35

21 2 0
                                    

HALOS KALAMPAGIN ko na ang pintuan ng unit ni Satsuki sa lakas ng pagkaka-katok ko roon. Wala na akong pakialam kung nagagambala ko ang mga kapitbahay niya. Ramdam ko na ang dugo kong tila umakyat pataas sa aking ulo. Namamayani na ang galit sa buo kong damdamin.

Sa pangatlong beses na kinatok ko nang malakas ang pintuan niya ay saka lamang ito bumukas. Tumambad siya sa akin na nakasuot ng roba at pumapatak pa ang tubig mula sa kanyang buhok. Halatang nagmamadali itong lumabas galing banyo.

"Haru-kun!" Magkahalong gulat at tuwa ang rumehistro sa mukha niya. "You're here---"

Mabilis ko siyang dinakma sa leeg na nakapag-paatras sa kanya hanggang sa pader. Hawak niya ang kamay ko upang pigilan ang mahigpit na pagkakahawak roon. Nasasamid na rin siya at unti-unti nang nahihirapang huminga.

"What did you do to Maggie?" tanong ko sa pagitan ng sunod-sunod at mabibigat kong paghinga. Nandidilim na nang husto ang paningin ko sa kanya.

"H-Haru..." she utter between her choke.

"I said what did you do to Maggie!? Bakit mo siya pinahiya sa klase, ha!?" I shouted.

"H-Haru-kun... Haru, let m-me speak, please..."

Doon ko siya binitiwan, pero nananatiling nakakuyom nang mahigpit ang aking mga kamao.

"B-bakit mo ba pinagtatanggol 'yong babaeng 'yon, ha?" aniya sa pagitan ng pag-ubo. "Are you out of your mind---Ah!"

Halos mapatili siya sa gulat matapos kong suntukin ang pader na nasa mismong gilid ng mukha niya.

"Kisama!" sigaw ko sa mukha niya. "Anong karapatan mong gawin 'yon kay Maggie, ha!? You don't even have the right to enter the class without any permission from the director. Ang masahol, ginamit mo pa 'yong salitang 'assessment.' Do you have the right to assess them, Satsuki? Wala!"

Tumawa siya nang pagak sa pagitan ng takot na isinasaad ng kanyang ekspresyon. "Is that really you, Haru? Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa isang Pililina? At doon pa sa babaeng 'yon? She doesn't even know how to tell time in Nihongo. Baka gaijin!(stupid foreigner)" Umiling-iling siya.

"I don't care if she doesn't know about it. Dahil ako naman ang magbibigay ng oras sa kanya balang araw."

Manghang napatingin siya sa akin. "Really, Haru-kun? You're getting cringe." Umiling-iling siya. "At pinagtatanggol mo talaga 'yong Pilipina na 'yon? Akala ko ba ayaw mo sa mga katulad nila? You used to say that right? That you won't going to love one of them and hate them to the core. Kaya nga ikaw ang beast sa buong Language center dahil galit ka sa mga nagpapa-pansin sa'yong trainee."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ang pansamantalang katahimikang namagitan sa amin ang nagbigay daan sa akin upang balikan ang isang alaala. Alaalang nagpapatunay na lahat ng bagay ay may nakatagong dahilan.

"HARU-SENSEI..."

Nagsalubong ang aking mga kilay saka nag-angat ng tingin mula sa babaeng nagsalita. Mag-isa ko na lang no'n sa office nang pumasok siya. Isa siya sa mga Pilipinang Sensei dito sa Language Center, na madalas kong mahuling nakatingin sa akin.

"K-konnichiwa!(good afternoon)" bati niya saka yumukod.

"Nani?" tanong kong hindi binago ang ekspresyon.

Ngumiti siya nang alanganin. Nahihiya, saka dahan-dahang inilabas mula sa likod ang isang munting kahon ng regalo.

"F-for you, Haru-sensei." Nahihiyang iniabot niya ito sa akin.

"Para saan 'yan? Sumisipsip ka ba sa'kin? Wag ako, doon ka kay Akiyo-san magpapansin." Ibinalik ko ang tingin sa binabasa kong Japanese book.

"H-hindi po, sensei. Para sa inyo po talaga 'yan---"

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon