman ang dala ko. Ang tanging alam lamang nila ay expelled na ako sa Language Center kaya ako umalis.

"Sensei..." maalala kong pag-agaw ko ng pansin kay Avie-sensei. Kyukei (recess) namin no'n at kasalukuyan naman siyang nagtse-check ng quiz paper namin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako ngitian. "Hai. Nandesuka, Magnolia-san?(Yes. What is it, Magnolia?)"

Pinagdikit ko ang aking mga bibig saka humingang malalim. "Aalis na po ako..."

Kumunot-noo siya ngunit nanatiling nakangiti. "A-anong ibig mong sabihin, Mag? Aalis ka, you mean lalabas ka--?"

"Magda-drop-out na po ako, sensei," putol ko.

"Ha? Bakit, may problema ka ba? May nang-away ba sa'yo? Pwede natin 'yang i-report kay sachou(president)." Saglit siyang natigilan. "O tungkol ba ito sa ginawa sa'yo ni Satsuki-sensei?"

Umiling ako bilang tugon. "Galing po kasi ako sa doctor no'ng isang araw. Ang sabi bawal daw po sa akin ang masyadong stress at pagpupuyat." Totoo 'yon, dahil medyo maselan raw ang aking pagbubuntis. "'A-anemic po kasi ako," pagsisinungaling ko na.

Bahagya siyang tumagilid upang humarap sa akin habang nilalaro sa kamay ang retractable red ballpen. "Sure ka na ba riyan? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

Doon tumulo ang luha ko. Gustong-gusto kong mag-abroad para makatulong sa pamilya. Pero anong magagawa ko kung nandito na ang bata sa sinapupunan ko? Isa pa'y kailangang maiwasan ko na si Haru bago pa niya malaman ang totoo. Siya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito. Siya at ang kanyang si Satsuki. At ayaw kong masira ang kung anumang meron sila dahil tiyak na panibagong gulo na naman kung sakali ang aabutin ko.

Pinahid ko ang aking mga luha at sapilitang ngumiti, saka tumango. Samantala ay tumayo naman si sensei upang yakapin ako nang mahigpit.

"I understand. Take a rest, Magnolia-san. Health first. Mami-miss ka namin dito," aniya.

Sunod na nag-paalam ako kina Kara at Desiree. Katulad ng kay sensei ay nag-iyakan rin kami at nagyakapan. Naging malungkot ang pag-alis, lalo pa't alam kong may maiiwan. Maiiwan ang aking puso sa lugar kung saan ito naging masaya. Maiiwan ito sa taong muling umangkin dito, ngunit siya ring nanglisan.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon