08

33 4 2
                                    


"HINDI YATA kita nakitang um-attend ng radio taiso kahapon? Absent ka ba?"

Napalingon ako kay Xavier matapos siyang magsalita. Nasa labas kami ngayon ng building para sa every morning routine na radio taiso, isang Japanese exercise. At tama nga siya ng sinambit noon sa 'kin; hindi ito pangkaraniwang exercise lamang dahil may ilang steps ito na iba sa mga nakasanayan.

Nginitian ko siya nang tipid. "Late na akong pumasok kahapon, eh. Napagalitan pa nga ako kay Director Hinata."

"Talaga? Intense magalit ang Hapon na 'yon," komento niya.

Tumango ako at umarko ang aking labi. "Kaya nga. Mabuti na lang din at may mga sensei na nasa loob ng room no'n kaya may umagapay sa akin. Kung hindi, malamang nilamon na ako nang husto ng kahihiyan."

"Si Avie-sensei ba ang naka-in-charged sa klase niyo?"

"Uh-uh," pagtango ko.

"Mabuti. Alam mo bang napakabait daw no'n. Sabi nila, siya daw 'yong sensei na hindi marunong magalit," pahayag niya. "Sayang nga hindi siya 'yong napunta sa amin, eh."

"Mukhang lahat naman ng mga sensei dito ay mabait, di ba?"

"Oo, 'yong iba. Pero sabi ng mga senpai dito, ang pinaka-terror daw na sensei dito ay si Haru-sensei."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko pagkarinig no'n, ngunit kaagad ding napunta sa isang kunot-noo bunga na rin ng pagtataka. Si Haru, pinaka-terror? "Talaga? Bakit daw?"

Kumibit-balikat siya. "Parang kay Director Hinata daw ito kung magalit. Nambubulyaw, naninigaw, tapos mainitin ang ulo. Kaya once na pumapasok daw ito sa isang class para mag-orient, expected daw na sa meroon itong ipapahiya roon. Either students o 'yong mismong sensei."

Napaisip ako sa sinabi niya. Sa buong buhay ko kasi na nakasama ko si Haru ay hindi ko pa siya nakikitang magalit, to the point na nambubulyaw pa raw ito, ayon sa sinabi niya. Totoo kaya 'yon?

"Aray!" Nagitla ako matapos makarinig ng daing mula sa 'king likuran. Nasa step na kasi kami kung saan hahayaang maihampas sa ere ang aming mga kamay na sumasabay lamang din sa mala-duyang umiikot naming katawan. Natabig ko ang kamay ng babaeng nasa likuran ko no'n kaya napadaing ito.

Nilingon ko siya at nag-sorry kaagad. Tumango naman siya at ngumiti pa. Mabuti at hindi rin ito galit.

"I told you, this one is rare," ani Xavier na ang tinutukoy ay ang exercise na ginagawa namin, saka dinugtungan nito ng tawa ang sinabi.

Sumabay na lang din ako sa pagtawa sa kanya. Ngunit bigla na lang akong na-conscious nang maramdamang tila may mga matang nakamasid sa akin. Luminga-linga ako sa paligid. Busy naman ang lahat sa pag-eehersisyo, ah.

Hanggang sa napadako ang tingin ko sa second floor ng school building, at nakita ko nga ang isang pares ng mga matang noon ay matalim kung nakatingin sa akin, sa amin ni Xavier. Pina-blangko rin niya agad ang expression matapos magtama ang aming mga paningin. Pinihit niya ang katawan patalikod saka naglakad papasok sa room na nasa tapat din niya.

Napakunot-noo ako dahil sa inastang iyon ni Haru. Bakit naman ang sama niya kung makatingin sa amin? Anong problema niya?

"Okay ka lang?" Pang-aagaw ng atensyon ni Xavier. Natigil kasi ako sa ginagawa dahil sa pag-iisip. Sinundan din niya ng tingin ang tinitingnan ko sa second floor. Mabuti na lang at wala na ro'n si Haru.

Simpleng tango na lang ang isinagot ko sa kanya upang hindi na rin siya mag-usisa pa. Hindi na rin naman siya nagtanong kasunod no'n.

·
ALAS NUEVE en punto ng gabi nang matapos ang aming klase. Pagkatapos naming bigkasin ang Mata aimasyou which means 'see you again' ay kaagad akong nagtakip ng bibig upang hindi makita ni Avie sensei ang paghihikab ko. Magkahalong antok at pagod na ang kasalukuyan kong nararamdaman. Nagkaroon kasi kami ng renshu (practice) ng Hiragana no Kakikata (Method of writing Hiragana script). Kailangan kasing pag-aralan nang maraming beses ang stroking nito para sa maayos na pagsusulat.

Sensei's Kiss(Japanese Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon