09

29 3 0
                                    


NARARAMDAMAN KO ang marahang paglalaro ni Haru sa ilang hibla ng aking buhok habang nakahilig pa rin ako sa kanyang balikat. Yakap-yakap naman niya ako at hinawi pa niya ang ilan sa mga ito na noo'y tumatabing sa 'king mukha. His touch was pure gentle. Pakiramdam ko'y isa akong babasaging gamit na pinaka-iingat-ingatan ng kanyang mga kamay.

Naramdaman kong mas humigpit pa ang kanyang mga yakap nang sunod-sunod pa rin ang aking nagiging paghikbi.

"Hush, Maggie. Tahan na, oh," he said those words sweetly. "Ano ba kasing nangyari at ba't ka nagkaka-ganyan?"

"Nag-take na kami ng examination kanina sa Hiragana at Katakana," simpleng tugon ko.

"Then? How was it?" he asked.

Nag-hesitate muna ako bago sumagot. Baka kasi isipin niya ang babaw ng iniiyakan ko. "H-hindi naman ako bumagsak, kaya lang, ang baba ng nakuha kong score."

Narinig ko ang pagtawa niya nang pagak. "Dahil lang do'n umiiyak ka na?"

Sabi ko na nga ba!

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi mo kasi naiintindihan, eh. Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko? Natural na para sa'yo madali lang 'yon kasi native language niyo 'yon." Pairap akong nag-iwas ng tingin sa kanya at naupo sa visitor's chair sa harap ng kanyang personal desk. Pinunasan ko ng panyo ang mga naiwang luha sa aking pisngi at inayos ang aking sarili.

He cooly sat down on his own swivel chair. Nakakainis, hindi man lang siya naapektuhan sa pagsusungit ko.

"Would you mind if I asked, 'may dalaw ka ba ngayon?'" Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa lamesa. Dinampot niya ang lapis na naroon at saka pina-ikot ito sa kanyang daliri na parang baton.

Sinulyapan ko siya at tumambad na mataman lang siyang nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot. "O-oo. Bakit mo tinatanong?"

Suddenly, a wide grin appears on his poker face. "Hindi na ako nagtaka. Ganyan na ganyan ka na noon pa every time na nagkakaroon ka ng buwanang dalaw."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko.

Umiling siya at iniwasan ang tanong sa halip. "Anong gusto mong kainin?"

"Ayokong kumain," naka-labing tugon ko, "wala akong gana."

Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at humalukipkip. "Wag mo nang dibdibin 'yon."

"Oo, madali lang sa'yo na sabihin 'yan kasi---"

"Kasi simula pa lang 'yon, Maggie" putol niya. Inilapit niya ang kanyang upuan sa mesa at itinukod ang dalawang siko roon. "Kahit pa bumagsak ka riyan sa examination na 'yan ay ayos lang dahil unti-unti mo rin namang mahahasa ang yomikata nito kapag nagkaroon na kayo ng libro."

Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya, " may libro pa kami?"

Tumango siya. "Oo. We call it Shin Nihongo no Kiso. Analysis at memorization ang aandar kapag nagsimula na kayo no'n. Isa pa, tig-apatnapu't anim lang ang Hiragana at Katakana, pa'no pa kaya kapag may jouyou kanji na sa lesson niyo? More than two thousand din lahat ng 'yon," pahayag niya.

"Two thousand? Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko na sinagot naman agad niya ng simpleng tango lamang.

"Bakit may kanji pa? E' di ba may Hiragana at Katakana na?" Kumibot ang aking bibig pagkatanong no'n.

"Actually, Jouyou kanji is for identifying since Hiragana and Katakana are both for reading. May mga Japanese words kasi na iisa lang ang pagkakasulat pero magkaiba ang kahulugan nito, at dito pumapasok ang purpose ng Kanji," tugon niya. "You don't need to memorize them, but familiarize them instead."

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon