18

29 2 0
                                    


DAHAN-DAHAN kong inilapag sa study table ni Haru ang isang tasa ng white coffee. Napatigil siya ng pagtipa sa keyboard ng kanyang personal computer at napatingin doon. Sunod na narinig ko ay ang malalim niyang pagbuntong-hininga.

Sa unit na nga niya ako iniuwi kanina. Sa mga lumipas ding oras ay wala siyang ibang ginawa kundi ang suyuin ako. Pero sa halip na matuwa, o kiligin, ay tila nabagot pa ako at nakaramdam ng kaunting pagkainis dahil dito.

Nairita ako sa presensya niya. Nainis din ako sa mga ikinikilos niya kanina pa. Alam kong naramdaman niya ang pagiging iritable ko kaya bahagya siyang dumistansya sa akin. Pero kung kailan naman siya lumayo ay saka ko siya hinanap. Kaya naisipan ko siyang ipagtimpla ng kape para may dahilan akong pumanhik ngayon sa kwarto niya.

Tumikhim ako. "M-magkape ka muna."

Naisip kong baka may sama siya ng loob sa akin dahil sa inasta ko kanina kaya umalis na rin ako agad pagkasabi niyon. Kaso kakatalikod ko pa lang ay ginagap na niya ako sa bisig at hinila, dahilan upang mapakandong ako sa kanya sa pagkakaupo niya sa reclining chair.

"Haru!" gulat na bulalas ko.

Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa'king baywang at ipinatong sa balikat ko ang kanyang baba. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha ay hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata, kaya ang kanyang namumulang mga labi ang nahagip ng aking tingin. Bahagya pa itong basa ng kanyang laway. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil dito.

"Still mad, koibito? Sorry na," malambing na usal niya.

"Haya'n mo na 'yon. Basta sa susunod, wag nang puro galit ang pinapairal," tugon ko saka siya hinaplos sa kanyang kabilang pisngi.

"I will, koibito," aniya saka ngumiti. "I promise you that."

Muli akong napatitig sa kanyang mga labing kasalukuyang gumagalaw bunga ng kanyang pagsasalita. Mas lalo lamang itong namula at mukhang ang lambot ng hitsura, parang isang marshmallow.

Kailan ba niya ako hahalikan? O may balak ba siyang halikan pa ako? Nagka-ayos naman na kami, a.

"Hey, Maggie!?" untag niya.

Kung hindi dahil do'n ay hindi ko nalamayang naalis na pala niya ang ulo sa aking balikat at kasalukuyan na niya akong tinititigan ngayon. Nahuli ba niya akong nakatingin sa mga labi niya?

"H-ha?"

Tumawa siya nang pagak. "Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig sa akin." Lumabi siya. "Want something to eat? I'll cook for you."

Itinayo niya ako at siya naman ang sumunod. May kinalikot siya sa kanyang PC na hinuha ko'y may sini-save siyang documents doon.

Napatitig ako sa kanya. Anong nangyari? Bakit parang ang lamig na niya sa akin ngayon. Hindi kaya nabawasan na 'yong nararamdaman niya para sa akin dahil sa nangyari kanina? Bakit parang ayaw na niya akong halikan? Dati-rati, hindi naman niya pinapalagpas ang isang araw na hindi ako hinahalikan, a? Hindi kaya napipilitan na lang siyang pakisamahan ako? Sana pala hindi ko siya sinungitan kanina.

Nang mag-angat siya nang tingin ay biglang napawi ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. Mabilis na hinaplos niya ang aking pisngi at pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala mula sa aking mga mata.

"Doushite naite imasu ka, Maggie-chan?" he asked worryingly. (Why are you crying, Maggie?)

Lumabi ako saka humikbi. Totoo bang nag-aalala siya sa'kin?

"G-galit ka ba sa'kin?" balik-tanong ko.

"No, I'm not," maagap na sagot niya. "Why should I?" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon