13

27 2 0
                                    


KUNG DATI ay sa office, ngayon naman'y sa parking lot ng school ako pinapunta ni Haru. Walang gaanong nagagawi roon dahil bandang likod na 'yon ng school building at bilang lamang din sa daliri ang mga may four-wheels na sasakyan, dahilan upang matanaw ko kaagad ang bulto ng katawan niyang nakasandal sa sarili niyang kotse. Napangiti ako.

"Haru-sama!" Tumayo ako ilang hakbang sa kinaroroonan niya saka humalukipkip.

Mula sa pagkakatitig sa kanyang cellphone ay nag-angat siya ng tingin sa direksyon ko at ngumiti nang maluwag. Kaagad niyang ibinulsa ang hawak at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa 'king sentido.

Tiningnan niya ako sa mukha pagkatapos. "Anong pinag-aralan niyo kanina?"

"Parts of the body," takang-tugon ko. Ngayon lang kasi siya nagtanong tungkol doon.

"And what are those?"

Una kong itinuro ang mata ko. "Me(eyes)."

Dinampian niya naman ito ng halik.

Sinunod ko ang ilong. "Hana(nose)." Gano'n ulit ang ginawa niya.

"Haha(cheeks)," natatawang saad ko. He kissed me on both sides.

"And kuchi(mouth)." Sa puntong 'yon ay siniil naman niya ako ng isang masuyong halik.

"Sugoi!(Excellent!)" puri niya nang maghiwalay ang aming mga labi. "Dahil diyan, may reward ka mula sa'kin."

Bago pa man ako nakapagtanong ay pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kanyang kotse at iginiyang umupo sa tabi driver's seat. Umikot siya sa kabilang side at naupo sa katabing upuan ko. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt sa akin.

"Sa'n ba ang punta natin?" tanong ko kalaunan. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Mabuti at umayon sa amin ang kalsada dahil hindi ito ma-traffic.

"Somewhere na sigurado akong na-miss mo nang sobra," maluwag ang pagkakangiting tugon niya saka ako sinulyapan.

Hanggang doon na lang ang naging tugon niya kahit pa kinulit ko siya sa pagtatanong. Hindi raw maaaring sabihin dahil baka mawala ang "element of surprise" na siya namang ikina-kunot ng noo ko. Nang hindi na ako umimik ay sakto namang iniliko niya ang sasakyan patungo sa malawak na parking lot ng isang Japanese Restaurant. Namangha ako at hindi makapaniwalang dito niya ako dadalhin ngayon. Sa tanang buhay ko ay nunca pa akong nakapasok sa ganito ka-mamahaling kainan.

Naramdaman kong kinalas niya ang seatbelt sa tagiliran ko dahilan upang mapadako sa kanya ang aking tingin.

"Seryoso ka ba? Dito sa Tokyo Kitchen mo ba talaga ako dadalhin, o pina-prank mo na naman ako?" tanong ko saka lumabi sa mga huling katagang binanggit.

He chuckled. "Dito talaga tayo. Di ba sabi mo noon na-miss mo na ang Japanese dishes?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig at wala sa sariling nayakap siya nang mahigpit. Totoo nga! "Thank you, Haru."

"You're welcome, koibito," anas niya na nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Natigilan ako sa tinawag niya sa akin at agad na kumalas ng yakap sa kanya. Sinalubong naman ako ng malamlam niyang mga mata.

"A-anong sinabi mo?" lakas-loob na tanong ko. Maaaring magdulot ito ng awkwardness sa pagitan namin ngayon din, kaya siniguro kong emotionless ang pagkaka-bitaw ko ng tanong sa kanya.

"Sabi ko 'you're welcome Maggie-chan'. Bakit?" tila bored namang tugon niya.

Umiling ako. Baka ako lang talaga 'yong nag-hallucinate kaya nagkamali sa narinig. Hindi na rin kataka-taka dahil nakaramdam kaagad ako ng pagkalam ng sa'king sikmura.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon