04

51 4 3
                                    


PINAGMASDAN KO siyang mabuti habang nakikipagsuntukan sa mga school bullies. Oo, payat nga siya pero agresibo rin ang kanyang katawan. Alisto ang bawat kilos at mukhang may alam din siya sa taekwondo. Hindi kaya belter siya ng Judo?

Hindi rin nagtagal ay nakahandusay na sa lupa ang mga maaangas na lalaki kanina. Tila bumalik naman ang aking ulirat nang magawi ang tingin niya sa akin at magtama ang aming mga mata. Mabilis na pumihit ako patalikod, kasabay sa mabilis ding pagtibok ng aking puso sa kasalukuyan, na hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Ramdam kong namamawis na rin ang aking palad. Hindi na maganda 'to. Naiilang na ako ngayong alam kong nasa akin pa rin ang tingin niya kahit nakatalikod ako sa direksyon niya. Kailangan ko nang umalis agad.

"Chotto matte!" (Wait a minute!) Narinig kong tawag niya.

Napahinto ako dahil do'n. Ako ba 'yong tinawag niya?

Sunod na narinig ko ay ang yabag ng kanyang mga paa. Hindi nga naglipat-sandali ay nasa harapan ko na siya, kunot ang noo habang matamang nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at napatungo. "W-why?"

"I thin', I shourd be the one to ask you that?" Balik tanong niya. "Why? I mean, why did you do that?"

Tama nga ang tatlong babaeng nakausap ko kanina. Hirap nga siya sa pagsasalita, o pagpo-pronounce to be exact, ng English language. Medyo nabubulol pa siya sa ilang mga salita pero napansin kong pilit niya itong itinutuwid.

"D-did what?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya since mas matangkad naman siya kaysa sa akin.

"Fo' trying to save me from them," tugon niya saka itinuro ang mga binatang wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Ahm..." I hesitated. "I-I just need to. Y-you know, I care about you since you're a new student here, and so I am. And, and you're a foreigner also, that's why." Napakagat ako ng aking labi at binaba ang tingin sa lupa. Nakakahiya na ayaw makisama ng dila ko ngayon. Kanina pa ako nabubulol. Kainis naman!

"Arigatou," tugon niya. Kung hindi ako nagkakamali ay 'thank you' ang ibig sabihin no'n.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "You must be a Japanese."

Tumango siya. "Yes, I am. By the way, I am Haru of Japan," pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Hindi ko inaasahang nag-bow pa siya pagkatapos nito.

Wala sa sariling napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Pero kaagad ko rin itong pinalis dahil baka makainsulto ito sa kanya kung sakali.

"Nice to meet you, Haru," nakangiting tugon ko at naglahad ng kamay. "And my name is Magnolia. Magnolia Canlas."

Nag-alangan pa siya no'ng una pero nakipag-dahupang palad din sa huli. "Nice to meet you too, M-Magno--r-riya."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagbigkas niya ng aking pangalan. 'Yong letter L, naging letter R?

Napansin ko ang bahagyang pagtungo niya. Napahiya yata siya sa naging pagtugon ng aking katawan. Tahimik kong sinuway ang aking sarili.

Baka hindi nga siguro niya mabigkas nang maayos ang letter L. Hindi nga ba't sa mga birong pinoy, kapag may gumagaya sa accent ng mga Hapon, ginagawa din nilang letter R 'yong letter L. Baka nga siguro gano'n talaga sila.

Tumawag sa atensyon naming dalawa ang pagkilos ng lider ng bullies kanina. Nagising na pala ito at ginigising din ang mga kasama. Mukhang hinang hina pa at sapo ang kaliwang braso na nakikitaan ko ngayon ng pasa.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon