10

32 3 0
                                    


"HI, MAGNOLIA-SAN!"

Nag-angat ako ng tingin mula sa taong tumawag sa akin. Kaklase ko ito at kung hindi ako nagkakamali ay Desiree ang kanyang pangalan.

Tinugon ko siya ng ngiti lamang at hinintay na makalapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Recess namin sa umaga, pero ang nasabing oras ay iginugol ko na lang sa pag-a-advance reading ng Shin Nihongo no Kiso na kaka-released kanina lang.

"Kumusta ka naman? Ayos ka lang ba?" malumanay na tanong niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "O-oo naman. Bakit?"

Hinaplos niya ako sa kamay. "Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, medyo lutang ka. Kaya napaisip ako kung baka may problema ka rin kaya gano'n."

Tumawa ako nang maikli lamang, ngunit ang totoo'y ginawa ko na lang 'yon upang ikubli ang bahagyang pagkapahiya. Hindi ko naman kasi in-expect na medyo nagiging lutang na pala ako sa paningin nila. Kasalanan 'to ng Haru na 'yon.

"Wala naman. Nakaka-torete lang kasi ang mga Hapon--- I mean 'yong lengwahe ng mga Hapon. Gaya na lang nitong mga nakaraan na binigyan pa tayo ng vocabulary quizzes na ang hirap isaulo," litanya ko.

"Buti naman kung gano'n lang," tugon niya sa matamlay na tinig. Napansin ko rin sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Ikaw, Desiree-san? Ayos ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa balikat.

Umarko ang kanyang labi. "Medyo oo, medyo hindi rin. Kasalukuyan kasi akong nagdaranas ng mental breakdown."

"Bakit?" tanong ko sa nag-aalalang tinig, "ano bang nangyari?"

Umiling siya. "Wala. Usually nagkakaroon ako nito for no reasons. Bigla na lang akong mananamlay, hindi makatulog sa gabi, madaling mairita, mawawalan ng gana sa lahat ng bagay, at minsan gusto na lang mawala sa mundong ito, ora mismo."

"Bakit? Ang ibig kong sabihin, bakit mo 'yan nararamdaman?"

"Hindi ko alam, Magnolia. Basta nangyayari na lang nang walang pasabi, at kapag dumating ang panahong 'yon, hindi ito napipigilan." Lumingon siya sa akin nang dahan-dahan. Aminado akong medyo natakot ako sa inasta niyang 'yon dahil para siyang 'yong mga nasasapian sa horror movies. Idagdag pa na ngumiti rin siya sa 'kin nang dahan-dahan.

"Ayaw mo bang magpatingin sa mga specialist? Sa psychiatrist?" suhestiyon ko.

"Gusto, pero dapat kasama ko ang pamilya ko. Kasi gusto kong sila rin mismo ay maliwanagan sa kung anumang nangyayari sa akin, nang sa gayon ay hindi na nila ako husgahan ulit."

Blangko ang kanyang facial expression nang sinabi niya 'yon kaya hindi ko mawari kung ano ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan niya at bakit gano'n ang kanyang nasabi. May galit ba siya sa mga magulang niya, o sa kung sinuman sa mga ito? At bakit niya nabanggit na hinuhusgahan siya ng mga ito?

Naputol ang pagtakbo ng ibang haka-haka sa 'king diwa nang pumasok ang ilang mga kaklase namin at naglikha sila ng samu't-saring ingay. Nagpaalam na rin si Desiree na babalik na raw siya sa kanyang dating kinauupuan. Nag-iba ang awra niya at bahagya itong nagliwanag na parang hindi nito binitiwan ang ilang salitang binanggit kanina.

Kasunod ng tangong itinugon ko sa kanya ay isang kibit-balikat na lang para sa lahat ng aking mga walang katugunang katanungan.

          
       
"BUSY TAYO AH?"

Natigil sa ginagawa si Xavier matapos ko siyang tapunan ng isang tanong. Ibinaba niya ang hawak niyang DSLR camera na noon ay nakatapat sa kanyang mukha at sinulyapan ako.

"Amari (Not so)," nakangiting tugon niya.

Tinahak ko ang stepping stones papunta sa kanya na nasa gitna ng school mini garden. Ang Koi pond pala roon ang kinukunan niya ng larawan kanina.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon