37

24 3 0
                                    


PAANO NIYA NALAMAN!?

Mabilis ko siyang tinulak ngunit halos hindi man lang natinag ang kanyang katawan mula sa kinatatayuan. "A-anong 'baby in your womb' ang pinagsasabi mo? H-hindi ako buntis, Haru."

Kumunot-noo siya ngunit mabilis na napalitan ang pagtataka niya ng pag-iling at pagtawa nang pagak. "You can't deny it to me, Maggie. You have the symptoms of pregnancy. Baka nga 'yon ang dahilan kaya ka umalis ng Language Center."

"S-symptoms?" halos paanas na tanong ko. Dinig na dinig ko sa loob ang kabog ng aking puso.

"Galing ako kay Charee bago ako pumunta rito. I saw all your unused sanitary pads. Ilang buwan ka na bang hindi dinadatnan?" seryosong saad niya.

"Dahil lang do'n napaniwala ka nang buntis ako? Normal lang sa isang babae ang hindi datnan---"

"Pero normal din ba sa isang babaeng hindi dinadatnan ang magkaroon ng morning sickness? Mai asa kimi wa haite iru, Maggie-chan!( You're vomiting every morning, Maggie) Hindi pa ba sapat 'yon sa tingin mo?" mariing saad niya. Tila isang abogado sa korte na pilit pinapaamin ang isang suspek.

Kahit kabado ay pinilit kong maging pormal. 'Yon lang ba ang dahilan kaya siya bumalik? Kasi naghihinala siyang buntis ako. Kasi alam niyang may pag-aari siya sa sinapupunan ko?

"Dahil lang do'n, Haru, napaisip ka nang buntis ako? Kaya ba bumalik ka kasi iniisip mo 'yan?" Umiling ako. "Sorry pero nagkakamali ka. Oo, may sintomas ako, pero alam mo ba ang dahilan no'n? Stress ako. Sobrang na-stress ako, at alam kong alam mo ang dahilan ng lahat ng 'yan."

Hindi siya umimik. Lumamlam na naman ang kanyang mga mata. He has now this long face. He looked so guilty. Kung iniisip niyang siya ang dahilan, totoo naman.

"Umuwi ka na." Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na akong tumalilis papasok sa gate ng aming bahay. Ini-lock iyon na parang hinahabol ako ng mga kawatan. Maging ang pinto ng aming mismong bahay ay hindi ko rin pinalampas.

Nang mapansin ang rectangular wall mirror sa tabi ng pinto ay napalingon ako ro'n. Ang haggard ko yatang tingnan. Nakakahiya naman kay Haru kung sakali. Tinitigan pa naman niya ako nang husto kanina.

"Oh, may naghahabol sa'yo?" puna ni Lorren na lumitaw galing sa kung saan.

Halos mapatili ako sa gulat matapos marinig ang boses niya. Natutup ko ang aking dibdib na hinarap siya. "Nakakagulat ka naman."

"E' kasi nakapagtataka ka. May naghahabol ba sa'yo?" ulit niya.

Humugot ako nang malalim na hininga. "'Yong foreigner na sinasabi nilang bagong salta riyan... H-hindi siya koreano, Ren. Hapon siya! Si Haru siya!"

Tumaas ang kilay niya. "Ow? So, required bang tingnan ang sarili sa salamin matapos kayong mag-meet ng ex mo?"

Umikot ang eyeballs ko. "Lorren, seryoso ako. Anong gagawin ko? May hinala na siyang buntis ako."

Kumibit-balikat siya. "Dalawa lang 'yan, Maggie. Either aaminin mo sa kanya ang totoo, o itatanggi mo ulit. For sure, tinanggi mo na 'yang bata. Pero uulitin ko, kahit paulit-ulit 'to kasi makulit ka naman... Hindi mo 'yan habang buhay na maitatago. Lalo na sa mismong ama ng anak mo."

Wala sa sariling nakagat ko ang aking mga kuko. Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko malaman kung ano ang aking nais: ang sabihin nang tuluyan kay Haru ang totoo o itatago sa kanya ang bata. Gusto kong magpakalayo-layo. Gusto kong takasan lahat nang ito.

Ginugulo na naman ako ng isang Hapon!

"Oy! Wag kang magpaka-stress diyan. Nakakasama 'yan sa baby." Umismid siya. "Huwag mo kasing isipin na hindi mo alam ang gagawin mo dahil alam naman nating pareho na alam mo ang dapat mong gawin, kaso ma-pride ka lang."

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon