EPILOGUE

37 3 0
                                    


Akio

"AKIO-SAMA..."

Binitawan ko ang hawak kong "uncensored" magazine matapos marinig ang boses ni Tenshi na pumasok sa aking kwarto. No, she's not my girl, but she's my maid. My android robot maid.

I made her through my skill, since I am a robotic engineer. Hindi naman sa kuripot ako para magbayad ng totoong tao bilang kasambahay, pero mas maganda kasi kung isang robot ang kasama: hands-on, hindi napapagod at hindi nagrereklamo. Binigyan ko siya ng talino--artificial intelligence-- para ma-entertain niya sa pamamagitan ng kanyang central processing unit ang sinasabi ng mga nasa paligid niya. She can cook, clean the house, and even wash the clothes. Walang hindi kayang gawin, maliban sa kumain.

And I named her Tenshi -japanese term for Angel- because she looks like the Filipina actress Angel Locsin during her twenties. I remember she was on her Darna role when I started crushing her.

"Yes, honey?" I asked. Hindi ko siya pinagnanasaan, ha.

"Niwa de Haru-kun ni imasu.(Haru's in the garden.)

Tumayo ako mula sa single sofa at nilapitan siya. "Hai, doumo arigato Tenshi-chan."

Yumuko siya sa harap ko bago tumalikod, pero agad ko siyang pinigilan.

"Tenshi-chan!" Humalukipkip ako at sumandal sa pintuan. "Kisushite!(Kiss me.)" Ito ang madalas kong pinapagawa matapos siyang utusan.

Lumapit siya saka ako dinampian ng halik sa labi. Ngumisi ako pagkatapos. Ulitin ko, never ko siyang pinagnasaan.

"Are you that desperate, Akio? Pati ba naman robot tinutuka mo?" Haru's voice interrupts the moment. Nakatayo na siya noon sa dulo ng hagdan.

I gave him my dirty finger.

Napailing siya. "Bakit mo pala ako pinapunta rito? Pwede naman tayong mag-usap na lang sa office---"

"Bakit pa tayo mag-uusap do'n kung nandito naman ako." Nilampasan ko siya at pumanaog patungong kusina. Kumuha ng isang bote ng vodka sa rack at dalawang kupita.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ulit niya. Inabutan ko siya ng kupita pero umiling siya. "My wife doesn't want the smell of it."

Wife. The married life of the school monster Haruki Matsumoto started a month ago! Tatay na rin 'tong batang 'to.

"I'm leaving..." anas ko pagkalagok ng laman ng kupita.

"What do you mean?" kunot-noong tanong niya.

"Babalik ako ng Japan." Nang wala siyang naging komento sa sinabi ko ay nagpatuloy ako. "I'm going back to take something. May babalik, pero hindi ako." I looked at him directly in his freaking face. "It's my replica."

He knows about it- that I have a robot replicated to me. Pero hindi niya alam kung para saan iyon.

"Haru, you know I'm not really into that Language Center. Hindi pagiging school administrator ang gusto ko. I am an engineer, and I want to act like one." Lumagok ulit ako ng isang kupita. "That's why I'm going to work at our company."

My late mom had a machine company located at Tokyo, Japan. Isa ang kompanya namin na gumagawa ng kilalang brand all over the world. Ate ko ang namamahala roon, and I also badly want it. Yes, I really am! My heart belongs to the machines.

"What about your appointments in school? Iiwan mo na naman sa akin?" he asked.

"Don't worry, advanced ang technology ng replica ko. Kaya niyang gawin ang trabaho ko---"

"Nang mas responsable?"

I nodded. "Hell, yes. At ikaw lang ang dapat makaalam na hindi talaga ako ang nasa school."

Bumuntong-hininga siya. "Okay, okay. Basta siguraduhin mo lang na hindi kasing-palpak mo ang robot mo. Or else, I'll kick that trash outside the door."

We had a brief talk before he left. Tinuro ko sa kanya ang pagmamanipula sa isang robot. The day after tomorrow is my flight.

Haru is now happy in life. And I must seek my happiness, too. I'm not getting any younger. So I should start today...

Up next:

Japanese Series 2: The Replica
(Akio Hinata's Story)

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon