24

18 1 0
                                    


WALA SA SARILING natutup ko ang aking balakang at mapangiwi matapos pumanhik sa second floor ng school building. Bigla na lamang kasi akong nakaramdam ng sakit mula roon paakyat sa aking likod hanggang balikat, bagay na dati'y hindi ko naman nararamdaman.

Lumiyad at pinaglagutok ko na lang ang aking leeg, umaasang maiibsan no'n ang sakit. Ito siguro ang bunga ng madalas kong pagpupuyat at pagyuko habang nagbabasa ng modules.

"Daijubo desuka?" (Are you okay?) Narinig kong tanong mula sa'king likuran.

Halos mapatalon ako sa gulat at mabilis na pumihit paharap dito. It was Akiyo, Haru's friend. Nakasandal sa pader ang braso nito habang nakataas ang kilay na tila nahihiwagaang pinapasadahan ako ng tingin.

Tumango agad ako. "H-hai, Hinata-sama. Watashi wa daijubo desu." (Yes, Mr. Hinata. I am okay.)

Tumawa siya nang pagak. "Akiyo, that's what I want you to call me. Isa pa, ayos na ako sa Akiyo-kun. Masyadong pormal ang Akiyo-sama. You know I'm not my dad." Kumibit-balikat siya. "Anyway, pupuntahan mo ba si Haru?"

Muli akong tumango. "O-oo, sana."

"Douzo..." (Go ahead...) Inilahad niya ang kamay sa direksyon ng jimusho. "I'm giving you the privilege. Basta pakisabi na lang na huwag niyang aaraw-arawin, masakit kasi talaga 'yon sa balakang." Naglakad na siya paalis saka nilampasan ako. Nagawa pa niyang tapikin ako sa balikat saka tumawa nang sarkastiko.

Napapikit ako nang mariin saka napa-facepalm. Ano na naman bang iniisip no'n? Malisyoso!

Matapos ang ilang segundo saka ako umalis upang tunguhin ang office nina Haru. Wala na rin sa daan si Akiyo at hindi ko alam kung saang pintuan siya pumasok.

Tantiya ko'y limang hakbang na lang ang layo ko mula sa tapat ng office nang marinig ko ang malakas na boses ni Director Hinata mula sa loob, para siyang may pinapagalitan. Sisilip pa lang ako mula sa siwang ng nakabukas nilang bintana nang biglang may humigit sa 'king braso at hinila ako papasok sa isang pintuan.

"Aray! Ano ba--" Mabilis kong natikom ang bibig nang tumambad sa akin si Akiyo rin mismo. Nakakunot-noo pa ito bilang reaksyon sa ginawa kong pagsusungit sa kanya.

Mabilis kong itinuwid ang nakasalubong kong mga kilay. "A-Akiyo-kun! Bakit mo ako dinala rito?"

Binitawan din niya ang kamay ko sa wakas, saka niya tinungo ang isang swivel chair sa harap ng lamesa at naupo roon. "I gave you the privilege to go there, yes. But not now. As you've heard may pinapagalitan na naman si otousan (Father)."

Sumandal ito at ipinikit ang mga mata. "It's my own office, obviously," anito kahit di ko naman tinatanong. "Kung nauuhaw ka, may tubig ako riyan."

Inilibot ko ang tingin sa loob ng sinasabi niyang own office niya. Kung tutuusin ay hindi mo masasabing isa itong opisina dahil halos wala itong laman. May mga file cabinet pero puro one rim lang yata ng coupon bond ang nasa loob. May malaki siyang book shelf sa gilid at isang maliit sa tapat niya na naka-attached sa pader. Nga lamang ay hindi tungkol sa Nihongo ang mga ito kundi panay Science fiction ang genre nito. Kung may non-fiction man, tungkol naman ito sa Electronics.

Sa paglilibot ng aking mga mata'y muli itong dumako sa direksyon niya. Hindi na pala siya nakapikit gaya ng kanina, kundi dilat na dilat ito habang nakahalukipkip at matamang nakatingin sa akin.

Gaya ni Haru at ng iba pang mga Hapon ay malaki rin ang mga mata niya pero kakaunti ang eyelids. Porselana at makinis ang balat. Pero kung pagtatabihin sila ni Haru ay mas maputi ang huli kumpara dito. Parehong mukhang anime ang bahagyang matulis-tulis na buhok pero mas manipis ang sa kanya kaysa kay Haru. Higit sa lahat, malayong mas gwapo si Haru.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon