15

31 2 0
                                    


"OH, BA'T ka late?" pambungad na tanong sa'kin ni Charee nang pagbuksan niya'ko ng pinto sa apartment. Nakapambahay na ito kaya sigurado akong oras na rin ang lumipas mula nang makauwi ito roon.

Dire-diretso akong pumasok sa loob. "A-actually, half day lang talaga kami. N-nagkayayaan kasi kaming magkaka-klase na magkaroon ng kaunting bonding kanina, kaya ayon," pagsisinungaling ko.

Tumango-tango siya at mukhang napaniwala ko naman. Pareho na kaming nasa kwarto ngayon at kasalukuyan siyang nagpapahid ng facial cleanser gamit ang cotton pads.

"Okay ka lang?" punang-tanong niya na nagpatigil din sa kanyang ginagawa. "Parang magigiba 'yang kama mo sa sobrang banayad ng pag-upo mo, a! Wag kang mag-alala, matibay 'yan." Muli niyang itinuloy ang ginagawa at tinalikuran ako.

Tinawanan ko na lang ang kanyang sinabi. Pero lihim akong napapangiwi sa hapdi ng aking pagkababae. Ito rin ang dahilan kaya niya napunang banayad nga ako sa pag-upo dahil mahapdi ito pag nasasagi.

Kaagad akong tumungo sa banyo at naligo ng katawan bago bumalik sa kwarto. Mahimbing na ang tulog ni Charee at medyo humihilik na rin. Mabuti na lang at pag-upo ko lang ang napuna niya kanina, at hindi ang mga kissmarks ko sa leeg maging ang kawalan ko ng bra.

Masakit na ngayon pati ang aking buong katawan mula nang mabuhusan ito ng malamig na tubig. Dahan-dahan akong humiga sa kama at bumuntong-hininga. Para namang sirang plakang muling bumalik sa diwa ko ang mga tagpo kanina sa kwarto ni Haru.

Napapikit ako nang mariin at tinakpan ang buong mukha. Ano ba kasing nakain ko't nagpadala ako sa init ng sensasyong 'yon? Paano ko ngayon haharapin si Haru nang hindi naiilang? Kung wag ko na lang kaya siyang pansinin?

Bunga ng pagod ay nakatulugan ko na rin ang malalim na pag-iisip.



"WHERE'S MAGNOLIA-SAN?"

Pinagsalikop ko ang mga kamay at mariing pumikit habang hinihiling na sana ay hindi ako makita ni Haru habang nagtatago sa ilalim ng desk ni Avie-sensei. Kinausap ko na ang mga kaklase kong magdahilan na lang kapag bigla akong hinanap ni Haru sa classroom. May tiwala naman ako sa kanila pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan nang marinig kong pumailanlang sa buong kwarto ang ma-awtoridad na boses niya.

Mula kasi nang takasan ko siya ng gabing 'yon ay hindi ko na siya muling kinausap o ni-reply-an man lang sa kanyang magkakasunod na text message. Kahit pa naku-konsensya ako dahil ang ilan sa mga 'yon ay may halong pag-aalala.

"Wala po, Haru-sensei. Absent po, e. Hindi po namin alam kung bakit." Boses iyon ni Desiree.

"You mean to say, AWOL siya?" Si Haru.

"Gano'n na nga po." Si Kara naman.

"I'm going to asked Avie-sensei. Baka may nasabi--"

Napadilat ako sa gulat nang marinig iyon. Si Avie-sensei lang kasi ang hindi ko na-inform tungkol dito.

"Ah, wait sensei! Wait lang po!" Pigil ng ilang boses.

"P-pati po kasi si Avie-sensei h-hindi rin niya alam," tugon ni Desiree sa kanya.

"How did you know?" Boses ulit ni Haru.

"Sinabi niya!" Si Kara.

"Hula lang namin." Si Desiree naman.

Napa-facepalm ako. Magkaiba kasi ang sagot ng dalawa.

"Okay then," tugon ni Haru. "Sige, alis na 'ko."

Hindi nagtagal ay tinawag na ako ng dalawa. Dahan-dahan muna akong sumilip at nang masiguradong wala na nga si Haru sa loob ay saka lang ako tuluyang lumabas mula sa'king pinagtataguan at umupo katabi nila. Nagpakawala ako ng isang sigh of relief habang tutup ang dibdib.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon