21

22 1 0
                                    


"MAGANDANG UMAGA po sa inyo, Aling Vilma," lakas-loob na bati ko sa may-edad na landlady nang mabungaran namin ito sa labas ng bahay. Kusa na nga itong pumasok sa loob ng compound at heto na ngayon, naka-chin up habang pinapaypayan ang sarili.

Sinulyapan lang niya ako saka pairap na iniwas ang tingin. Sunod na dumako ang kanyang mga mata sa aking mga magulang. Inilahad nito ang palad tanda ng paghingi sa kanila ng kaukulang bayad ng upa.

"Hindi namin nabuo ang sixty thousand---"

"Sinasabi ko na nga ba't 'yan na naman ang lalabas sa bibig niyo ngayon," putol nito sa panimula sana ni papa. Itiniklop nito ang pamaypay at pinamaywangan sila.

Napatungo ang huli at hindi na rin muling nagsalita pa.

"Baka naman pwedeng tanggapin mo na lang ito, Vilma, bilang paunang bayad namin," pakiusap ni mama sa kanya sabay abot ng mahigit forty thousand pesos na pera.

Napailing ito. "Kung isang buwan lang sana ang utang ninyo, sige tatanggapin ko ang kakapiranggot na paunang bayad na sinasabi mo. Kaso apat na buwan na, Mildred, Abel. Apat na buwan!" anitong pinagdiinan pa ang huling sanaysay na binanggit. Iminuwestra rin nito ang apat na daliring may kanya-kanyang suot na singsing.

"Pinal na ang desisyon ko kahapon pa. Ngayong hindi kayo sumunod sa usapan," muli itong umiling, "wala akong magagawa kundi ang paalisin na kayo rito," seryosong saad nito.

Kinuha ko mula kay mama ang pera at pilit inabot sa kanya. "Aling Vilma, meron naman po kaming maibabayad. Kung gusto niyo po ihahabol na lang namin ang kulang sa mga susunod na araw, basta lang ho wag niyo kaming paalisin dito. Wala na po kasi kaming ibang matutuluyan."

Tumaas ang upper lip niya bunga ng disgust na naramdaman. Kinuha niya mula sa akin ang pera, hindi upang tuluyang tanggapin kundi, "aanhin ko 'to, ha? Ito ba ang napag-usapan natin kahapon?" Inihagis nito ang pera sa aking mismong mukha. Nalanghap ko ang naturang amoy nitong hindi kaaya-aya. Kung hindi ko lang na-kontrol ang sarili ko'y malamang ma naduwal na naman ako sa mismong harapan niya.

"At wala akong pakialam kung wala kayong ibang mapuntahan. Sana naisip niyo 'yan bago kayo pumalya sa pagbabayad sa akin," dagdag pa nito.

Dahan-dahan akong tumalungko upang pulutin ang mga perang nahulog sa lupa. Unti-unti na ring lumalabo ang aking paningin dahil sa luhang kasalukuyang tumutulo mula sa aking mga mata. Awang-awa na ako sa aking mga magulang, at sa sitwasyon namin ngayon. Saan na kami tutuloy nito?

"Sige, pulutin mo 'yang pera niyo! Dahil ito ang nababagay diyan" anang landlady saka tinapakan ang mga ito.

"Aling Vilma, wag naman po," pakiusap ko.

"Vilma, wag ka namang ganyan. Maling tinatapak-tapakan lang ang pera," saway ni papa rito pero nginisian lang siya nito.

"Dapat lang sa inyo 'yan. Ngayon, lumayas na kayo rito at gamitin niyo ang kakapiranggot na perang ito," aniyang tumaas ang boses at saka muling inapakan ang pera. Nadudumihan na ang mga ito ng putik mula sa kanyang suot na sandals.

"Aling Vilma, tama na po. Pera po 'yan," pagmamakaawa ko rito.

"Vilma, tama na!" narinig kong tinuran ni mama.

Sa sobrang inis ay hindi ko na napigilan ang sarili kong itulak siya palayo mula rito. Hindi naman siya nabuwal dahil maagap niyang nabalanse ang sarili.

"Sumusobra na po kayo," hindi ko napigilang isigaw dito pagkatayo. "Perang pinaghirapan po ng mga magulang ko ang inaapakan niyo."

"Bastos kang bata ka!" Kitang-kita sa mukha niya ang galit. Inalis niya mula sa balikat ang sabitan ng handbag at hinawakan ito sa magkabilang gilid. Alam kong ihahampas niya ito sa akin bilang ganti, pero bago pa man ako makailag ay napigilan na siya ng isang boses. Boses na nakapagpabilis agad ng tibok ng aking puso pagkarinig.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon