32

21 3 0
                                    


HARUKI  MATSUMOTO'S
Point of view

NILAGOK KO ang huling laman ng kupitang hawak ko bago ito pabagsak na inilapag sa minibar ng sariling office ni Akiyo. Muling gumuhit sa aking lalamunan ang pait ng alak pero hindi na iyon ininda ng aking katawan. Namanhid na ba ako dahil sa espirito nito? Sana nga gano'n na lang.

Ngunit muling naghari ang lungkot nang dumako ang aking mga mata sa hawak kong bank book. Yes, it was Maggie's. Ito ang bank book na kung saan naka-record lahat ng sahod kong binibigay ko sa kanya. Walang labis, walang kulang, dahil may tiwala akong kaya niyang alagaan ang pera, na para naman talaga sa kanya. And it happened. The money was indeed in good hands. Kaso ang masakit, bank book na lang ang natira sa akin ngayon.

Natigil sa pagkukwento sina Kara at Desiree nang lapitan ko sila sa loob mismo ng kanilang room. Good thing it was lunch break, at nataong sila lang ang tao roon. Wala kahit si Avie-sensei.

I can't find Maggie anywhere. I admit I'd already missed her, but how can I tell her? Right after what I've done.

Tumaas ang kilay nila pareho nang makita ako. I swallowed, then cleared my throat after.

"N-nasaan si Maggie?"

Tumayo ang isa at hinarap ako. Kung hindi ako nagkakamali, this one is Kara.

"Bakit mo naman siya hinahanap? Di ba nga may 'girlfriend' ka na?"

Umawang ang bibig ko nang ilang segundo bago ako nakapagsalita. I want to defend myself, but how? I am guilty then. "I... I want to see her---"

"Wala na siya."

Natigilan ako. Napakurap. "What do you mean? S-saan siya nagpunta?" Oh, God! Sabihin mong mali ako ng iniisip ngayon.

But I was right when Kara told me, "she just left."

Magtatanong pa sana ako nang bigla niyang iabot sa akin ang isang bank book. It's my name written on it. She named it after me.

"Pinabibigay niya 'yan sa'yo. Na-expell siya right after claiming her last AWOL. Wala nang magawa si Avie-sensei kundi alisin siya sa records. It's upon your protocol." She fake a smile on me.

Parang naulit muli 'yong sakit na dinanas ko limang taon na ang nakalipas na kung saan nakita ko siyang may kayakap na iba. But this time is more painful, because it's all my fault. My stupidity.

"Excuse us, Haru-sensei," aniya saka nilampasan ako. Hinila niya ang kasama niyang mukhang takot sa akin.

"Ah, Haru-sensei!" muling tawag niya na nakapagpa-pihit sa akin paharap sa kanila. "May pinabibigay pa pala siya sa'yo."

"A-ano 'yon?"

Hindi ko inasahang isang malakas na sampal ang matatamo ko sa kanya ngayon. Mabilis siyang hinila ng kasama niya palabas at nagpaalam na sa akin.

"Ano ka ba, Kara!? Wala namang pinabibigay na gano'n si Maggie ah?" dinig kong panunuway nito sa kasama.

"E' ganti man lang natin 'yon sa ginawa niya kay Mag 'no?" Those last words I've heard hanggang sa di na umabot sa pandinig ko maging ang mga yabag nila.

I blame nothing but myself. Tama naman sila, deserve ko ng masamang ganti dahil sa ginawa ko. Nakita ko sa mga mata ni Maggie noon kung gaano ko siya nasaktan matapos kong sabihing girlfriend ko si Satsuki.

I admit I got mad that time. Kagagaling lang ni Sat sa Hospital at hindi pa siya magaling nang tuluyan at nagulat ako nang makita siyang nabuwal sa harapan mismo ni Maggie. Naniwala ako sa unang conclusion ko, lalo na nang sinabi ni Sat na tinulak nga siya ni Maggie sa sahig, kaya ko siya sinisi. But when I saw those tears flowing down to Maggie's cheek, nakalimutan ko nang magalit. Gusto ko siyang yakapin that time like the way I used to do kasi ayaw ko siyang nakikitang umiiyak, kaso hindi ko na magawa. She even tried to looked directly in my eyes, pero umiwas ako ng tingin. Paano ko siya magawang tingnan kung ako naman 'yong mas na masasaktan sa bawat pagsalubong ng aming mga mata.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon