Chapter 25:
Agies (Kingdom of Riyukou):
The kingdom of Riyukou is known as the capital of the society of Agies.
Ang kaharian ay kilala sa lakas nito sa pwesang pandigma at sa likas na yaman na mayroon ito.
Tanyag din ang kaharian dahil sa pananakop nito sa apat na kaharian sa society ng Grim frost land na naging dahilan kung bakit umanib ang society na ito sa kanila.
Maging ang isang Kaharian sa Light valley ay hawak nila. Ang kaharian ng Golena.
"My Lord." Lumuhod ang isang lalaking naka soot ng cloak. Sa unang tingin ay malalaman mong kawal ito dahil sa marka ng cloak na soot nito.
Naagaw nito ang atensyon ng Hari na naka upo sa kanyang trono.
"Nakabalik na si Prince Celeb mula sa kanyang misyon." Paliwanag niya.
Bumukas ang malaking tarangkahan at mula doon ay pumasok ang napakaraming uwak.
Nang maka pasok ay nag ipon ipon ito at ilang saglit pa ay naging tao ang mga ibon.
"Celeb." Wika ng hari.
"My Lord." Kagaya ng kawal ay lumuhod ito sa harapan ng Hari bilang pagbigay galang.
Mabilis na lumisan ang kawal at isinara nito ang tarangkahan.
"Who's your mission?" Usisa ng Hari.
"I'm done with it. Lahat ng paghihinala natin ay nasagot na." He smirk.
Napukaw ang atensyon ng Hari ng marinig niya ang sinabi ni Celeb.
"So the rumors is true." Wika nito.
"Indeed my King. The rumors about the Lost Prince of Golena is true. I've tried to kill him..." Napahinto siya. Inaasahan na ng Hari ang resulta. "But I failed."
Napapikit ang Hari at napahinga ng malalim. "You really are a disappointment." Makikita sa reaksyon nito ang galit dahil sa narinig nyang balita.
"But father..." Naputol ang sasabihin ni Celeb
"Don't call me father!" Sigaw ng Hari. "Kawal!" Mabilis na pumasok ang isang kawal at lumuhod sa harap ng hari.
"My Lord."
"I want Gino to do the mission on Maiyah. Ipinagkakatiwala ko sakanya ang pag kuha sa ulo ng isa pang kahihiyan na si Grecko." Sambit nito.
"Masusunod." Mabilis na lumabas ang kawal.
Hanggang ngayon ay naka luhod parin si Celeb. Ang misyon na dapat ay para sakanya ay mapupunta ki Gino.
Hindi nya kayang itago ang galit at paninibugho sa kapatid.
"You may now leave, Celeb." Sambit ng Hari.
Bago lisanin ang silid ay binigyan ni Celeb ang Hari ng isang masamang tingin.
Ilang saglit pa ay nag palit ang anyo nito bilang mga uwak at lumabas na sa silid.
Nicolo's POV:
Ngayon ay naiwan ako sa labas. Si Darlyn ay nasa loob na.
Matapos ang nangyare ay tumakbo sya papunta sa loob. Hindi ko alam kung bakit.
Naiwan nya akong tulala at hindi makapaniwala sa nangyare.
Ngayon ay napapatanong ako. Bakit biglaan tong nararamdaman ko?
Bakit noong inilagay nya ang palad nya sa dibdib ko ay parang hindi iyon ang unang beses naginawa nya?
At isa pa, ang halik na iyon. Hindi din yun ang unang beses. Sigurado ako.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...