02

84 5 2
                                    


"MAGGIE-SAN! Isshoni dansu wo shimasenka?" (Miss Maggie! Can we dance together?) Naglahad siya ng kamay sa akin si Haru na kaagad ko namang tinaggap.

Dinala niya ako sa isang dancefloor na may kadiliman at kaming dalawa lang ang naroroon. Nakangiti siya habang matamang nakatitig sa akin. Sinasalubong ko naman ang mga tinging iyon na tila isang malaking pagbitaw kung ibabaling ko ito sa iba.

Ginagap niya ang aking mga kamay at dinala ito sa kanyang magkabilang balikat. Pinagsalikop ko naman ito upang maiyakap sa kanyang leeg. Hinapit niya ako sa baywang dahilan upang magdikit ang aming mga katawan. Dahan-dahang sumunod sa mabagal na tugtog ng piano na umaalingaw-ngaw sa buong paligid.

"Dōshite machimasendeshitaka?" (Why you didn't wait for me?) Pausal na tanong niya, nahihimigan sa kanya ang lungkot at hinampo.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko inaasahang itatanong niya ito ngayon sa akin matapos ang matagal na panahong hindi kami nagkita. Hindi ko alam kung ano ang mas nakaiiging isasagot sa kanya, na hindi siya magagalit. Dahil alam kong gano'n ang magiging reaksyon niya kapag inamin kong hindi ako nagtiwala sa kanya noon kaya ko sinira ang pangako namin sa isa't-isa.

Pero pinagdikit niya ang aming mga noo kaya wala akong naging ibang choice kundi ang muling tumingin sa kanya.

"G-gomen nasai..." (I'm sorry...) Tanging salitang namutawi sa aking bibig.

"Dōshite?" Ulit niya. (Why?)

Naging paulit-ulit ito sa aking pandinig hanggang sa tuluyang nakakabingi. Tinakpan ko ang aking magkabilang tenga at napatalungko habang umaalingaw-ngaw pa rin ang huling sinabi niya.

"Yamete! Yamete kudasai, Haru!" (Stop! Please stop, Haru!) Mangiyak-iyak kong pagmamakaawa.

Pero hindi pa rin tumigil ang pag-echo nito sa paligid. "Dōshite? Dōshite? Dōshite..."

NAALIMPUNGATAN AKO matapos ang masamang panaginip na 'yon. Pumungas ako at nang masigurong panaginip lang ang lahat ay saka ako nakahinga ng maluwag.

Bumangon ako at inilibot ang tingin sa buong paligid. Puti ang kulay ng pintura ng mga pader. May kulay green na kurtina na tumatabing sa akin ngayon. Kumunot-noo ako. Hospital ba 'to? Hospital bed din kasi 'tong kinahihigaan ko ngayon.

Inalala ko ang huling nangyari kanina bago ako mawalan ng malay-tao. Si Haru! This time alam kong hindi na iyon isang panaginip lang. Nagkita nga kami ni Haru kanina.

Napatunayan kong muli ang lahat nang mula sa labas nitong kurtina ay dumungaw ang gwapong mukha niya. Napangiti siya nang makita ako.

"Mou okimashita ne! Daijubu desuka?" (You're already awakened! Are you okay?)

Tumango ako. "Un." (Yes. /simple or impolite form/)

Naupo siya sa paanan ko, sa gilid ng kama. "Ano ba kasing nangyari at bigla ka na lang nahimatay?"

Manghang napatingin ako sa kanya. Lihim akong napangiti dahil mas matatas na siyang managalog ngayon, kumpara noon na madalas ko pang tinatawanan ang pronunciations niya sa mga salitang Tagalog.

"Hindi ka naman ba kumain? O puyat ka na naman siguro?" Dugtong niya.

Naman? Hmm, dati ko nga pala 'yong ginagawa.

Umiling ako. "H-hindi. Pinaghandaan ko naman ang araw na 'to."

Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang pagkikita nating dalawa.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon