26

19 1 0
                                    

AGAD NA sinalubong ako nina Desiree at Kara pagkapasok ko pa lang sa loob. Nasa "state of confusion" pa ako kung matatawag dahil sa nangyari sa labas. Kaya halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin nila ako sa aking pangalan.

"Okay ka lang, Mag?" tanong ni Kara nang mapansin ang kakatwang reaksyon ko.

"H-hwag kasi kayong nanggugulat," sagot ko. "Bakit pala parang sobrang excited niyo naman ngayon? Anong meron?"

"Ang late mo kasing pumasok. Kaa-announce lang ni Avie Sensei kanina na may job hiring daw sa Hokkaido, Japan, at tinatanggap kahit mga estudyanteng N2 lang ang natapos," natutuwang pahayag ni Kara sa akin.

"Mag-aapply na kayo?"

Kumibit-balikat siya. "Parang gusto kong i-grab 'yong opportunity, pero nasasayangan akong hindi tapusin 'to nang hanggang N5."

Doon pa lang sumagot si Desiree. "Pero ako, one-hundred percent sure nang mag-aapply ako. Sayang din 'yong pagkakataon. Sa lunes na raw ang interview kaya kailangan ko nang paghandaan nang husto 'yon."

Tatlong araw mula ngayon ang sinasabi niyang araw ng interview. Hindi pa siguro ako handang lumipad patungo sa ibang bansa dahil wala pa akong makapang eagerness sa loob ko. O baka hindi ko lang maiwan sa Language Center ang isang Japanese Sensei rito.

"Good luck, Des," bati ko. "Pagbutihin mo sa araw na 'yon."

"Ikaw, Mag? Hindi ka pa ba magpapa-interview?" Si Kara.

Umiling ako. "Tatapusin ko pa siguro ang N5. Sayang din kasi ang mga opportunity ng ibang kompanya pag nagkataon. Parang college rin kasi 'tong Language School na 'to na kapag mas mataas ang napag-aralan, mas malaki ang makukuhang opportunities."

"Totoo!" Mahinang nahampas ako ni Kara sa balikat. "Tapos mas malaki rin ang sahod pag naging sensei ka kasi bumabasé rin sila sa level ng natapos mo."

"Pero alam niyo namang kailangan ko ng trabaho ASAP kaya kahit mababa lang ang pwede kong makuha, gina-grab ko na," may panlulumong tugon ni Des. "Second option ko na siguro ang pagse-sensei, o kapag natapos na ako sa pagta-trabaho roon."

"Wala namang problema kung mauuna ka o mahuhuli, di ba?" Bahagyang hinagod ni Kara ang braso nito. "Basta wag lang nating kakalimutan ang isa't-isa pag nasa Japan na tayo, ha?"

"Syempre naman. Kahit makapag-asawa pa tayo ng Hapon!" Si Des dito.

"Iisa lang naman ang alam kong makakapag-asawa ng Hapon dito, e," ani Kara saka ako sinulyapan nang patagilid.

"M-magkaibigan lang kami no'n," depensa ko. "Alam niyo namang rules dito na bawal ma-involve ang isang sensei sa kanyang estudyante, di ba?"

Kumibit-balikat siya. "Okay. May magkaibigan naman kasing hinahanap ang isa kapag hindi pumasok. Sinusundo pa nga sa probinsya e."

"'Tsaka rules are meant to be broken din naman kung minsan!" Umarko ang mga labi ni Des pagkasabi no'n.

"Ewan ko sa inyo! Puro kayo issue, maupo na nga lang tayo," naiiling na saad ko saka pumwesto na sa kinauupuan ko kanina. Pero nang malamang hindi na sila nakatingin ay saka ko lang pinakawalan ang isang ngiting kanina pa gustong kumawala mula sa'king labi.

Ano nga kayang pakiramdam ang maging asawa ng isang Hapon?

·
MAGULO ANG LOOB ng classroom sa mga oras na 'to. Hindi naman maingay alinsunod sa school rules and regulations, nga lamang ay mistulang dinaanan ng bagyo ang nasabing kwarto dahil sa misplaced chairs at hindi magkandamayaw na estudyante.

Ngayon na kasi ang araw ng interview para sa mga aplikante, at halos kalahati ng klase ang kabilang do'n. Kanya-kanyang ayos ng hitsura at make-over kaya nagmistula na rin itong salon.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon